Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Napoleon III ng Pransiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Napoléon III
Emperador ng mga Pranses
Napoleon III sa pang-maharlikang kasuotan
Paghahari2 Disyembre 1852–4 Setyembre 1870
Buong pangalanCharles Louis Napoléon Bonaparte
PinaglibinganSt Michael's Abbey, Farnborough
Sinundande facto, sinundan ang kanyang sarili bilang pangulo ng ikalawang Republika
Louis-Eugène Cavaignac bilang de factong pinuno ng estado bago siya.
de jure, Louis-Philippe I ayon sa sinusundang hari.
KahaliliInihinto ang monarkiya
de facto Louis Jules Trochu bilang tagapangulo ng Pamahalaang Pambansa ng Tanggulan
sa pretensiya, Napoleon IV
Konsorte kayEmperatris Eugénie de Montijo
SuplingNapoleon Eugene, Prinsipeng Imperyal
Bahay MaharlikaBonaparte
Maharlikang antemaPagbati sa le Chief!
AmaLouis Bonaparte
InaHortense de Beauharnais

Si Louis-Napoléon Bonaparte (20 Abril 1808 – 9 Enero 1873) ang unang Pangulo ng Republikang Pranses at bilang Napoleon III ang Emperador ng Ikalawang Imperyong Pranses. Siya ang pamangkin at tagapagmana ni Napoleon I. Siya ay nahalal na pangulo sa pamamagitan ng isang sikat na boto sa halalang Pranses noong 1848 na sinimulan ng isang coup d'état noong 1851 bago umakyat sa trono bilang Napoleon III noong Disyembre 2, 1852 na ika-48 anibersaryo ng koronasyon ni Napoleon I. Siya ay namuno bilang "Emperador ng mga Pranses" hanggang Setyembre 4,1870. Siya ay humahawak ng distinksiyon bilang ang parehong unang titular na pangulo at huling monarko ng Pransiya. Siya ay pangunahing naalala sa kanyang mga enerhetikong mga patakarang pandayuhan na naglalayon na iwaksi ang mga limitasyong itinakda sa Pransiya mula 1815 ng Konserto ng Europa at muling ihayag ang impluwensiyang Pranses sa Europa at Imperyong kolonyal na Pranses. Si Napoleon III ay sumalungat sa mga reaksiyonaryong patakarang itinakda ng Vienna noong 1815 at sa halip ay isang tagapagtaguyod ng isang popular na soberanya at isang tagasuporta ng nasyonalismo. [1] Sa Malapit na Silangan, pinamunuan ni Napoleon III ang magkaalyadong aksiyon laban sa Rusya sa digmaan sa Crimea at ibinalik ang presensiyang Pranses sa Levant na nag-aangkin para sa Pransiya ng papel na protekto ng mga Kristiyanong Maronita. Ang isang garisong Pranses sa Roma ay gayundin nagkamit ng mga estado ng Papa laban sa aneksasyon ng Italya na tumatalo sa mga Italyan sa Mentana at nakamit ang suporta ng mga Katolikong Pranses para sa rehimen ni Napoleon III. Sa Malayong Silangan, itinatag ni Napoleon III ang pamumunong Pranses sa Cochinchina at Bagong Caledonia. Ang mga interes ng Pransiya sa Tsina ay pinanatili sa Ikalawang Digmaang Opiyo at Pag-aalsang Taiping. Ang isang hindi mabungang kampanya laban sa Kroea ay inilunsad noong 1866 samantalang nabigo ang misyong panghukbong ng Pransiya sa Hapon upang pigilan ang pagbabalik ng patakrang Imperyal. Ang interbensiyong Pranses sa Mehiko ay hindi rin naging matagumpay at tinapos noong 1867 sanhi ng masidhing pagsalungat na Mehikano at pagpipilit na diplomatiko ng Amerika. Sa loob ng Pransiya, si Napoleon III ay nakabalanse sa pagitan ng mga liberal at konserbatibo at bawat taon ay unti unting lumipat tungo sa elementong liberal. Ito ang panahon ng kasaganaan at industrialisasyon ng Pransiya. Ito ay nagpadali sa malaking renobasyon ng Paris sa ilalim ni Haussman na lumika ng balangkas para sa modernong siyudad. Ang Ikalawang Imperyong Pranses ay pinabagsak pagkatapos ng isang pagsuko ni Napoleon sa Laban ng Sedan noong 1870 na humantong sa pagpoproklama ng Ikatlong Republikang Pranses at pagkakatapon ni Napoleon III sa Inglatera kung saan siya namatay noong 1873. [2]

Napoleon III noong 1863
Eugénie, Ang Asawa ni Napoleon III

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.