Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

SAMPLE KABANATA 1 2

SAMPLE KABANATA 1 2

Ang kaugnayan ng Covid 19 sa isyu ng ating bansa ay ang pagsira nito sa buong mundo , halos hindi na makalabas ang mga tao, dahil sa pandemya na ito, dito

KABANATA 1 PANIMULA Kaligiran ng Pag-aaral Ang kaugnayan ng Covid 19 sa isyu ng ating bansa ay ang pagsira nito sa buong mundo , halos hindi na makalabas ang mga tao, dahil sa pandemya na ito, dito mababase ang limitasyon ng pinagkakagastusan ng mga magulang sa kanilang pamilya sa gitna ng pandemyang ito, Kadalasan dahil sa mga problemang dumarating dulot ng pandemya di na maiwasan sa mga magulang na maging stress dahil sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa British Medical Journal (BMJ) panahon ng pandemya, maraming mga magulang ang nakaranas ng mas mataas na presyon at pagguho sa mga suporta sa lipunan, na may implikasyon para sa kanilang kalusugan sa pag-iisip. Sa isang survey sa US, ang nakararami ng mga magulang ay nagpahayag na sa panahon ng pandemya, ang mga alalahanin tungkol sa pananalapi, paghihiwalay sa lipunan, pagpuna mula sa iba, pati na rin ang mga emosyonal na karanasan ng kalungkutan ay nakakaapekto sa kanilang pagiging magulang. Ang mga pamilya, sa pangkalahatan, ay apektado ng mga pagkagambala ng pandemya. (Aj 2020) Ang bawat pamilya sa buong Pilipinas ay dumaraan sa mga pagbabagong nagaganap dulot ng sakit na COVID-19. Maraming mga magulang ang dumaranas ng stress at nahihirapang magbalanse ng kanilang trabaho, pag-aalaga o pagaasikaso sa mga anak, kasabay pa nito, ang pagpapanatili ng kabahayan lalo na kung sila ay nahiwalay sa kanilang mga kaanak o sa mga taong nagsilbing katuwang nila sa pagpapatakbo ng tahanan sa panahong wala pa ang epidemya. (Dhawan 2020) Naobserbahan na naipapamalas ang pagkahirap sa buong Pilipinas kabilang na ang Davao City, laban sa Covid-19. Ang mga magulang ay kabilang sa naapektuhan dahil sa pandemya na ito. Marami ang nag-papanic buying kung kaya’t nagsisiksikan sa mga pamilihan, at may iba na gumagala sa mga pampublikong lugar sa halip ng mga ordinansa at payo ng lokal na pamahalaan at ng mga medical practitioners. (Arguillas, Carolyn 2020) Nais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang suliranin upang malaman ang mga estratehiya sa pagkatuto sa pasalitang gawain, dahil mismo kaming mga mananaliksik ay nakaranas ng pagkabahala sa pasalitang gawain. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakakakuha ng maliit na marka dahil sa kanilang pagkabahala sa pasalitang gawain. Dagdag pa nito, makakalap ng mga datos o impormasyon tungkol sa suliraning ito, dahil marami ng mananaliksik ang gumawa ng pag-aaral na ito ngunit, ang wikang ginamit ay nasa wikang Ingles at nakapokus ang kanilang pag-aaral sa kanilang sariling bansa. Layunin ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa bilang pagtugon sa problema at pangangailangang makapangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kinakaharap ng mga magulang sa panahon ng covid-19 pandemya. Ang mga suliranin na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na katanungan: 1.) Pagsubok na kinakaharap ng mga magulang sa panahon ng Covid-19. Kung susuriin ayon sa: 1.1.) Pinansyal 1.2.) Kalusugan 1.3) Aspetong pang-emosyonal Kahalagahan ng Pag-aaral Magulang. Sila ang unang guro ng kanilang mga anak, sila ay makakapag isipisip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak, kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang pag-aaral at higit sa lahat sila ang nag-hahanap-buhay para sa kanilang mga anak lalo na't may kinakaharap silang pag subok na Covid-19. Komunidad. Ang kahalagahan nito ay masusukat ang pagbibigay importansya ng mga mamamayan kung ano ang magiging plano ng komunidad para sa naapektuhang mga pamilya. Mananaliksik. Makakatulong ito bilang isang sangguniang babasahin na makapagbibigay ng karagdagang impormasyon upang mas mapalawak ang pag-unawa ukol sa nabanggit na usahipin. Administrasyon. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mag karoon sila ng kaalaman kung ano ang maari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastong pagaaral at mahikayat ang mga estudyante na mag-aaral ng mabuti. Mananaliksik sa Hinaharap. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mananaliksik sa hinaharap upang maging gabay sa kaugnay na pag-aaral. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pokus ng pananaliksik na ito ay tungkol sa “Mga Pagsubok na Kinakaharap ng mga Magulang sa Panahon ng Covid 19 Pandemya” 30 na magulang. Nakasentro ang pag-aaral na ito tungkol sa kong ano ang naging epekto ng pandemya sa mga magulang. Sa mga magulang na may mga anak na 5-7 na kasalukuyang naninirahan sa Lungsod ng Davao. Talakayan ng mga Katawagan Pagsubok: Ito ay kakayahang malagpasan ang isang hindi karaniwang pangyayari. Isang halimbawa nito ay ang magkaroon ng isang pisikal na karamdaman. Sa sitwasyong ito ay masususbukan ang tatag at lakas ng loob sa taong nakakaranas nito. Kinakaharap: Ang kinakaharap ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing dapat harapin kong ano ang problema o pangangailangan sa pang araw-araw. Magulang: Sila ang nag bibigay gabay at pag-aalaga para sa kanilang mga anak. Covid-19: Ito ay malubhang sakit na madaling kumalat sa mga tao kaya marami itong naging epekto sa buong mundo. Pinansyal: Ito ay isang pahina ng mga koleksyon ng iba’t ibang artikulo at mga pag-aaral ukol sa pera, pag-iipon, pamumuhunan at iba pang kasangkapan upang mapalago ito. Kalusugan: Ito ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating pangangatawan, kawalan ng sakit, may sapat na timbang at may maayos na pangangatawan. Maaring ang kalusugan ay tumutukoy din sa maayos na takbo ng ating isipan at ang pakikitungo natin sa ibang tao. Aspetong pang-emosyonal: Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa panaliksik na may patungkol sa “Mga Pagsubok na Kinakaharap ng mga Magulang sa Panahon ng Covid-19 Pandemya”. Naglalaman ito ng mahahalagang pananaw at impormasyong makatutulong sa paggawa ng panukalang pananaliksik. Ito ay dahil sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, nakatulong ito sa pagbuo ng pamanahong papel, at mga artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksa na nakatulong upang mas lalong maunawaan ang aming ginawang pananaliksik. Pinansyal Ayon kay (Blake Matthew 2008), ang pinansyal ay kung paano pinag-aaralan ng mga tao at sinusuri kung paano nagkakamit at gumagamit ng salapi o pera ang mga tao, mga negosyo, at mga pangkat. Tinatawag din itong pamimli sa salitang kapital. Maaari itong mangahulugan ng mga pag-iisip ng tungkol sa salapi, pag-iisip ng kung paano matatabanan o makukontrol ang persa upang kumita pag-aaral kung paano makakuha ng mga pagkakataon sa mga proyektong kumikita ng salapi. Kapag hindi timbang ang pangmalas ng magulang sa mga pinansyal, maaari itong nagdudulot ng stress, pagtatalo, at sama ng loob kapag hindi naayos ng mga magulang ang kanilang problema sa pera, maaari silang mapilitang kumayod nang husto, anupat napapabayaan nila ang emosyonal na pangangailangan ng isa’t isa at ng kanilang mga anak. Hindi rin nila natuturuan ang kanilang mga anak na maging makatuwiran pagdating sa pera. (Gaboy, Lucimno L. 2008) Ayon kay (Ciarollo, J. 2019), dahil sa kawalan ng pinansyal na pangsuporta maraming pinansyal na pangsuporta marami ang naghihirapang pamilya. Wala silang sa iba pang kailangan 8na dapat panggastos sa pang araw-araw. Nauunawaan ang mga magulang ay maaaring may mga katanungan at inaalala tungkol sa panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan, kung paano susuportahan ng mga paaralan ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante at mga miyembro ng kanilang pamilya, at kung paano magbabago ang mga karanasan sa edukasyon ng mga estudyante. Ang Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan sa Pilipinas ay naglabas ng mga kinakailangan at rekomendasyon para sa mga paaralang K-12 sa kanilang pagbubukas muli para sa personal na pagtuturo sa taon ng pag-aaral 2020-2021.1 Ang dokumentong iyon ay makakatulong sa mga paaralan na magplano at gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan habang natutugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga estudyante. (Magsabol2020) Ang isang bukas na komunikasyon sa pagitan ng estudyante at magulang ay isang mahalagang elemento sa pagtuturo at sa kanilang grading system. (Woolfolk 1990) Ang pamilya ay isang komunidad na may importaneng gampanin, kabilang ang kaalaman at kaligiran ng edukasyon na magbibigay linawsa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon na may tamang proseso ng sosyalisayon. (Sarwano kusumaatmadja, 1995) Isa sa mga problema ng mga magulang ay ang pagkawala ng trabaho, nasa ten percent o 4.6 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million,” sabi ni (National Statistician Claire Dennis2020), mapa sa isang virtual press briefing. Nasa 10 porsiyento ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo, bumuti kumpara nuong Abril dahil sa pagluwag ng quarantine protocols. Noong Abril, nasa 17.7 porsiyento ang unemployment rate ng bansa o katumbas ng nasa 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho. Dahil sa pandemya maraming naaapektong pamilya lalong-lalo na ang mga magulang, natigil o limitado ang operasyon sa ilang sektor, gaya ng pagkakaroon ng mga face-to-face concerts. Umaaray din ang industriya ng turismo. Kalauna’y niluwagan ang mga quarantine restrictions sa layuning mabuksan ang ekonomiya, habang sinusundan ang mga "minimum health at safety protocols" na inilatag ng gobyerno. (Claire Dennis2020) Kalusugan Ayon kay (SecretaryTugade2020), mas maigi ang sobrang pag-iingat kung ang pinag-uusapan ay ang kalusugan at kaligtasan ng tao. Kaya naman, hinihingi ng ating Kalihim ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat, alang-alang sa kaligtasan ng bawat isa. Makakatulong ito para sa anak ng mga magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na pag-usapan kung ano ang kanyang nararamdaman at pakikinig sa sinasabi niya, pagtukoy sa mga bagay na maaari niyang gawin mismo o na kasama ka upang tugunan ang anumang alalahanin na mayroon siya at pagtatanong kung ano ang pakiramdam niya tungkol sa pag-aaral nang malayuan, at kung mayroong bagay na nais niya ang tulong mo. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa kalusugan at kagalingan ng iyong anak, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong paaralan para sa tulong. (Dr. Sarah Brewer 2019) Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Ayon kay (Edward R. Roybal 2020), nagbibigay ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan ng reproductive kabilang ang kalusugan ng preconception para sa mga kababaihan at kalalakihan. Mahusay na kalusugan sa pag-aanak ay mahalaga para sa lahat, hindi lamang sa mga nagpaplano ng isang pamilya. Kritikal upang maiwasan ang mga impeksyon at problema na maaaring maging sanhi ng permanenteng mga problema sa kalusugan. Ang Serbisyong Pangkalusugan ay nakatuon sa iyong pangmatagalang pangangalaga sa reproductive at pagtulong sa iyo upang mabuhay ang iyong pinakamahusay na kalidad ng buhay. Nakagisnan na natin ang kapag sinabing “Kalusugan” o health ay nangangahulugan ng pagkawala ng sakit o anumang karamdaman. Ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong walang sakit. Ngunit hindi ito ang buong kahulugan ng kalusugan! Tulad narin ng wika ng WHO o World Health Organization, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay isang ring karapatan ng bawat tao sa buong mundo. Dapat tayong makipagtulungan upang maatim ang isang estado na magpapahintulot sa katuparan ng kahulugan ng kalusugan na ating nabanggit. Pang-huli, ang kalusugan ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Pangalagaan ang iyong kalusugan para sa kapakanan mo at ng iyong pamilya. (Mediko 2020) Aspetong pang-emosyonal Napaka emosyonal ang biglang paglitaw ng isang sakit, lalo na kung kailangan nating lahat na subaybayan nang mabuti ang ating kalusugan, manatili sa bahay hangga’t maaari at iwasan ang lahat ng hindi kinakailangang pakikisalamuha (pisikal) sa iba. Ang paglayo (social distancing) at pagbubukod ng sarili ay malamang na makagambala sa iyong trabaho, pamumuhay ng pamilya, paraan ng paggawa at paraan ng iyong pakikisalamuha sa iba. Ang lahat ng ito ay maaaring makadagdag sa saspetong pang-emosyonal na hatid ng sitwasyon. Natural ang mapuspos, malungkot, mabalisa o matakot, o makaranas ng iba pang mga sintomas ng paghihirap, gaya ng kahirapang makatulog. Maaari mong bawasan ang negatibong epekto ng stress sa pamamagitan ng pag-aasa sa mga normal na reaksyon, pagsasagawa ng mga aktibidad na makakabawas sa stress at paghingi ng tulong. (Loralaine 2013) Maaaring maapektuhan ng aspetong pang-emosyonal ang paraan ng iyong pagiisip, pakiramdam at pagkilos. Karamihan sa mga epekto ay mga normal na reaksyon sa mga nakakaligalig na kaganapan at sa pangkalahatan ito ay hindi nagtatagal. Narito ang ilan sa mga epekto at sintomas na maaari mong maranasan ang mga epekto sa pangangatawan, pagod, pakiramdam na latang-lata, pananakit ng ulo, mabilis napagtibok ng puso o paglubha (paglala, paglaki, lalong pagsama) ng dati nang mga medikal nakondisyon, mga epekto sa epagsam, kalungkutan, pagkabalisa, galit, pagkaligalig o pagmaranas kong anong epekto sa pag-iisip sa pagkalito, pagkamalimutin, o kahirapang ituon ang pansin sa isang bagay o magpasya at mga epekto sa pag-uugali nakakaranas ng mga hindi mo karaniwang pag-uugali gaya ng hindi mapalagay, pakikipagtalo o maikli ang pasensya, o mga pagbabago paraan ng pagkain at pagtulog.(Dr.Randy2018) Teoritikal na Balangkas Ang pag-aaral na ito ay batay sa teoryang Protection Motivation Teory ni R.W. Roger at Health Belief Model nina Irwin M. Rosenstock, Godfrey M. Hochbaum, S. Stephen kegeles and H. Leventhal ng U.S Public Health service noong 1950. Ang Protection Motivation Teory (PMT) na ipinakilala ni Rogers noong 1975 (Westcott, 2017). Nakasaad ang teoryang ito kung paano ang isang inindibiduw kikilos sa tuwing mayroong isang bagay na makakapahamak. Ang PMT ay nahahati sa dalawang bahagi, ang theat appraisal at ang coping appraisal ang theat ay tumutukoy kung gaano kalaki ang posibilidad na mahawaan ang isang indibidwal sa isang saktumut gaano ka lubha ito sa tuwing mahawaan ito ng tao kapag ipagsama ang dalawang ito, nagiging sanhi ito ng pagkatakot sa isang indibidwal. Ang coping appraisal naman ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng isang tao upang malabanan o maiwasan ang isang sakit kagaya ng Covid-19. Batay sa teory ni Rogers, may iilang kongklusyon na maaring maiugnay para sa pag-aaral na ito. Ang epektibong kumilos sa tuwing may umiiral na sakit, kinakailangang ang efficacy ng pagkilos at mababa ang gastos ng pagtugun laban sa sakit. Kapag mababa ang theat appraisal ang tao ay hindi gagawa ng hakbang upang iwasan ang sakuna (coping appraisal). Kapag ang severity at susceptibility ng isang sakit ay mataas (theat appraisal) at coping appraisal ay mababa, ito ay posibleng magdulot ng hindi kaaya-ayang mga aksyon (e.g hoarding, takot, panic buying). Ang komunikasyon ay isang mahalagang problema sa tipikal na pamilyang Pilipino. &indi laging nabibigyan ng kalayaan ang mga anakna maipahayag ang kanilang nararamdaman sa mga magulang, sa halip, ibinibahagi nila ito sa kanilang pinsan, tito, o di kaya ay sa kanilang mgakaibigan ay mga estratehiya para mas maging epektibo angkomunikasyon ng pamilya. Kabilang dito ang pagiging masaya, pagturing sa anak nang may katapatan at pagtitiwala, walang pagababago at madalas na pagsabi sa anak kung gaano mo sila kamahal. Ilan sa mga magandang parran para mapatibay o mapanatili angkoneksyon ng magulang sa ankat makabuo ng positibong ugnayan ay ang paggawa ng mg aktibidad ng magkasama, hayaang makipagkaibiganang anak at bigyan ng kalayaan.(Herman M.R;1997) Konseptwal na Balangkas (Malayang Baryabol) (Di Malayang Baryabol) Pagsubok na Kinakaharap ng mga Magulang sa Panahon ng Covid19 kung susuriin ayon sa: Magulang sa Davao City • • • Pinansyal Kalusugan Aspetong pangemosyonal Pigura Blg. 1: Paradigmo ng Pag-aaral Ang pigura sa itaas ay nagpapakita ng malayang baryabol na magulang sa Davao City; di-malayang baryabol ay ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang sa panahon ng Covid-19 kung susuriin ayon sa: pinansyal, kalusugan, at aspetong pangemosyonal.