Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Astrobiyolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang astrobiolohiya o astrobiyolohiya ay ang pag-aaral at pananaliksik kung may buhay o wala sa ibang mga planeta.[1] Ito ang pag-aaral ng buhay, kung meron man, sa kalawakan. Naghahanap ang larangan ng astrobiyolohiya ng mga kalagayan o kundisyong kinakailangan para magkaroon ng buhay na mga nilalang, katulad ng likidong tubig, mabuting temperatura, o pagkakaroon ng oksiheno.

Tinatawag din ang astrobiyolohiya bilang eksobiyolohiya, eksopaleontolohiya, at biyoastronomiya. At binibigyang kahulugan din bilang ang pag-aaral ng pinagmulan o orihen, ebolusyon, pagkakalat o distribusyon, at hinaharap ng buhay sa uniberso. Sakop ng interdisiplinaryong larangang ito ang paghahanap ng mga kapaligirang maaaring tirahan sa ating Sistemang Solar at mapagtatahanan o mapamumuhayang mga planeta sa labas ng Sistemang Solar, ang paghahanap ng mga katibayan o ebidensiya ng prebiyotikong kimika (abiyohenesis), buhay sa Marte, at iba pang mga katawan sa ating Sistemang Solar, pananaliksik sa laboratoryo at sa labas ng laboratoryo hinggil sa pinagmulan o orihen at maaagang ebolusyon ng buhay sa Mundo, at mga pag-aaral ng potensiyal para makaayon ang buhay sa mga pagsubok sa Mundo at sa kalawakan.[2]

Ginagamit ng astrobiyolohiya ang pisika, kimika, astronomiya, biyolohiya, biyolohiyang molekular, ekolohiya, planetaryong agham at heolohiya upang suriin ang posibilidad ng buhay sa ibang mga mundo at tumulong na makilala ang mga biyosperong maaaring napaka kakaiba mula sa kung ano ang meron ang Mundo.[3][4]

Dalawa sa mga lugar na maaaring mapagtagpuan ng buhay sa sistemang solar ang Europa, isang buwan ng Hupiter at Titan, isang buwan ng Saturno. Maaaring may likidong tubig ang mga pook na ito. Subalit maaaring napakalamig nila upang makapagtangkilik o sumuporta ng buhay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Astrobiology, astrobiolohiya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "About Astrobiology". NASA Astrobiology Institute. NASA. Enero 21, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-11. Nakuha noong 2008-10-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. iTWire - Scientists will look for alien life, but Where and How?
  4. Ward, P. D.; Brownlee, D. (2004). The life and death of planet Earth. New York: Owl Books. ISBN 0805075127.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)