Rho meson
Sa partikulong pisika, ang isang rho meson ay isang maikling-nabubuhay na partikulong hadroniko na isang isospin triplet na ang tatlong mga estado ay tinutukoy ng ρ+, ρ0 and ρ−. Pagkatapos ng mga pion at kaon, ang rho meson ang pinakamagaang nakikipag-ugnayang malakas na partikulo na may masang mga 770 MeV para sa lahat ng tatlong mga estado. Mayroong dapat na isang maliit na pagkakaibang masa sa pagitan ng ρ+ at ρ0 na maaaring ituro sa elektromagnetikong sariling-enerhiya ng partikulo gayundin ang isang maliit na epekto sanhi ng pagkasirang isospin na lumilitawa mula sa magaang mga masa ng quark. Gayunpaman, ang kasalukuyang eksperimental na hangganan ay ang pagkakaiba ng masang ito ay mas maliit sa 0.7 MeV.
Ang mga rho meson ay mayroon lubos na napakaikling panahon ng buhay at ang lapad ng pagkabulok nito ay mga 145 MeV na may kakaibang katangian na ang mga lapad ng pagkabulok ay hindi inilalarawan ng anyong Breit-Wigner. Ang pangunahing ruta ng pagkabulok ng mga rho meson ay sa pares ng mga pion na may rate ng pagsanga na 99.9%. Ang mga neutral na rho meson ay maaaring mabulok sa isang pares ng mga elektron o muon na nangyayari na may rasyo ng pagsangang 5×10−5. Ang pagkabulok na nito ng neutral rho sa mga lepton ay maaaring pagkahulugan bilang paghahalo sa pagitan ng mga photon at rho. Sa prinsipyo, ang may kargang mga rho meson ay naghahalo sa mga mahinang bektor na boson at maaaring tumungo sa pagkabulok sa isang elektron o muon kasama ang isang neutrino. Gayunpaman, ito ay hindi kailanman napagmasdan.
Sa paglalarawang De Rujula–Georgi–Glashow ng mga hadron, ang mga rho meson ay maaaring pakahulugan bilang isang tinatakdaang estado ng isang quark at isang anti-quark at isang pinanabik(excited) na bersiyon na pion. Hindi tulad ng pion, ang rho meson ay may ikot na j = 1 ( isang bektor meson) at isang labis na mas mataas na halaga ng masa. Ang pagkakaiba ng masang ito sa pagitan ng mga pion at rho meson ay itinuturo sa isang malakaing hyperfine na interaksiyon sa pagitan ng quark at anti-quark. Ang pangunahing pagtutol sa paglalarawang De Rujula–Georgi–Glashow ay ito ay tumutukoy sa pagiging magaan ng mga pion bilang isang aksidente kesa bilang isang resulta ng chrial na pagkasira ng symmetriya.
Ang mga rho meson ay maaaring isipin bilang mga gauge boson ng isang spontaneyosong nasirang symmetriyang gauge na ang lokal na katangian ay lumilitaw(lumilitaw mula sa quantum chromodinamika). Tandaan na ang nasirang symmetriyang gauge na ito(na minsang tinatawag na tagong lokal na symmetriya) ay iba sa global na symmetriyang chiral na umaasal sa mga lasa. Ito ay inilarawan ni Howard Georgi sa isang papel na pinamagatang " "The Vector Limit of Chiral Symmetry" kung saan kanyang itinuro ang karamihan sa mga literatura ng tagong lokal na symmetriya sa hindi-linyar na modelong sigma[1].
Sa mas kamakailan, ang pananaw na ang mga rho meson ay mga gauge boson ay pinalakas ng isang programang kilala bilang AdS/QCD na aplikasyon ng AdS/CFT na hinango mula sa teoriya ng tali. Sa paglalarawang ito, mayroon isang maliit na ekstrang dimensiyon na isang hiwa(slice) ng espasyong anti-de Sitter. Ang globar na lasang mga symmetriya ay isinulong sa limang dimensiyonal na mga symmetriyang gauge na nasira sa mga hangganan ng espasyo sa isospin. Ang mga rho meson ang pinaka-magaang mga resonansiyang Kaluza–Klein ng ika-limang dimensiyon. Ang programang ito ay may kalamangan na may kakayahang gumagawa ng mga kwantitatibong mga prediksiyon para sa mga interaksiyon ng mga rho meson. Ang mga prediksiyong ito ay karaniwang tumpak sa 10%. May ilang pagkabahala sa kung ang paglalarawang limang dimensiyon na ito ay nasa ilalim ng kontrol na perturbatibo at nasa ilalim ng aktibong pagsasaliksik sa kasalukuyan. Sa konseptuwal na paglalarawan, ang pakikitungong AdS/QCD ay napaka lapit sa espirito sa "The Vector Limit of Chiral Symmetry." Kung i-dedekontrukta ang ika-limang dimensiyon, matatagpuan ang isang epektibong teoriya ng field na napaka katulad sa inilarawan ng "Vector Limit."
Partikulo | Simbolo | Nilalaman na quark |
Inbariantong masa (MeV/c2) | I | JP | Q (e) | S | C | B' | T | Mean na panahon ng buhay (s) | Karaniwang nabubulok sa
(>5% ng mga pagkabulok) |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Charged rho meson[2] | ρ+(770) | ρ−(770) | ud | 775.4±0.4 | 1+ | 1− | 0 | 0 | 0 | ~4.5×10−24[a][b] | π± + π0 | |
Neutral rho meson[2] | ρ0(770) | Self | 775.49±0.34 | 1+ | 1−− | 0 | 0 | 0 | ~4.5×10−24[a][b] | π+ + π− |
[a] ^ Ang PDG ay nag-ulat ng resonansiyang lapad (Γ). Dito, ang konbersiyong τ = ħ⁄Γ ay bagkus ibinigay.
[b] ^ Ang eksaktong halaga ay nakabatay sa paraang ginagamit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ H. Georgi. (1990) "Vector Realization of Chiral Symmetry." inSPIRE Record
- ↑ 2.0 2.1 C. Amsler et al. (2008): Particle listings – ρ