Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Abenida Katipunan

Mga koordinado: 14°37′42″N 121°4′26″E / 14.62833°N 121.07389°E / 14.62833; 121.07389
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Katipunan
Katipunan Avenue
Impormasyon sa ruta
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaSangandaan ng mga Abenidang Valerie at Magsaysay sa Lungsod Quezon
 
Dulo sa timogAbenida White Plains sa Lungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Katipunan (Ingles: Katipunan Avenue) ay isang pangunahing abenida sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa direksyong mula hilaga-patimog, mula Abenida Magsaysay sa paligid ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa hilaga hanggang Abenida White Plains sa timog. Isa itong pambansang daan ng Pilipinas,[1] kung saan bahagi ito ng Daang Palibot Blg. 5 (o C-5) sa pagitan ng Abenida Tandang Sora at Abenida Bonny Serrano.

May tatlong linya (sa bawat direksyon) ang malaking bahagi ng Abenida Katipunan, at lalapad ito sa apat sa mga piling bahagi.[2] Kikipot naman ito sa dalawa sa loob ng mga barangay ng White Plains at Saint Ignatius.

Ang abenida ay may pangkaraniwang katangian na mabigat na trapiko ng mga sasakyan, at hinahatian ito sa gitna ng mga panggitnang harangan (traffic islands) para sa kaginhawahan ng mga taong naglalakad.[3] Noong 2005, nilista ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang paligid ng abenida malapit sa Pamantasang Ateneo de Manila bilang isa sa labing-apat na mga pinaka-mapanganib na lugar dahil sa trapiko sa Kamaynilaan.[4]

Sa abenidang ito matatagpuan ang ilan sa mga kilalang institusyong akademiko sa bansa, tulad ng Pamantasang Ateneo de Manila, Kolehiyo ng Miriam, at Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.[3] Dito rin matatagpuan ang mga pasilidad ng Manila Water sa loob ng Balara Filters Park. Matatagpuan malapit sa sangandaan nito sa Bulebar Aurora ang Estasyong Katipunan. Ito ang katangi-tanging estasyon ng Linya 2 na matatagpuan sa ilalim ng lupa.[5]

Tanawing panghimpapawid ng bahaging Aurora-P. Tuazon ng Abenida Katipunan.

Galing ang pangalan ng abenida sa Katipunan, o ang Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).[6] Ang bahagi ng abenida sa pagitan ng Bulebar Aurora at Abenida Tandang Sora ay pinalitan ng pamahalaang panlungsod ng Lungsod Quezon ng pangalang Abenida ng Pangulo Carlos P. Garcia (Ingles: President Carlos P. Garcia Avenue), ang itinakdang pangalan ng C-5 ng MMDA, bagaman tinatawag pa ring Abenida Katipunan ang bahaging ito.

Noong 2002, nagtanim ang mga boluntaryo ng Katipunan Greening Project ng mga halamang bogambilya, kantutay, petunia, red creeper, at iba pang mga namumulaklak na palumpong sa abenida, pagkaraan ng dalawang taon ng paglolobi ng MMDA para matiyak na ang lungsod ang magpapadilig at mangangalaga ng mga halaman. Tumulong din ang mga negosyo sa kahabaan ng abenida.[7] Noong 2003, ipinanukala ng MMDA ang pagtatanggal ng mga puno at panggitnang harangan sa kahabaan ng abenida, sa isang pagtatangka para mapabuti ang daloy ng trapiko, subalit tinutulan ito ng mga lokal na residente.[3] Pinigilan ito ng isang kautusan mula sa Malacañang, habang hinihintay ang pagbabalik ng noo'y pangulong si Gloria Macapagal Arroyo mula sa isang paglalakbay sa ibayong dagat.[8] Subalit noong 2009, pinuputol na ng MMDA ang mga puno sa abenida para sa isang proyektong pagpapalawak ng daan; sa kasong ito, inutos ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) ang pagtigil ng MMDA sa mga gawain nito, pagkaraan ng mga pagtutol ng Pamantasang Ateneo de Manila.[9] Nagkaroon pa ng mga kabilaang paratang sa pagitan ng dalawang kagawaran: sinasabi ng MMDA na ang pagtatanggal ng mga puno ay pinagkasunduan na ng DENR, habang binatikos naman ng DENR ang MMDA sa di-maingat nitong paraan ng pagpuputol ng mga puno.[10]

Noong 2006, nagtayo ang pamahalaang panlungsod ng isang pedestrian overpass malapit sa Pamantasang Ateneo de Manila.[11]

Matagal nang pinagbabawalan sa abenida ang mga de-motor na traysikel (na kilala din sa ilang bansa sa Asya bilang cycle rickshaw), subalit hindi ito ipinapatupad nang mahigpit, hanggang sa isang anunsiyo mula MMDA noong Agosto 2008. Sinabi ng MMDA na ipapapatupad nila ang pagbawal mula Bulebar Aurora pahilaga.[12] Noong Setyembre 2008, ipinapanukala ni Konsehal ng Lungsod Quezon Allan Butch Francisco ng isang eksepsyon sa pagbawal. Ayon sa kanya, pinapayagan ng Quezon City Tricycle Ordinance ng 1992 na dumaan ang mga tricycle sa mga pambansang lansangan kapag ang mga lansangan na ito ay mga tanging daan sa lugar. Aniya, ang Abenida Katipunan ay tanging daan na nag-uugnay sa u-turn slot sa Abenida CP Garcia malapit sa Unibersidad ng Pilipinas.[13] Bilang protesta, nagsagawa ng strike ang mga drayber ng tricycle sa kalagitnaan ng Setyembre.[14]

Noong 2008, sinimulan ng MMDA ang planong pagiiba ng daan ng trapiko sa abenida, kung saan tinanggal ang ilang u-turn slot. Inireklamo ito ng mga lokal na residente, ngunit tugon ng MMDA na ang daan ay ginagamit ng mga motorista at hindi lamang ng mga naninirahan doon, at ang mga hakbang ay nakapagpabuti ng daloy ng trapiko.[1] Di-kalaunan, sinabi ng MMDA na bubuksanin muli ang ilan sa mga isinarang u-turn slot.[15]

Binabalak noon na gawing isang mababang densidad na sonang pamahayan ang paligid ng Abenida Katipunan. Noong 2009, ipinanukala ng SM Investments Group ang pagtatayo ng isang 31-istorya na proyektong high-rise panresidensyal na tinawag na Stanford Residences sa isang 35,600 metro kwadrado (383,000 talampakan kwadrado) na puwesto sa Abenida Katipunan malapit sa Santa Maria della Strada Parish Church. Ang nasabing gusaling high-rise ay may 1,316 na mga unit pang-komersiyal at pantahanan.[16] Upang maitayo ito, kukuha ang SM ng pahintulot na magpapalibre ito sa Comprehensive Zoning Ordinance (Ordinance No. SP 918 S-2000) na nagpapatakda ng taas ng mga gusali sa 9 metro (30 talampakan) sa mga pook-residensyal tulad ng bahagi na iyon ng Abenida Katipunan.[17] Tinutulan ng mga residente ang paglilibre.[18] May isa pang proyektong high-rise ang SM sa kabilang gilid ng abenida na itinatayo na sa mga panahong iyon, ang Berkeley Residences, na 40% tapos pagpasok ng Setyembre 2009. Nagpahiwatig ang SM na gusto nitong lipatin ang proyektong Stanford Residences sa ibang lugar.[19]

Noong 2010, inanunsyo ng MMDA na maglalabas ito ng 2,000 tagapagtupad ng kaayusan sa trapiko sa kahabaan ng abenida bilang hakbang sa mabigat na trapiko ng mga sasakyan.[20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Katipunan rerouting by MMDA draws flak from motorists". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Philippine Daily Inquirer: Katipunan road plan gets  big 'No'". {{cite news}}: no-break space character in |title= at position 53 (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Philippine Daily Inquirer: Reprieve".
  4. "Philippine Daily Inquirer: Metro's 14 most dangerous spots".[patay na link]
  5. "LRTA offers traditional free ride on June 12". GMA News.
  6. "People and stories behind popular PH streets". Yahoo! Singapore. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Philippine Daily Inquirer: Katipunan Avenue in bloom".
  8. "Philippine Daily Inquirer: Palace stops cutting of trees on Katipunan".
  9. "DENR to MMDA: Stop removing trees from Katipunan Avenue". The Philippine Star.[patay na link]
  10. "MMDA: Tree removal covered by DENR deal". The Philippine Star.[patay na link]
  11. "New QC bridge to ease Novaliches traffic". The Philippine Star.[patay na link]
  12. "MMDA to strictly enforce tricycle ban on Katipunan Avenue". GMA News.
  13. "Quezon City council asked to allow tricycles on Katipunan". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Katipunan trike drivers hoping for a reprieve". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "MMDA may reopen U-turn slots if". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "QC residents, others oppose granting of zoning exemption to multi-level structure". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "David vs. Goliath". The Guidon. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Proposed reso on planned SM condo put on hold". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "SM unit to transfer new project amid opposition". Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "MMDA deploys 2,000 enforcers to decongest Katipunan, U-belt". The Philippine Star.[patay na link]

14°37′42″N 121°4′26″E / 14.62833°N 121.07389°E / 14.62833; 121.07389