Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Inhinyeriyang pangkimika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang inhinyeriyang pangkimika ay isang sangay ng inhinyeriya na naglalapat o gumagamit ng mga agham na pisikal (kimika at pisika) at/o mga agham ng buhay (biyolohiya, mikrobiyolohiya at biyokimika) kasama ng matematika at ekonomiks sa mga proseso na nagpapalit ng mga hilaw na materyal o mga kimikal upang maging mga anyo o pormang mas nagagamit o mas mahalaga. Bilang karagdagan, ang makabagong mga inhinyerong pangkimika ay nagbibigay din ng pagtuon sa pagpapasimula ng mahahalagang mga materyal at kaugnay na mga paraan - na kadalasang mahalaga sa kaugnay na mga larangang katulad ng nanoteknolohiya, mga selulang panggatong, at inhinyeriyang biyomedikal.[1] Sa loob ng inhinyeriyang pangkimika ay nabibilang ang dalawang malawak na mga kabahaging pangkat: 1) ang pagdidisenyo, pagmamanupaktura, at pagpapatakbo ng mga planta at mga makinarya sa mga prosesong pangkimika na pang-industriya at kaugnay pang mga proseso (mga "inhinyero ng prosesong pangkimika"); at 2) ang paglikha at pagpapaunlad ng bago o inangking mga sustansiya para sa mga produktong sumasaklaw sa mga pagkain, mga inumin, mga kosmetiko, mga panlinis, at mga sangkap na parmasyutikal, sa piling ng marami pang ibang mga produkto (mga "inhinyero ng produkto ng kimika").

Si George E. Davis

Isang artikulo ng British Journal for the History of Science noong 1996 ang nagbanggit kay James F. Donnelly dahil sa pagbanggit niya ng isang pagtukoy noong 1939 sa inhinyeriyang pangkimikal na kaugnay ng produksiyon ng asidong sulpuriko.[2] Sa gayon ding babasahin, kinilala si George E. Davis, isang konsultante (kasangguni) mula sa Inglatera bilang tagapag-imbento ng kataga.[3] Itinaya ito ng History of Science in United States: An Encyclopedia na nasa taon na 1890.[4] "Chemical engineering", na naglalarawan ng paggamit ng kagamitang mekanikal sa industriyang pangkimika, na naging pangkaraniwang salita sa Inglatera pagkalipas ng 1850.[5] Sa pagsapit ng 1910, ang pariralang "chemical engineer" bilang isang propesyon ay karaniwang nang ginagamit sa Britanya at sa Estados Unidos.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. From Petroleum to Penicillin. The First Hundred Years of Modern Chemical Engineering: 1859–1959. – Burnett, J. N.
  2. Cohen 1996, p. 172.
  3. Cohen 1996, p. 174.
  4. Reynolds 2001, p. 176.
  5. Cohen 1996, p. 186.
  6. Perkins 2003, p. 20.