Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Luwas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga barkong lulanan na ginagamit sa paghahatid ng mga luwas sa ibang bansa

Ang luwas o eksport sa kalakalang internasyonal ay isang kalakal na ginawa sa isang bansa na ibebenta sa ibang bansa o isang serbisyong ibinigay ng isang bansa para sa isang nasyonal o residente ng ibang bansa. Tinatawag na tagaluwas o eksportador ang nagbebenta ng mga naturang kalakal o ang nagbibigay ng serbisyo; at tinatawag na tagaangkat o importador ang mga dayuhang mamimili.[1] Kabilang sa mga serbisyong nasa kalakalang internasyonal ang mga serbisyo sa pananalapi, pagtutuos at iba pang serbisyong propesyonal, turismo, edukasyon pati na rin ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari.

Sa pagluluwas ng mga kalakal, madalas na kinakailangan ang pakikilahok ng mga awtoridad ng adwana.

May apat na pangunahing uri ng hadlang sa pagluluwas: hadlang sa motibasyon, sa impormasyon, sa pagpapatakbo/kakayanan, at sa kaalaman.[2][3]

Ang mga hadlang sa kalakalan ay mga batas, regulasyon, patakaran, o gawi na nagpoprotekta ng mga produktong gawa sa loob ng bansa mula sa dayuhang kompetisyon. Habang may katulad na epekto paminsan-minsan ang mga paghihigpit sa mga negosyo, hindi itinuturing na hadlang sa kalakalan ang mga ito. Ang mga pinakakaraniwang hadlang sa kalakalang panlabas ay mga hakbang at patakaran na ipinataw ng pamahalaan na naghihigpit, pumipigil, o humahadlang sa internasyonal na pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Joshi, Rakesh Mohan, International Marketing [Internasyonal na Marketing] (sa wikang Ingles), Oxford University Press, New Delhi and New York. ISBN 0-19-567123-6
  2. Seringhaus, F. R (1990). Government export promotion: A global perspective [Pagtataguyod ng gobyerno sa pagluluwas: Isang pandaigdigang pananaw] (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 1. ISBN 0415000645.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Stouraitis, Vassilios; Boonchoo, Pattana; Mior Harris, Mior Harun; Kyritsis, Markos (2017). "Entrepreneurial perceptions and bias of SME exporting opportunities for manufacturing exporters: A UK study" [Mga pang-unawa at pagkiling ng mga negosyante sa mga pagkakataon sa pagluwas ng mga SME para sa mga eksportador ng pagmamanupaktura: Isang pag-aaral sa UK]. Journal of Small Business and Enterprise Development (sa wikang Ingles). 24 (4): 906–927. doi:10.1108/JSBED-03-2017-0095.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Targeted Trade Barriers" [Tinigpo na Hadlang sa Kalakalan] (sa wikang Ingles). cftech.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2013. Nakuha noong 27 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)