Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Majoron

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Majoron
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaBosoniko
EstadoHipotetikal
SimboloJ
Nag-teorisaY. Chikashige, R. N. Mohapatra, at R. D. Peccei
Masaunknown
Elektrikong karga0
Ikot0[1]

Sa partikulong pisika, ang mga majoron(na ipinangalan kay Ettore Majorana) ay mga hipotetikal na uri ng Goldstone boson na tineorisa na namamagitan sa paglabag ng masa ng neutrino ng bilang na lepton o BL sa ilang mga banggaang mataas na enerhiya gaya ng

e + e → W + W + J

kung saan ang dalawang elektron ay nagbabanggaan upang bumuo ng mga W na boson at ang majoron na J. Ang symmetriyang U(1)B–L ay ipinagpapalagay na global upang ang majoron ay hindi "kainin" ng gauge boson at spontaneyosong masira. Ang mga majoron ay orihinal na pinormula sa apat na dimensiyon nina Y. Chikashige, R. N. Mohapatra at R. D. Peccei upang maunaawaan ang mga masa ng neutrino sa pamamagitan ng mekanismong seesaw at hinahanap sa walang-neutrino na prosesong pagkabulok na dobleng beta. May mga teoretikal na ekstensiyon ng ideyang ito sa supersymmetrikong mga teoriya at mga teoriyang sumasangkot sa mga kinompaktipikang mga dimensiyon. Sa pamamagitan ng paglaganap sa ekstrang espasyal na dimensiyon, ang matutukoy(detectable) na bilang mga pangyayaring pagkakalikha ng majoron ay nag-iiba iba. Sa matematikal na paglalarawan, ang mga majoron ay maaaring i-modelo sa pamamagitan ng pagpayag sa mga ito na lumaganap sa materyal samantalang ang ibang lahat na mga pwersa ng Pamantayang Modelp ay nakatakda sa isang puntong orbifold.

  1. Lattanzi, M. (2008). "Decaying Majoron Dark Matter and Neutrino Masses". AIP Conference Proceedings. 966 (1): 163–169. arXiv:0802.3155. doi:10.1063/1.2836988.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Further reading

[baguhin | baguhin ang wikitext]