Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Sultan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sultan (Arabe: سلطان‎) ay isang katawagan, pangalan, o pamagat para sa mga pinuno o monarka ng Islam. Sa kadalasan, bagaman may kamalian kung minsan, ang asawa ng isang sultan ay tinatawag na sultana o sultanah. Ang salitang sultan ay isang pangngalan sa wikang Arabe na ang kahulugan ay "lakas", "tibay", "may kapangyarihan", "kapangyarihan", o "pagkapinuno". Sa pagdaka, ang salitang ito ay naging ginagamit bilang pamagat ng ilang mga pinunong Muslim na umangkin ng buong kasarinlan, pangingibabaw, at kapangyarihan. Hindi nila kailangang tumanggap ng mga utos o atas mula sa anumang mas mataas na pinuno, na hindi umaako o umaangkin ng buong kakalipahan. Ang dinastiya at mga lupain na pinamumunuan ng isang sultan ay tinatawag na isang kasultanan o sultanado (sultanate sa Ingles).

Babaeng sultan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang sultana (Arabe: سلطانه‎) ay isang pamagat o titulo na nakalaan para sa ilang mga pinunong babaeng Muslim sa kasaysayan. Minsan itong ipinagkakamali bilang pamagat lamang para sa pangunahing asawa ng isang sultan. Sa Kasultanan ng Sulu sa Pilipinas, ang asawa ng sultan ay tinatawag na panguian.

TaoIslam Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.