Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Tributo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang handog o tributo (mula sa Latin na tributum, kontribusyon) ay ang kayamanan, kadalasang materyal (tulad ng ani o paninda), na binibigay ng isang partido sa isa pa bilang tanda ng paggalang o, sa kadalasang kaso sa konteksto ng kasaysayan, bilang pagpapasakop o alyansa. Siningil ng iba't ibang sinaunang estado ang tributo mula sa mga namumuno ng lupain kung saan sinakop ng estadong iyon o kaya'y binantaang sakupin nila. Sa kaso ng mga alyansa, may mga mas mababang partido na maaring magbayad ng tributo upang mas maging makapangyarihang partido bilang tanda ng alyansa at kadalasang upang pondohan ang mga proyekto na mapapakinabangan ng parehong partido. Upang matawag na "tributo," kailangang may isang pagkakilala ng magbabayad ang pampolitikang pagpapasakop sa tatanggap ng bayad; binayaran ang malaking mga kabuuan, salaping proteksyon sa katotohanan, ng kalaunang mga Imperyong Romano at Bisantino sa mga barbaro upang maiwasan ang pag-atake nila sa teritoryong imperyal, na hindi kadalasang tinatawag na "tributo" dahil hindi tumatanggap ang Imperyo ng mas mababang pampolitikang posisyon. Ang mga kabayaran ng isang superyor na pampolitikang entidad sa isang mas mababang entidad, na ginagawa para sa iba't ibang layunin ay sinasalarawan sa mga katawagan kabilang ang "subsidiya."

Isang halimbawa ng imperyong tributo ang sinaunang Imperyong Akemenidang Persa; ang imperyo na gumawa ng medyo kakaunting hiling sa mga hindi Persang nasasakupan maliban sa regular na pagbayad ng tributo, na maaring ginto, marangyang produkto, mga hayop, sundalo o mga alipin. Bagaman, may malubhang kahihinatnan ang kabiguan ng pagpapanatili ng mga bayad. Ipinapakita ng rilyebe sa Persepolis ang mga prosesyon ng mga pigura na mayroong iba't ibang uri ng tributo.

Inaasahan lamang din ng mga medyebal na namumunong Mongol ng Rusya ang tributo sa mga estadong Ruso, na nagpatuloy na pinamahalaanan ang sarili. Nakatanggap ng tributo ang Atenas mula sa ibang mga lungsod ng Liga ng Delos. Naningil ng tributo ang Asiryo, Babilonya, Kartago at Roma mula sa kanilang lalawigan at mga nasasakupang kaharian. Nakatanggap ng tributo ang Sinaunang Tsina mula sa iba't ibang estado tulad ng Hapon, Korea, Vietnam, Cambodia, Borneo, Indonesia, Sri Lanka, Nepal, Myanmar sy Gitnang Asya.[1][2] Ang Imperyong Aztec ay isa pang halimbawa. Naningil ng tribtuo ang republikang Romano sa anyong bayad na katumbas sa proporsyonal na buwis ng pagmamay-ari, para sa layunin ng paglulunsad ng digmaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lockard, Craig A. (2007). Societies, Networks, and Transitions: A Global History: To 1500 (sa wikang Ingles). Cengage Learning. p. 315. ISBN 978-0-618-38612-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Science, London School of Economics and Political. "Department of Economic History" (PDF). lse.ac.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 10 Enero 2017. Nakuha noong 6 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)