Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Likas na kapaligiran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Natural environment)

Ang likas na kapaligiran o likas na mundo ay sumasaklaw sa lahat ng nabubuhay at di-nabubuhay na mga bagay na likas na nangyayari, ibig sabihin, hindi artipisyal. Kadalasang nailalapat ang katawagan sa Daigdig o ilang bahagi ng Daigdig. Sumasaklaw ang kapaligiran na ito sa interaksyon ng lahat ng nabubuhay na espesye, klima, lagay ng panahon at likas na yaman na nakakaapekto sa kaligtasan at ekonomikong aktibidad ng tao.[1] Maaring ipagkaiba ang konsepto ng likas na kapaligiran bilang mga bahagi:

  • Kumpletong mga yunit pang-ekolohiya na gumagana bilang mga likas na sistema na walang malaki at mabigat na pakikialam ng sibilisadong tao, kabilang ang lahat ng mga halaman, mikroorganismo, lupa, bato, atmospera, at likas na pangyayari na nagaganap sa loob ng kanilang hangganan at ng kanilang kalikasan.
  • Panlahat na mga likas na yaman at pisikal na pangyayari na walang malinaw na hangganan, tulad ng hangin, tubig, at klima, gayon din ang enerhiya, radiyasyon, karga ng kuryente, at magnetismo, na hindi nagmumula sa aksyon ng sibilisadong tao.
Isang tanaw ng ilang sa Estonia

Kabaligtaran ng likas na kapaligiran ang tinayong kapaligiran. Sa mga lugar na kung saan pundamental na binago ng mga tao ang tanawin tulad ng urbanong tagpuan at pagpalit ng lupain para sa agrikultura, malaking nabago ang likas na kapaligiran sa isang pinapayak na kapaligirang pantao. Kahit ang mga gawa na mukhang hindi gaanong kalabisan, tulad ng pagtayo ng kubo gawa sa putik o isang sistemang potoboltaiko sa ilang, nagiging artispisyal ang binagong kapaligiran. Bagaman maraming hayop ang gumagawa ng bagay upang magbigay ng mas mabuting kapaligiran para sa kanila, hindi ito gawa ng tao, dahil dito, ang mga dike ng kastor, at mga punso ng anay, ay sinasabing likas.

Bihira makahanap ang tao ng mga ganap na likas na kapaligiran sa Daigdig, at ang pagiging likas nito ay iba-iba sa isang kabuuang hindi nakikita ang puwang, mula 100% likas sa isang sukdulan hanggang 0% likas sa isa pa. Mas tumpak, maaring ikunsidera ang iba't ibang aspeto o bahagi ng isang kapaligiran, at makita na hindi pare-pareho ang kanilang antas ng pagiging likas.[2] Kung, halimbawa, sa isang kabukirang pang-agrikultura, ang komposisyong mineralohika at ang kayarian ng lupa ay pareho sa isang hindi nagalaw na lupa sa kagubatan, subalit medyo iba ang istraktura.

Kadalasan na ginagamit na kasingkahulugan ng likas na kapaligiran ang lugar na pinaninirahan (o pinamumugaran o tinutubuan), halimbawa, kapag sinasabi natin na ang likas na kapaligiran ng mga giraffe ay sa sabana.

Sa ilang kalinangan, walang kahulugan ang katawagang kalikasan dahil walang paghihiwalay sa pagitan ng tao at kung ano ang kanilang nakikita bilang likas na mundo, o mga pumapalibot sa kanila.[3] Partikular sa Estados Unidos at sa mga bansang Arabe, maraming katutubong kalinangan ang hindi kinikilala ang "kalikasan," o nakikita ang sarili bilang makakalikasan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Johnson, D. L.; Ambrose, S. H.; Bassett, T. J.; Bowen, M. L.; Crummey, D. E.; Isaacson, J. S.; Johnson, D. N.; Lamb, P.; Saul, M.; Winter-Nelson, A. E. (1997). "Meanings of Environmental Terms". Journal of Environmental Quality (sa wikang Ingles). 26 (3): 581–589. doi:10.2134/jeq1997.00472425002600030002x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Symons, Donald (1979). The Evolution of Human Sexuality (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. p. 31. ISBN 0-19-502535-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jamieson, Dale. (2007). "The Heart of Environmentalism". In R. Sandler & P. C. Pezzullo. Environmental Justice and Environmentalism. Massachusetts Institute of Technology Press. pp. 85–101. ISBN 9780262195522 (sa Ingles)
  4. Davis, T. (2000). Sustaining the Forest, the People, and the Spirit. State University of New York. pp. 1–24. ISBN 9780791444153 (sa Ingles)