Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Magnetismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang magnetismo ay isang puwersa ng atraksiyon (o pagtataboy) ng mga bagay sa isa't isa na dahil sa paggalaw ng kani-kaniyang mga kargang elektriko.[1] Madaming alamat sa kung papaano nakilala ang magnetismo ngunit pinakasikat na marahil ay ang kuwento ng pastol na si Magnes. Ayon sa alamat, hinukay ng pastol na si Magnes ang lupa kung saan nadikit ang mga pako sa kanyang sapatos. Sa kanyang paghuhukay ay nakakita siya ng mga loadstone na kalaunan ay tinawag na magnetite.[2] Gayunpaman, ang mga sinaunang kasulatan ng mga Tsino ay nagpakita ng ebidensiya ng kanilang kaalaman tungkol sa mga magnet o bato-balani. Ang mga dokumentong ito ay mag-uurong sa pinagmulan ng kaalaman sa bato-balani patungo sa 4000 B.C.[3]

Ang bawat bato-balani ay may dalawang dulo o pole - ang hilagang dulo at ang timog na dulo. Dahil dito kung kaya't mayroong tinatawag na magnetikong dipole. Kahit durugin ang isang bato-balani o hatiin sa maliliit na bahagi, ang bawat isang bahagi, ano man ang posisyon nito sa orihinal na bato-balani ay magkakaroon ng hilaga at timog na dulo. Ang mga dulong ito, tulad ng mga kargang elektriko ay nakakaakit ng mga dulong kaiba sa kanila habang nagtataboy naman ng mga dulong kapareho nila.

Ang bato-balani ay napapalibutan ng tinatawag na magnetic field (magnetikong sakop). Sa loob ng magnetic field na ito ang iba pang materyal na magnetiko ay nakakaramdam ng puwersa ng atraksiyon o pagtataboy. Ang magnetic field na ito ay mailalarawan ng mga guhit na mula sa hilagang dulo patungo sa timog na dulo. Ang mga linyang ito ay nagsasamasama o naghihiwahiwalay depende sa lakas ng puwersa ng magnetismo sa isang partikular na posisyon. Dahil pinakamalakas ang puwersang ito sa mga dulo ng bato-balani, ang mga linya ay dikit dikit sa posisyong ito habng hiwahiwalay naman sa bandang gitna.

Ang magnetismo ay isang mahalagang konsepto sa larangan ng pisika. Madaming iba pang konsepto ang may kinalaman dito. Idagdag pa, mahalaga din ito sa pag-unlad ng teknolohiya na makikita naman natin sa komunikasyon, transportasyon, at iba pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.factmonster.com/ce6/sci/A0831162.html
  2. Lucretius Carus, De Rerum Natura, 1st century b.c. References are to vv. 906 ff., in the translation by Th. Creech, London, 1714. Pliny, quoted in W. Gilbert, De Magnete, trans., Gilbert Club, London, 1900, rev. ed., Basic Books, New York, 1958, p. 8 (sa Ingles)
  3. “Magnetic Materials in China,” presented in Poland at the 3rd International Conference on Physics of Magnetic Materials, (9–14 Sept. 1986), W. Gorzkowski, H. Lachowicz and H. Szymczak, eds., World Scientific, 1987. (sa Ingles)