Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Wikang Manes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang wikang Manes, kilala sa Manes bilang "Gaelg" o "Gailck"), ay isang sinasalitang wika sa Pulo ng Man. Isa ito sa mga wikang Seltiko ng mag-anak ng mga wikang Goideliko. Kasama ito sa loob ng katulad na pamilyang kinabibilangan ng Eskoses na wikang Gaeliko at wikang Irlandes. Ang Manes ay winiwika lamang ng mga taong natutong magsalita nito dahil sa kanilang pagkahalina rito. Nawalan ito ng buhay bilang isang likas na wikang pampamayanan noong ika-20 daantaon. Ang pinakahuling matatandang katutubong mga tagapagsalita ay namatay noong 1974.

Nagsimulang maiba ang Manes mula sa Panggitnang Wikang Irlandes noong bandang 900 hanggang 1600 AD, at tinawag itong Yn Ghaelg o Yn Ghailck ng mga tagapagwika ng Manes. Naging pakaunti nang pakaunti ang mga nagsasalita ng Manes noong ika-19 daantaon at ang wikang ito ay napalitan ng Ingles. Noong 1901, 9% ng mga tao sa Pulo ng Man ang nagsasalita ng Manes ngunit bumaba ito na naging 1% na lamang noong 1921. Sa kasalukuyan, ginagamit lamang ang Manes bilang isang wikang itinuturo sa limang mga pre-school o "pre-eskuwela" ("bago ang [pormal na] paaralan) sa Pulo ng Man. Itinuturo ang Manes bilang isang pangalawang wika sa lahat ng mga paaralang primarya at sekundarya ng Pulo ng Man.

Ang Manes sa kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkasalukuyang may isang paaralan na nagtuturo ng lahat ng mga leksiyon sa wikang Manes. Ayon sa senso ng 2001, may 2.2% ng populasyon sa Pulo ng Man na nakakapagsalita ng wikang Manes. Pangkasalukuyang may 54 na tagapagsalita ng Manes bialng pangunahin o unang wika.

WikaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.