Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Winnie-the-Pooh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang orihinal na mga laruan ng Winnie the Pooh. Paikot sa kanan: Tigger, Kanga, Edward Bear ("Winnie-the-Pooh"), Eeyore, and Piglet. Si Roo ay nawala noong una pa.

Si Winnie-the-Pooh, na tinatawag ding Pooh Bear at Pooh, ay isang kathang-isip na teddy bear na nilikha ng may-akdang Ingles na si A. A. Milne at iginuhit ng ilustrador na Ingles na si E. H. Shepard.

Ang unang koleksyon ng mga kwento tungkol sa tauhan ay ang librong Winnie-the-Pooh (1926), at sinundan ito ng The House at Pooh Corner (1928). Nagsulat rin si Milne ng isang tula tungkol sa oso sa aklat na pambata na When We Were Very Young (1924) at sa Now We Are Six (1927). Ang lahat ng apat na libro ay iginuhitan ni E. H. Shepard.

Ang mga kwentong Winnie-the-Pooh ay naisalin sa maraming wika, kabilang ang salin sa Latin ni Alexander Lenard na "Winnie ille Pu", na unang nalathala noong 1958, at, noong 1960, ay naging nag-iisang libron sa wikang Latin na naitampok sa listahan ng The New York Times Best Seller.

Noong 1961, ang Walt Disney Productions ay naglisensya ng ilang pelikula at iba pang mga karapatan ng mga kwentong Winnie-the-Pooh ni Milne mula sa ari-arian ni A. A. Milne at ahente ng paglilisensya na si Stephen Slesinger, Inc., at inangkop ang mga kwento sa Pooh, gamit ang pangalan na "Winnie the Pooh ", sa isang serye ng mga tampok na kalaunan ay magiging isa sa pinakamatagumpay na mga prangkesa.

Sa mga sikat na adaptasyon ng pelikula, si Pooh ay binibigyan ng boses ng mga artista na sina Sterling Holloway, Hal Smith, at Jim Cummings sa Ingles, at Yevgeny Leonov sa Ruso.