Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Pagkamalikhain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagkamalikhain (Ingles: creativity), na tinatawag ding pagiging mapanlikha o pagiging malikhain (Ingles: creative), ay ang kababalaghan o penomeno kung saan ang isang tao ay nakakalikha ng bagong bagay (isang produkto, isang kalutasan, isang gawain ng sining, isang akdang-buhay, isang biro, atbp.) na mayroong ilang antas ng kahalagahan. Ang maituturing na "bago" ay maaaring tumutukoy sa indibiduwal na lumikha o manlilikha, o sa lipunan o nasasakupan kung saan naganap ang bagong bagay. Ang maibibilang na "mahalaga" o "may kahalagahan" ay kahalintulad na binibigyan ng kahulugan sa samu't saring mga paraan.

Ang kawilihang pangdalubhasa sa pagkamalikhain ay malawak ang nasasakupan: Ang mga paksa kung saan ito nauugnay ay kinabibilangan ng ugnayan sa pagitan ng pagiging malikhain at ng pangkalahatang katalinuhan; ang mga prosesong pangkaisipan at pangneurolohiya na kaugnay ng gawaing mapanlikha; ang ugnayan sa pagitan ng uri ng personalidad at ng kakayahang mapanlikha; ang ugnayan sa pagitan ng pagkamalikhain at kalusugang pang-isipan; ang pagiging maaari o potensiyal para mapagyaman ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay, natatangi na ang ayon sa nadaragdag na teknolohiya; at ang paglalapat ng umiiral na malikhaing mga napagkukunan ng isang indibiduwal upang mapainam ang katalaban ng mga proseso ng pagkatuto at ng mga proseso ng pagtuturo na inakma para sa mga ito.

Kung gayon, ang pagkamalikhain at mga gawaing malikhain ay pinag-aaralan sa ibayo ng ilang mga disiplina, katulad ng sikolohiya, agham pangtalos, pilosopiya (partikular na ang pilosopiya ng agham), teknolohiya, teolohiya, lingguwistika, araling pangnegosyo, at ekonomiks. Bilang resulta, nagkaroon ng mararaming mga kahulugan at mga pagharap sa mga ito.

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.