Katotohanan
Itsura
Ang kahulugan ng katotohanan[1] ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas din ng salitang totoo ang terminong matimyas. Ito ang kabaligtaran ng katagang kasinungalingan.
Kadalasan din ginagamit ang katotohanan upang ikahulugan ang isang pagpapalagay na kaisa ng katunayan o realidad, o katumpakan sa isang orihinal o pamantayan.[2] Minsan din na binibigyan kahulugan ang katotohanan sa makabagong konteksto bilang isang ideya ng "totoo sa sarili", o autentisidad.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Totoo, katotohanan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ Merriam-Webster's Online Dictionary, truth, 2005 (sa Ingles)