Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Borago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Borago
Mga bulaklak ng borago.
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
(wala pang kinalalagyan)
Pamilya:
Sari:
Borago
Espesye:
B. officinalis
Pangalang binomial
Borago officinalis

Ang borago, boraga, borage, o boraha (Borago officinalis L.; Ingles: borage; Kastila: borraja), na kilala rin bilang "bituing bulaklak" o "starflower" sa Ingles (گل گاوزبان ایرانی o Echium amoenum[1] ) ay isang taunang yerba na nagmula sa Sirya, subalit naging likas sa kabuuan ng rehiyong Mediteraneo, maging sa Asya Menor, Europa, Hilagang Aprika, at Timog Amerika. Lumalaki ito hanggang sa taas na 60-100 sentimetro (2-3 talampakan), at mabuhok ang mga sanga at mga dahon; nagpapalitan ang mga dahon, payak, at may habang 5-15 sentimetro (2-6 pulgada). Ang mga bulaklak ay buo, perpekto na may limang makitid na tatsulok at matulis na mga talulot. Pinakakalimitang bughaw ang kulay ng mga bulaklak, bagaman may napagmamasdan ding may mga kulay rosas na bulaklak. Inaalagaan din ang mga uring may puting mga bulaklak. Mayabong kung mamulaklak ang mga ito. Sa mga may banayad na klima, tuluy-tuloy ang pamumulaklak ng mga borago sa halos kabuoan ng taon.

Ginamit ng herbalistang si John Gerard noong 1597 sa kanyang sulatin ang isang matandang kataga hinggil sa borago: ego borago gaudia semper ago, na nangangahulugang "Ako, si borago, ay palaging nagdadala ng katapangan". Isa itong pangungusap na napatunayan na ng makabagong pananaliksik hinggil sa halaman sapagkat nalalaman na ngayon na nakapagpapasigla ang mga ito ng mga glandulang adrenal na nakapanghihikayat ng paggawa ng adrenaline, ang tinatawag na hormonang may kaugnayan sa "paglaban o pagtakas" ng isang nilalang katulad ng tao, isang hormonang naghahanda sa katawan sa pagkilos kung nalalagay sa mga sitwasyong may tensiyon tulad ng panganib.[2]

Bilang yerba o halamang-gamot, ginagamit mula sa borago ang mga dahon, bulaklak, at mga buto. Ginagamit ang malamang mga dahon bilang tonikong adrenal para panlaban sa tensiyon o bilang panlaban sa epekto ng terapiyang may isteroyd (steroid). Nagagamit din ang mga ito upang lunasan ang tuyong pag-ihit ng ubo at upang makapagpasigla sa pagdaloy ng gatas mula sa dibdib ng ina. Nirereseta rin ito sa kapanahunan ng pagkakaroon ng lagnat sa karamdamang may pamamaga ng pleura o pamamaga ng puwang na pumapaligid sa baga (anatomiya) (tulad ng pleurisy) at sakit na may pag-ihit ng ubo. Bilang nakaugalian, dating ginagamit naman ang mga bulaklak bilang pandagdag sa mga alak upang "mapasaya ang mga lalaki", at bilang sirup na panlaban sa ubo. Ginagamit naman ang langis na nakakatas mula sa mga buto ng boraga bilang pamalit sa panggabing langis ng prima rosa (ang primrose sa Ingles) upang maging panlunas sa rayuma, mga suliranin sa pagreregla, at napapahid din para panggamot ng eksema.[2]

  1. گل گاوزبان ایرانی, Blogfa.com
  2. 2.0 2.1 Ody, Penelope (1993). The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 41.