Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Kuru (sakit)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kuru
EspesyalidadInfectious diseases, neurolohiya Edit this on Wikidata

Ang Kuru ay isang hindi magagamot na deheneratibong diperensiyang neurolohikal na endemiko sa mga rehiyong pangtribo ng Papua New Guinea na isang uri ng maipapasang spongiform encephalopathy na sanhi ng isang prion na matatagpuan sa mga tao.[1] Ang terminong "kuru" ay hinango mula sa salitang Fore na "kuria/guria" ("kalugin"),[2] na isang reperensiya sa mga pangangatog ng katawan na klasikong mga sintomas ng sakit. Ito aykilala rin sa mga Fore bilang ang "sakit ng pagtawa" dahil sa mga biglaang pagtawa na ipinapakita ng mga taong may sakit na ito. Malawakang tinatanggap ng mga eksperto na ang Kuru ay naipapasa sa mga kasapi ng mga taong Fore ng Papua New Guinea sa pamamagitan ng kanibalismo.[3] Noong 1976, sina Daniel Carleton Gajdusek at Baruch S. Blumberg ay ginawaran ng Gantimapalang Nobel sa Pisiolohiya o Medisina para sa kanilang pagpapakita na ang kuru ay maipapasa sa mga chimpanzee. Ipinakita ng mga siyentipiko na ang mga taong nakaligtas sa epidemikong sakit na Kuru sa Papua New Guinea ay mga tagapagdala ng isang hindi tinatalaban ng prion na paktor. Ang pinagmulan ng hindi pagtalab na ito ang isang henetikong variant ng protinang prion na G127V at inilarawan ng mga eksperto bilang ebidensiya ng pagkilos ng ebolusyon ng tao.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wadsworth JD, Joiner S, Linehan JM; atbp. (2008). "Kuru prions and sporadic Creutzfeldt-Jakob disease prions have equivalent transmission properties in transgenic and wild-type mice". Proc. Natl. Acad. Sci. U.S.A. 105 (10): 3885–90. doi:10.1073/pnas.0800190105. PMC 2268835. PMID 18316717. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. "Kuru : Article by Paul A Janson". eMedicine. 2009-04-13. Nakuha noong 2010-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lindenbaum S (2008). "Review. Understanding kuru: the contribution of anthropology and medicine". Philos. Trans. R. Soc. Lond., B, Biol. Sci. 363 (1510): 3715–20. doi:10.1098/rstb.2008.0072. PMC 2735506. PMID 18849287. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.newscientist.com/article/dn18172-gene-change-in-cannibals-reveals-evolution-in-action.html