Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Krishna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Krishna
A statue of Krishna in the Sri Mariamman Temple, Singapore. Here he is shown with a flute.
Devanagariकृष्ण
Transliterasyon ng SanskritKṛṣṇa
PagkakaanibFull incarnation of God Vishnu (Svayam Bhagavan)[1][2][3][4][5]
TahananVaikuntha,[3] Vrindavana, Gokula, Dwarka
MantraOm Namo Narayanaye, Om Namo Bhagavate Vasudevaye, Om Vishnave Namah, Hare Krishna Mantra
SandataSudarshana Chakra
ConsortRukmini, Satyabhama, Jambavati, Satya, Kalindi, Bhadra, Mitravinda.
MountGaruda
TextsBhagavata Purana, Vishnu Purana, Mahabharata, Bhagavad Gita

Si Krishna (कृष्ण sa Devanagari) ay ang Ikawalong Avatara ni Vishnu sa Hinduism. Siya rin ang manipestasyon ng Diyos sa pananampalatayang Bahá'í. Siya ang diyos na sinasamba sa maraming mga tradisyon ng Hinduismo sa loob ng sari-saring mga pananaw o perspektibo. Habang maraming mga pangkat na Vaishnava ang kumikilala sa kanya bilang avatar ni Vishnu, itinuturing siya sa ibang mga tradisyong nasa loob ng Krishnaismo bilang svayam bhagavan, o Pinakamataas na Nilalang.

Kalimitang nilalarawan si Krishna bilang isang sanggol, bilang isang batang lalaking naglalaro ng Venu o plauta katulad ng sa Bhagavata Purana,[6] o bilang isang puno ng kabataang prinsipeng nagbibigay ng direksiyon at gabay katulad ng sa Bhagavad Gita.[7] Lumilitaw ang mga kuwento ni Krishna sa malawakang kapangkatan ng pilosopikal at teolohikal na mga tradisyon ng Hinduismo.[8] Nilalarawan rin siya sa iba pang sari-saring mga perspektibo: isang diyos na batang lalaki, isang mambibiro, isang huwarang mangingibig, at isang banal na bayani, bukod sa pagiging Nakatataas na Nilalang.[9] Ang Mahābhārata, ang Harivamsa, ang Bhagavata Purana, at ang Vishnu Purana ang mga pangunahing mga kasulatang tumatalakay sa kuwento ukol kay Krishna.

Umiiral na ang sari-saring mga tradisyong nakalaan para sa iba't ibang mga manipestasyon ni Krishna magmula pa noong ika-4 na daang taon BK, katulad ng Vasudeva, Bala Krishna, at Gopala. Lumaganap ang Kilusang Krishna-bhakti sa katimugang Indiya pagsapit ng ika-9 daang taon AD. Mula ika-10 daang taon AD, sa paglaki ng kilusang Bhakti, naging paboritong paksa si Krishna sa tinatanghal na mga sining at rehiyon na mga tradisyon ng debosyong pinaunlad para sa mga anyo ni Krishnang katulad ng Jagannatha sa Orissa, Vithoba sa Maharashtra at Shrinathji sa Rajasthan. Magmula 1966, kumalat sa Kanluran ang kilusang Krishna-bhakti, kasama ng Pandaigdigang Samahan para sa Kamalayan kay Krishna (International Society for Krishna Consciousness, ISKCON). Malawakan ang debosyon kay Krishna at umabot sa mga Jain, mga Budista, mga Bahá'í at lumabas pa sa Indiya.

Ayon sa Bhagavata Purana, si Krishna ay ipinanganak nang walang pagsasamang seksuwal o pagtatalik kundi sa pamamagitan ng "pagpasang pangkaisipan" ng Diyos mula sa isipan ni Vasudeva tungo sa sinapupunan ni Devaki. Sa kuwento ni Krishna, ang Diyos ang ahente ng paglilihi at ang supling rin. Dahil sa kanyang simpatiya sa mundo, ang mismong si Vishnu ay bumaba sa sinapupunan ni Devaki at ipinanganak bilang kanyang anak na lalakeng si Vaasudeva (i.e., Krishna). Batay sa mga detalye ng kasulatang Hindu at mga kalkulasyong astrolohikal, ang petsa ng kapanganakan ni Krisha na kilala bilang Janmashtami,[10] ay noong 18 Hulyo 3228 BCE at lumisan sa mundo noong 3102 BCE. Si Krishna ay kabilang sa angkang Vrishni ng mga Yadava mula sa Mathura,[11] at ang ikawalong anak na lalake na ipinanganak sa prinsesang si Devaki at kanyang asawang si Vasudeva. Ang Mathura (sa kasalukuyang distritong Mathura, Uttar Pradesh) ang kabisera ng mga Yadava na angkang kinabilangan ng mga magulang ni Krishna. Ang haring Kansa na kapatid na lalake ni Devaki ay umakyat s atrono sa pamamagitan ng pagpapabilanggo sa kanyang amang si Haring Ugrasena. Dahil sa takot sa isang hula mula sa tinig ng diyos mula sa mga kalangitan na humula sa kanyang kamatayan sa mga kamay ng ikawalong "garbha" ni Devaki, ipinabilanggo ni Kansa ang mag-asawa sa isang bilangguan. Pagkatapos patayin ni Kansa ang unang anim na anak ni Devaki, si Devaki ay maliwanag na nakunan sa kanyang ikapitong anak. Gayunpaman, sa realidad, ang kanyang sinapupunan ay aktuwal na inilipat nang lihim kay Rohini. Ito ang paraan kung paano si Balarama na si nakatatandang kapatid ni Krishna ay ipinanganak. Muli ay nabuntis si Devaki at dahil sa pagkakunan, naging palaisipan kay Kansa ang tungkol sa "Ang Isang Ikawalo" ngunit pinayuhan siya ng kanyang mga ministro na ang tinig ng diyos mula sa mga kalangitan ay nagbigay diin sa "ang Ikawalong Garbha" at kaya ito ang isa. Nang gabing iyon, si Krishna ay ipinanganak sa Rohini nakshatra at kasabay na ang Diyosang si Durga ay ipinanganak bilang Yogamaya sa Gokulam kina Nanda at Yashoda. Dahil alam ni Vasudeva na nanganganib ang buhay ni Krishna, si Krishna ay palihim na inalis sa bilangguan at pinalaki ng kanyang mga nagsilbing magulang na sina Yasoda [12] at Nanda sa Gokula (sa kasalukuyang Distritong Mathura). Ang dalawa sa iba niyang mga kapatid ay nakaligtas rin:sina Balarama na ikapitong anak ni Devaki ay inilipat sa sinapupunan ni Rohini na unang asawa ni Vasudeva at si Subhadra na anak na babae nina Vasudeva at Rohini na ipinanganak nang mas kalaunan kina Balarama at Krishna.[13]

Si Krishna na nagsasayaw sa ibabaw ng pinasukong si Kaliya Naag sa Ilog Yamuna at ang mga asawa ni Kaliya ay humihingi kay Krishna ng habag. Mula sa isang manuskritong Bhagavata Purana, c. 1640.
Itinaas ni Krishna ang Burol Govardhana bilang isang payong.

Si Nanda ang pinuno ng isang pamayanan ng mga tagapagkawan ng mga baka at tumira sa Vrindavana. Ang mga kuwento ng kabataan ni Krishna ay nagsasalaysay kung paano siya naging tagapagkawan ng baka,[14] ang kanyang mga kapilyuhan bilang Makhan Chor (magnanakaw ng mantikilya), ang paghadlang sa mga pagtatangka sa kanyang buhay at ang kanyang papel bilang tagagpag-ingat ng mga tao ng Vrindavana. Pinatay ni Krishna ang ogresang si Putana na nagbalat-kayo bilang isang nakakabighaning babae at nagtangkang pumatay kay Krishna. Itinulak ni Putana ang kanyang suso sa bibig ng sanggol na si Krishna ngunit ang kanyang utong ay pinahiran ng isang malakas na lason. Si Krishna ay nagalit dahil pinatay ni Putana ang maraming mga malilit na bata sa Vrajabhumi. Sa paghawak sa suso ni Putana, napaka-higpit itong piniga ni Krisha nang kanyang dalawang kamay at pagkatapos ay sinipsip papalabas ang parehong lason at buhay ni Putana. Pinaamo ni Krishna ang serpiyenteng si Kāliyā na nakaraang lumason sa mga katubigan ng Ilog Yamuna at kaya ay humantong sa pagkamatay ng mga tagpagkawan ng baka. Sa pagkita ng nakakatakot na kapangyarihan ng nakalalasong si Kaliya, ninais ni Krishna na pasukuin ang serpiyente. Umakyat si Krishna sa punong Kadama at tumalon sa Ilog Yamuna. Agad na nilusob ni Kaliya si Krishna at pinuluputan siya. Si Krishna ay naging labis na malaki na kinailangan siyang palayain ni Kaliya. Iniligtas ni Krishna ang kanyang sarili mula sa bawat paglusob ni Kaliya at nang makita ni Krishna ang mga taong Brij ay labis na natakot, biglaang sumibol si Krishna sa ulo ni Kaliya at kinuha ang bigat ng buong uniberso at sumayaw sa mga ulo ni Kaliya. Pagkatapos ay nagsimulang mamatay si Kaliya. Ngunit ang mga asawa ni Kaliya ay dumating at nanalangin at sumamba kay Krishna at nanalangin para sa kanilang asawa. Sa pagkilala ni Kaliya ng kadakilaan ni Krishna ay sumuko siya at nangakong hindi na guguluhin ang sinuman. Siya ay pinatawad ni Krishna at pinalaya upang lisanin ang Ilog Yamuna at tumungo sa Ramanaka Dwipa. Binuhat rin ni Krishna ang Burol Govardhana at tinuruan ng leksiyon ang hari ng mga Deva at ulan na si Indra na ingatan ang mga katutubong tao ng Brindavana mula sa pag-uusig ni Indra at ingatan ang pagkawasak ng mga lupaing pampastol ng Govardhan. Si Indra ay may labis na kapalaluan at nagalit nang payuhan ni Krishna ang mga tao ng Brindavana na ingatan ang kanilang mga hayop at kapaligiran na nagbibigay sa kanila ng lahat ng kanilang mga pangangailangan sa halip na sambahin ng taunan si Indra sa pamamagitan ng pagguguol ng kanilang mga mapagkukunan.[15][16] Sa Bhagavat Purana, sinabi ni Krishna na ang ulan ay nagmula sa kalapit na burol Govardhana at nagpayo sa mga taong sambahin ang burol sa halip na si Indra. Ito ay nagpagalit kay Indra kaya pinarusahan siya ni Krishna sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang malaking bagyo. Pagkatapos ay binuhat ni Krishna ang burol Gobardhan at itinaas ito sa mga tao tulad ng isang payong. Ang mga kuwento ng kanyang paglalaro sa gopi ng Brindavana lalo na kay Radha (na anak na babae ni Vrishbanu na isa sa mga orihinal na residente ng Brindavan) ay nakilala bilang Rasa lila.

Si Krishna kasama ng kanyang mga pangunahing reyna. Mula kaliwa: Rukmini, Krishna, Satyabhama at kanyang vahana na Garuda.

Sa kanyang pagbabalik sa Mathura bilang isang kabataan, pinatalsik ni Krishna ang kanyang tiyuhin sa inang si Kansa pagkatapos niyang maiwasan ang ilang mga pagtatangkang pagpatay sa kanya ng mga alagad ni Kansa. Ibinalik ni Krishna ang ama ni Kansa na si Ugrasena bilang hari ng mga Yadava at naging pangunahing prinsipe ng korte. Sa panahong ito, siya ay naging kaibigan ni Arjuna at ibang mga prinsipeng Pandava ng Kahariang Kuru na kanyang mga pinsan. Kalaunan, kanyang dinala ang kanyang mga nasasakupang Yadava sa siyudad ng Dwaraka (sa modernong Gujarat) at nagtatag ng kanyang kaharian doon. Pinakasalan ni Krishna ni Rukmini na prinsesang Vidarbha sa pamamagitan ng pagdukot sa kanya sa kahilingan ni Rukmini mula sa kanyang iminungkahing kasal kay Shishupala. Pinakasalan ni Krishna ang walong mga reyna na tinatawag na Ashtabharya kabilang sina Rukmini, Satyabhama, Jambavati, Kalindi, Mitravinda, Nagnajiti, Bhadra at Lakshmana. Kalaunang nagpakasal si Krishna sa mga 16,000 o 16,100 dalaga na dinukot ng demonyong si Narakasura upang iligtas ang kanilang karangalan. Ayon sa kagawiang panlipunan ng panahong iyon, ang lahat ng mga binihag na babae ay pinababa at hindi makakapagpakasal dahil sila ay nasa ilalim ng kontrol ni Narakasura. Gayunpaman, pinakasalan sila ni Krisna at ibinalik ang kanilang katayuan sa lipunan. Ang simbolikong pagpapakasal na ito sa mga 16,100 inabandonang anak na babae ay mas isang pangmasang rehabilitasyon. Sa mga tradisyong Vaishnava, ang mga asawa ni Krishna ay mga anyo ng Diyosang si Lakshmi na konsorte ni Vishnu o mga espesyal na kaluluwa na nagkamit ng kwalipikasyong ito pagkatapos ng maraming mga buhay ng kahigpitan samantalang ang kanyang asawang si Satyabhama ang pagpapalawig ni Lakshmi. Nang kuni Yudhisthira ang pamagat ng emperador, kanyang inanyayahan ang lahat ng mga dakilang hari sa seremonya at habang nagpaparangal sa kanila, kanyang sinimulan kay Krishna dahil kanyang itinuring si Krishna na ang pinakadakila sa kanilang lahat. Bagaman nagkakaisang saloobin ito sa karamihan ng mga nasa seremonya na si Krishna ang dapat makakuha ng unang mga karangalan, ang pinsan ni Krishna na si Shishupala ay hindi at sinimulang sawayin nito si Krishna. Dahil sa isang panatang ibinigay ng ina ni Shishupala, pinatawad ni Krishna ang mga isang daang mga pang-aabusong ito ni Shishupala. Sa pang-aabusong isang daan at isa, kinuha ni Krishna ang anyong Virat (pangkalahatan) at pinatay si Shishupala ng kanyang Chakra. Ang bulag na haring si Dhritarashtra ay nagkamit rin ng isang pangitang makaDiyos sa panahong ito upang makita ang anyong ito ni Krishna. Sina Shishupala at Dantavakra ay parehong mga reinkarnasyon ng mga bantay ng tarangkahan nina Jaya at Vijaya at sinumpa na ipapanganak sa mundo upang iligtas ni Vishnu pabalik sa Vaikuntha.

Digmaang Kurukshetra at Bhagavad Gita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang ang digmaan ay tila hindi na maiiwasan, nag-alok si Krishna sa parehong mga panig ng pagkakataon na pumili sa pagitan ng pagkakaroon ng kanyang hukbo na tinatawag na narayani sena o mismong si Krishna ngunit sa kondisyong hindi siya magtataas ng anumang sandata sa kanyang sarili. Si Arjuna sa ngalan ng mga Pandava ay pumili kay Krishna sa kanilang panig samantalang ang prinsipeng Kaurava na si Duryodhana ay pumili sa hukbo ni Krishna. Sa panahon ng dakilang digmaan, si Krishna ay umasal bilang magkakarwahe ni Arjuna dahil ang posisyong ito ay hindi nangangailangan ng paggamit ng sandata. Sa pagdating sa lugar ng labanan at pagkakita na ang kanyang mga kalaban ang kanyang pamilya, ang kanyang lolo at mga pinsan, si Arjuna ay natinag at nagsabing ang kanyang puso ay hindi sa kanya pumapayag na lumaban at sa halip ay kanyang ninanais na isuko ang kanyang kaharian at isuko ang kanyang Gandiv (pana ni Arjuna). Pagkatapos ay pinayuhan ni Krishna si Arjuna tungkol sa digmaan sa isang usapan na lumawig sa isang diskurso na kalaunang tinipon sa Bhagavad Gita. Tinanong ni Krishna si Arjuna na "Wala ka bang panahon sa loob mo, na nakalimutan mo ang mga masamang ginawa ng mga Kaurava gaya ng hindi pagtanggap sa nakatatandang kapatid na si Yudhishtira bilang hari, pang-aagaw nito ng buong kaharian nang hindi nagbibigay ng anumang bahagi sa mga Pandava, pang-iinsulto at pagpapahirap sa Pandava, pagtatangkang pagpatay sa mga Pandava sa tuluyan ng panauhing Barnava lac, paghuhubad at pagpapahiya sa harapan ng mga tao kay Draupadi. Karagdagang hinikayat ni Krishna sa kanyang sikat na Bhagavad Gita, "Arjuna, huwag kang lumahok sa mga pagsisiyasat pang-pilosopiya sa puntong ito ng panahon na tulad ng isang Pundit. Alam mong sina Duryodhana at Karna ay partikular na matagal na may pagseselos at poot sa inyong mga Pandava at nais na patunayan ang kanilang hegemonya. Alam mong ang Bhishmacharya at ang mga guro mo ay nakatali sa kanilang dharma ng pag-iingat ng mag-isang kapangyarihan ng tronong Kuru, Sa karagdagan, ikaw Arjuna ay isa lamang hinirang na mortal upang isagawa ang aking makaDiyos na kalooban dahil ang mga Kaurava ay nakalaan na mamatay dahil sa bunton ng kanilang mga kasalanan. Buksan mo ang iyong mga mata O Bhaarata at alam kong napapalibutan ko ang Karta, Karma at Kriya, lahat sa aking sarili. Walang saklaw para sa pagninilay ngayon o kalaunang pagsisisi, tunay na panahon para sa digmaan at maaalala ng mundo ang iyong lakas at labis na kapangyarihan sa panahong darating. Kaya umahon ka O Arjuna!, higpitan mo ang iyong Gandiva at hayaang ang lahat ng mga direksiyon ay manginig hanggang sa kanilang pinakamalayong mga horison sa pamamagitan ng pag-alingawngaw ng kanilang mga tali. Si Krishna ay may isang malalim na epekto sa digmaang Mahabharata at mga kinalabasan nito. Itinuring ni Krishna ang digmaang Kurukshetra bilang huling dulugan sa pamamagitan ng boluntaryong paggawa sa kanyang sarili bilang sugo upang itatag ang kapayapaan sa pagitan ng mga Pandava at Kaurava. Gayunpaman, nang mabigo ang mga negosiasyong ito at magkaroon ng digmaan, si Krishna ay naging isang matalinong stratehista. Sa digmaan, nang magalit si Krishna kay Arjuna sa hindi nito pakikipaglaban sa tunay na espirito laban sa mga ninuno nito, minsang pinulot ni Krishna ang isang gulong ng karwahe at ginawa itong isang Chakra upang hamunin si Bhishma nang sugatan nito si Krishna. Sa pagkakita nito, isinuko ni Bhishma ang kanyang mga sandata at humiling kay Krishna na patayin siya. Gayunpaman, si Arjuna ay humingi ng tawad kay Krishna na nangangakong siya'y makikipaglaban na may buong dedikasyon dito at ang digmaan ay nagpatuloy. Hiniling ni Krishna kina Yudhisthira at Arjuna na ibalik kay Bhishma ang kapakinabangan ng pagwawagi na ibinigay niya kay Yudhisthira bago magsimula ang digmaan dahil siya ay mismong nakaharang sa kanilang pagwawagi. Naunawaan ni Bhishma ang mensahe at sinabi sa kanila ang paraan na kanyang isusuko ang kanyang mga sandata, kung ang isang babae ay pumasok sa lugar ng digmaan. Sa sumunod na araw, sa mga direksiyon ni Krishna, sinamahan ni Shikhandi (muling ipinanganak na Amba) si Arjuna sa lugar ng labanan at kaya ay isinuko ni Bhishma ang kanyang mga sandata. Tinulungan ni Krishna si Arjuna sa pagpatay kay Jayadratha na pumigil sa iba pang apat na mga magkakapatid na Pandava samantalang ang anak na lalake ni Arjuna na si Abhimanyu ay pumasok sa pagkakabuong Chakravyuha na isang pagsisikap na ikinamatay niya sa sabay na paglusob ng walong mga mandirigmang Kaurava. Sinanhi rin ni Krishna ang pagbagsak ni Drona nang kanyang ihudyat kay Bhima na patayin ang elepanteng tinatawag na Ashwatthama na kapangalan ng anak na lalake ni Drona. Nagsimulang humiyaw ang mga Pandava na si Ashwatthama ay namatay ngunit tumanggi si Drona na maniwala na nagsasaad na maniniwala lamang siya kapag narinig niya ito kay Yudhisthira. Alam ni Krishna na si Yudhisthira ay hindi kailanman magsisinungaling kaya naiisipan niya ang plano upang si Yudhisthira ay hindi magsisinungaling at sa parehong panahon, si Drona ay mahihikayat na maniwala sa kamatayan ng kanyang anak na lalake. Sa pagtanong kay Drona, inihayag ni Yudhisthira na Ashwathama Hatahath, naro va Kunjaro va na si Ashwathama ay namatay ngunit hindi siya sigurado kung ang anak ni lalake ni Drona o ang elepante ang namatay. Gayunpaman, sa sandaling bigkasin ni Yudhisthira ang unang linya, ang hukbong Pandava sa direksiyon ni Krishna ay sumiklab sa isang pagdiriwang na may mga drum at conch sa maingay na nakakalitong ingay kung saan hindi marinig ni Drona ang ikalawang bahagi ng pahayag ni Yudhisthira at ipinagpalagay ni Drona na ang kanyang anak ay talagang namatay. Si Drona ay napanaigan ng pighati at kanyang isinuko ang kanyang mga sandata. Sa kautusan ni Krishna, pinugutan ng ulo ni Dhrishtadyumna si Drona. Nang nilalaban ni Arjuna si Karna, ang mga gulong ng karwahe ni Karna ay lumubog sa lupa. Habang sinusubukan ni Karna na hugutin ang karwahe sa lupa, ipinaalala ni Krishna kung paanong si Karna at ibang mga Kaurava ay lumabag sa lahat ng mga patakaran ng digmaan habang sabay na lumulusob at pumapatay kay Abhimanyu. Kanyang hinikayat si Arjuna na gawin ang parehong bagay bilang paghihiganti upang patayin si Karna. Sa huling yugto ng digmaan nang makikipagkita si Duryodhana sa kanyang inang si Gandhari sa pagkuha ng mga pagpapala na magbabago ng lahat ng bahagi ng kanyang katawan kung saan sa pagtingin ni Gandhari ay magiging bakal, dinaya ni Krishna siya na magsuot ng mga dahon ng saging upang itago ang kanyang singit. Nang makipagkita si Duryodhana kay Gandhari, ang paningin at mga pagpapala ni Gandahari ay nahulog sa buong katawan ni Duryodhana maliban sa singit at mga hita nito. Si Gandhari ay naging hindi masaya dahil hindi niya nagawang gawing bakal ang buong katawan ni Duryodhana . Nang si Duryodhana ay nakikipaglaban kay Bhima gamit ang tungkod, ang mga patama ni Bhima ay walang epekto kay Duryodhana. Ipinaalala ni Krishna kay Bhima ng kanyang panatay na patayin si Duryodhana sa pagtama sa kanyang hita. Ginatawa ni Bhima upang manalo sa kabila ng pagiging laban sa mga patakaran ng labanan (dahil mismong si Duryodhana ay sumira sa lahat ng kanyang mga nakaraang ginawa). Dahil dito, ang hindi matutularang stratehiya ni Krishna ay nakatulong sa mga Pandava na manalo sa digmaang Mahabharata sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagbagsak ng lahat ng mga mandirigmang hepeng Kaurava nang hindi nagtataas ng anumang sandata. Binuhay ring muli ni Krishna ang buhay ng apo ni Arjuna na si Parikshit na nilusob ng isang sandatang Brahmastra mula sa Ashwatthama habang nasa sinapupunan ng kanyang ina. Si Parikshit ang naging kahalili ng mga Pandava.

Kalaunang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mahabharata, ang digmaang Kurukshetra ay nagresulta sa kamatayan ng lahat ng 100 anak na lalake ni Gandhari. Sa gabi bago ang kamatayan ni Duryodhana, dinalaw ng Panginoong Krishna si Gandhari upang makiramay. Nadama ni Gandhari na alam ni Krishna na hindi niya winakasan ang digmaan. Sa galit at pirghati ni Gandhari, kanyang sinumpa si Krishna at iba pang mula sa dinastiyang yadu na sila ay mapapahamak pagkatapos ng 36 taon. Bagaman alam niya ito at nais itong mangyari dahil sa kanyang nadama na mga Yadava ay naging palalo. Kanyang winakasan ang pagtatalumpati ni Gandhari sa pamamagitan ng pagsasabing Tathastu ('siya nawa' sa Sanskrit).[17][18][19]

Sa isang pista, ang isang labanan ay sumiklab sa pagitan ng mga Yadawa na nagpatayan. Pagkatapos ay isinuko ng kanyang nakatatandang kapatid na si Balarama ang katawan nito gamit ang yoga. Si Krishna ay tumungo sa kagubatan at nagsimulang magnilay nilay sa ilalim ng isang puno. Napagkamalan ng mangangasong si Jara ang nakikitang bahagi ng kaliwang paa ni Krisha na paa ng isang usa at kanyang pinalaso ito na pumatay kay Krishna. Pagkatapos matanto ni Jara ang kanyang pagkakamali, isinaad ni Krishna kay Jara na:, "O Jara, ikaw ay Vaali sa iyong nakaraang kapanganakan na pinatay ko bilang Rama sa Tretayuga. Dito, nagkaroon ka ng pagkakataon na gawing patas ito at dahil ang lahat ng mga akto sa mundong ito ay nangyayari gaya ng ninanais ko, hindi mo kailangang mag-aalala para dito". Pagkatapos ay umakyat sa langit ang kaluluwa ni Krishna samantalang ang kanyang katawang namatay ay sinunog ni Arjuna.[20][21][22]

Ayon sa mga sanggunian Purana,[23] ang paglaho ni Krishna ay nagmamarka sa wakas ng Dvapara Yuga at pagsisimula ng Kali Yuga na pinetsahan sa Pebrero 17/18, 3102 BCE.[24] Naniwala ang mga gurong Vaishnava gaya nina Ramanujacharya at Gaudiya Vaishnavas na ang katawan ni Krishna ay buong espiritwal at hindi kailanman nabubulok (Achyuta) dahil ito ang lumilitaw na perspektibo ng Bhagavata Purana.

Ang pagsamba kay Krishna ay bahagi ng Vaishnavismo na tumuturing kay Vishnu bilang Supremang Diyos at pinapipitagan ng kanyang mga nauugnay na avatar, kanilang mga konsorte, at mga nauugnay na santo at mga guro. Si Krishna ay itinuturing bilang isang buong manipestasyon ni Visnu at bilang isa kay Vishnu. Gayunpaman, ang eksaktong relasyon sa pagitan nina Krishna at Vishnu ay masalimuot at iba iba kung saan ay minsang itinuturing si Krishna bilang isang malayang Diyos na suprema. Sa maraming mga Diyos, si Krishna ay partikular na mahalaga at ang tradsiyon ng mga linyang Vaishnava ay pangkalahatang nakasentro kay Krishna o Vishnu bilang suprema. Ang terminong Krishnaismo ay ginagamit upang ilarawan ang mga sekta ni Krishna at nirereserba ang terminong Vaishnavismo para sa mga sektang nakatuon kay Vishnu kung saan si Krishna ay isang avator sa halip na suprema. Itinuturing ng lahat ng mga tradisyong Vaishnava si Krishna bilang avatar ni Krishna. Ang iba ay tumutukoy kay Krishna kay Vishna samantalang itinuturing ng ibang mga tradisyon gaya ng Gaudiya Vaishnavism, Vallabha Sampradaya at Nimbarka Sampradaya si Krisha blang ang svayam bhagavan o ang orihinal na anyo ng Diyos.

Mga maagang tradisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Diyos na si Krishna-Vasudeva (kṛṣṇa vāsudeva "Krishna, ang anak na lalake ni Vasudeva") ay isa sa pinakamaagang mga anyo ng pagsambang Krishnaismo at Vaishnavismo.

Tradisyong Bhakti

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bhakti na nangangahulugang debosyon ay hindi nakarestrikto sa anumang isang Diyos. Gayunpaman, si Krishna ay isang mahalaga at sikat na pinagtutuunan ng mga aspetong debosyonal at ekstatiko ng relihiyong Hindu partikular na sa mga sektang Vaishnava.[25] Ang mga deboto ni Krishna ay naniniwala sa konsepto ng lila na 'paglalarong makaDiyos' bilang sentral na prinsipyo ng uniberso. Ang mga lila ni Krishna kasama ng mga paghahayag ng kanilang personal na pag-ibig na lumalagpas sa mga hangganan ng pormal na pagpipitagan ay nagsisilbing kontra-punto sa mga aksiyon ng isa pang avatar ni Vishnua na si Rama, "Siya ng matuwid at makitid na landas ng maryada o mga patakran at mga regulasyon."[kailangan ng sanggunian] Ang kilusang bhakti na nakalaan kay Krishna ay naging prominente sa katimugang India noong ika-7 hanggang ika-9 na siglo CE. Ang mga pinakamaagang mga kasulatan ay kinabibilangan ng mga kasulatan ng santong Alvar ng bansang Tamil.[26] Ang isang pangunahing kalipunan ng kanilang mga kasulatan ang Divya Prabandham. Ang sikat na kalipunan ng mga awiting Tiruppavai ni Alvar Andal kung saan ay naiisip ang kanyang sarili bilang isang gopi ang pinakasikat sa mga pinakamatandang akda ng genre na ito.[27][28] [29] Ang Mukundamala ni Kulasekaraazhvaar ay isa pang kilalang kasulatan ng maagang yugtong ito.

Pagkalat ng kilusang Krishna-bhakti

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kilusang Krishna-bhakti ay mabilis na kumalat mula hilagaang India tungo timog. Ang tulang Sanskrit na Gita Govinda ni Jayadeva (ika-12 siglo CE) ang naging mahalagang debosyonal na panitikang nakabase kay Krishna.[9]

Sa Kanluranin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1966, ang kilusang Krishna-bhakti ay kumalat rin sa labas ng India. Ito ay malaking sanhi ng International Society for Krishna Consciousness (ISKCON) na kilala bilang Kilusang Hare Krishna.[kailangan ng sanggunian] Ang kilusang ito ay itinatag ni Bhaktivedanta Swami Prabhupada na inutusan ng kanyang guru na si Bhaktisiddhanta Sarasvati Thakura na sumulat tungkol kay Krishna sa Ingles at ibahagi sa mga tao ang pilosopiyang Gaudiya Vaishnava sa mundong kanluranin.[30]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bhagavata Purana (10.2.9): Lord Vishnu Instructs his Yogamaya, Goddess Durga to take birth as daughter of Yasoda and confirms that he himself shall descend on Earth with his six opulences as the son of Devaki
  2. In Mahabharata Vanaparvan (12.46,47), Krishna says to Arjuna,"O invincible one, you are Nara and I am Narayana, and we, the sages Nara-Narayana, have come to this world at proper time.." In the same Parva, chapter 30 (verse 1), Shiva says to Arjuna "In former birth you were Nara and with Narayana as your companion, performed austerities for thousands of years at Badari".
  3. 3.0 3.1 Bhagavata Purana (11.7.18), Uddhava praises Lord Krishna: "O Lord, feeling weary of material life and tormented by its distresses, I now surrender unto You because You are the perfect master. You are the unlimited, all-knowing Supreme God, whose personal supreme abode is Vaikuṇṭha which is free from all disturbances. In fact, You are known as Narayaṇa, the true friend of all living beings.
  4. Mahabharata, Udyoga Parva 49.20
  5. Bhagavata Purana (1.3.28)
  6. Knott 2000, p. 56
  7. Knott 2000, p. 36, p. 15
  8. Richard Thompson, Ph. D. (Disyembre 1994). "Reflections on the Relation Between Religion and Modern Rationalism". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-07. Nakuha noong 2008-04-12. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Mahony, W.K. (1987). "Perspectives on Krsna's Various Personalities". History of Religions. 26 (3): 333–335. doi:10.2307/599733.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Knott 2000, p. 61
  11. Pargiter, F.E. (1972) [1922]. Ancient Indian Historical Tradition, Delhi: Motilal Banarsidass, pp.105-107.
  12. "Yashoda and Krishna". Metmuseum.org. 2011-10-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-13. Nakuha noong 2011-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Bryant 2007, pp. 124–130, 224
  14. Tripurari, Swami, Gopastami Naka-arkibo 2011-07-18 sa Wayback Machine., Sanga Naka-arkibo 2009-12-10 sa Wayback Machine., 1999.
  15. Lynne Gibson (1844). Calcutta Review. India: University of Calcutta Dept. of English. p. 119. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Lynne Gibson (1999). Merriam-Webster's Encyclopedia of World Religions. Merriam-Webster. p. 503. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Lord Krishna's Disappearance, Disappearance of Lord Krishna, Life Span of Lord Krishn, Disappearance of Sri Krishna". Happywink.org. Nakuha noong 2011-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. [1][patay na link]
  19. "MAHABHARATA -Krishna`s Return to Heaven". Urday.in. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-18. Nakuha noong 2011-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Bryant 2007, pp. 148
  21. Kisari Mohan Ganguli (2006 - digitized). "The Mahabharata (originally published between 1883 and 1896)". book. Sacred Texts. Nakuha noong 2008-10-13. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  22. Mani, Vettam (1975). Puranic Encyclopaedia: A Comprehensive Dictionary With Special Reference to the Epic and Puranic Literature. Delhi: Motilal Banarsidass. p. 429. ISBN 0-8426-0822-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. The Bhagavata Purana (1.18.6), Vishnu Purana (5.38.8), and Brahma Purana (212.8), the day Krishna left the earth was the day that the Dvapara Yuga ended and the Kali Yuga began.
  24. See: Matchett, Freda, "The Puranas", p 139 and Yano, Michio, "Calendar, astrology and astronomy" in Flood, Gavin (Ed) (2003). Blackwell companion to Hinduism. Blackwell Publishing. ISBN 0-631-21535-2. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Klostermaier, K. (1974). "The Bhaktirasamrtasindhubindu of Visvanatha Cakravartin". Journal of the American Oriental Society. American Oriental Society. 94 (1): 96–107. doi:10.2307/599733. JSTOR 599733. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong); Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Vaudeville, C. (1962). "Evolution of Love-Symbolism in Bhagavatism". Journal of the American Oriental Society. American Oriental Society. 82 (1): 31–40. doi:10.2307/595976. JSTOR 595976. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong); Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Bowen, Paul (1998). Themes and issues in Hinduism. London: Cassell. pp. 64–65. ISBN 0-304-33851-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Radhakrisnasarma, C. (1975). Landmarks in Telugu Literature: A Short Survey of Telugu Literature. Lakshminarayana Granthamala.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Sisir Kumar Das (2005). A History of Indian Literature, 500-1399: From Courtly to the Popular. Sahitya Akademi. p. 49. ISBN 81-260-2171-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Srila Prabhupada - He Built a House in which the whole world can live, Satsvarupa dasa Goswami, Bhaktivedanta Book Trust, 1984, ISBN 0-89213-133-0 page xv