Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Kuko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kuko sa mga daliri ng kamay.
Mga kuko sa mga daliri ng paa.
Anatomiya ng kuko ng tao.

Sa anatomiya, ang isang kuko ay isang malasungay na kayarian sa dulo ng mga daliring pangkamay at pampaa ng tao o ng hayop.

Mga bahagi ng kuko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa larangan ng anatomiya, ang mga kukong pangdaliri ng kamay at paa, na yari sa mga matitigas ng protinang tinatawag na kartilahiyo at nalilikha mula sa mga buhay na selulang pambalat sa mga daliring pangkamay at pampaa, ay binubuo ng maraming mga bahagi:

Ang malayang sukdulan ay parteng kuko na umaabot lampas sa daliri, lagpas pa sa pinakapinggan ng mga kuko. Walang mga pandulong ugat-pandama sa loob ng kuko. Ito ang humahabang parte ng kuko na nakapailalim pa rin sa balat, sa may malapit na (proksimal na) dulo.

  • eponychium o kyutikel, ang tiklop ng balat sa may malapit na duo ng kuko.
  • paronychium, ang tiklop ng balat sa mga tagiliran ng kuko.
  • hyponychium, ang mga kabit sa pagitan ng balat ng mga daliri sa kamay o paa at ang malayong (distal na) dulo ng kuko.
  • pinggan ng kuko (pinakapinggan ng kuko), ang matigas at malabong (translusent na) bahagi, na binubuo ng keratin.
  • himlayan ng kuko (higaan ng kuko), ang nakadikit na makabit na tisyu na nakapailalim sa kuko.
  • lunula, ang hugis-crescent at mamutimuting kalakhan ng himlayan ng kuko (kung nakikita).
  • tiklop ng kuko, isang tiklop ng matigas na balat na nagkakapatung-patong sa paanan at mga gilid ng isang kukong pangkamay o pampaa.

Sa pangkaraniwang paggamit, ang salitang kuko ay nakagawiang tumutukoy lamang sa pinakapinggan ng kuko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.