Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Edukasyon Sa Pagpapakatao: Personal Na Pahayag NG Misyon Sa Buhay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 4 – Week 5
Weekly Learning Activity Sheet (WLAS)

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA


BUHAY

Manunulat:

RIA LALENE S. TABAMO


Doña Rosario National High School
Tubay District II

Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 1


Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
Edukasyon Sa Pagpapakatao 9
Weekly Learning Activity Sheet
Quarter 4-Week 5: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use
these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do
not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones

DEVELOPMENT TEAM OF THE ULAS


Writer: Ria Lalene S. Tabamo
Editor: Rebecca T. Montante
Carlos G. Samontina, PhD.
Reviewer: Rebecca T. Montante
Carlos G. Samontina, PhD.
William E. Felisilda
Recheluz C. Pagaran
Delfin J. Gumadlas
Noel M. Antigua
Illustrator: Niel J. Arado
Layout Artist: Junel M. Anino
Management Team: Romeo O. Aprovechar, CESO V
Love Emma B. Sudario
Rayfrocina T. Abao
Rebecca T. Montante
Carlos G. Samontina

Bernie R. Pamplona

Printed in the Philippines by ________________________


Department of Education– Caraga Region, Division of Agusan del Norte
Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 2
OfficePaaralan:
Address: Doña Rosario
J.P.National
RosalesHigh
Avenue, Butuan City, Philippines 8600
School
Telefax / Telephone:
Division: Agusan del(085)
Norte817-7141 caraga@deped.gov.ph
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET
Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 9, Quarter 4, Week 5

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Pangalan:____________________________________ Seksyon: __________________

Kasanayang Pampagkatuto:

A. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na


Pahayag ng Misyon ng Buhay.
B. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Code/Koda: EsP9PK-IVc-14.1
EsP9PK-IVc-14.2
Mga Layunin:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay.
2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay.

Batayang Konsepto: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9, Learner’s


Material, pp 232-242

Panimula

Alam mo ba ang direksyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo


na ba sa iyong sarili kung saan ka patungo?
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang
susi na makatutulong sa kaniya upang makamit ang kaniyang layunin sa
buhay.

Mga Pagsasanay at Gawain:

BALIK TANAW!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng personal na Misyon sa


Buhay?
A. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
B. Ito ay Gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na mahalaga ang sarili.
D. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay
ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
2. Ang personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.
A. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring
magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin.

Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 31


Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
B. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
C. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay
babaguhin o papalitan.
D. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyo sa buhay.
3. Ayon kay Stephen Covey, Nagkakaroon lamang ang misyon natin sa
buhay ng kapangyarihan kung:
A. Kilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapwa.
B. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.
C. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
D. Nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at
komunidad.
4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan.
A. Bokasyon
B. Misyon
C. Propesyon
D. Tamang Direksyon
5. Ang ibig sabihin ng calling o tawag.
A. Bokasyon
B. Misyon
C. Propesyon
D. Tamang Direksyon
Gawain 1: Ang Linya ng Aking Buhay

Panuto:

1. Gumawa ng Linya ng Buhay o Life Line sa sulatang papel.


2. Isulat ang mga ginagawang pagpapasiya sa mga sitwasyon na
naranasan mo sa iyong buhay.

5
2

1
3
Halimbawa:
Pag-aaral nang mabuti araw-araw

Linya ng Aking Buhay

Mga Tanong:
11
1. Mula sa iyong ginawa, masasabi mo bang tinatahak mo ang tamang
direksyon na iyong nais na mangyari sa iyong buhay? Ipaliwanag.
Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 24
Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
2. Paano makatutulong sa isang tao ang pagkakaroon niya ng gabay o
pattern sa kanyang buhay? Ipaliwanag.
3. Mahalaga ba sa isang tao ang pagkakaroon ng gabay sa kaniyang
pagpapasiya at pagkilos? Ipaliwanag.

Gawain 2: Isulat mo sa Puso!

Panuto:

1. Sa loob ng puso, isulat ang iyong mga pagpapahalaga sa buhay.


2. Pagkatapos, pumili ng pinakamahalaga sa iyo at isulat ito sa
patlang sa kanan ng arrow.
3. Gawin ito sa sulatang papel.

Katatagan: Ito ang


pinanggagalingan ng
aking lakas tuwing
Halimbawa: Katatagan, dumarating ang problema
Kababaang loob, at pagsubok sa aking
Pagtitimpi buhay.

Mga Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng Gawain?


2. Nakatulong ba ang iyong mga pagpapahalaga sa mga nakamit mong
tagumpay? Ipaliwanag.
3. Paano mo napagtagumpayan ang mga balakid sa pagkamit ng mga
tagumpay?

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan 5 3 2 1
Nilalaman Kompleto at Tugma ang Kulang ang Hindi angkop
tugma ang mga ideya mga ideya ang mga
mga ideya ideya
Presentas Napakaayos Maayos ang Hindi Hindi
yon ang pagkasunods masyadong nagkasunods
pagkasunods unod ng mga maayos ang unod ang
unod ng mga ideya pagkasunods mga ideya
ideya unod ng mga
ideya

Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 35


Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
Wastong Tama ang Tama ang Tama ang Maraming
baybay at pagkabaybay pagkabaybay bantas Malisa
bantas at paggamit ngunit may ngunit may pagkakabayb
ng bantas ilang bantas ilang mali sa ay at bantas
na mali pagkabaybay
Kabuuan 15 puntos

TALAKAYIN NATIN:

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(Mula sa batayang aklat ng EsP 9 pahina 239-243)

Alam mo ba ang direksyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo


na ba sa iyong sarili kung saan ka patungo?
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang
susi na makatutulong sa kaniya upang makamit ang kaniyang layunin sa
buhay. Ang tamang pagpapasya ay mahalaga sa pagkakaroon ng
makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing
pagpapasya,kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging
sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makakabuti sa sarili, sa kapwa, at
sa lipunan.
Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao?
Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, nasa kritikal na yugto ka ng
buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa
hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong
gagawin na mga pagpapasya. Ikalawa, kung hindi ka magpapasiya ngayon
para sa iyong kinabukasa, gagawin ito ng iba para sa iyo. Kung kaya’t dapat
na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin dahil kung hindi, susundin mo
lamang ang mga idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay (PPMB)? Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay
magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw.
Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili kung
saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa
pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong
mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil
nangangailangan ito ng panahon,inspirasyon, at pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People, “begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa
lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano
ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti
ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga, at layunin.
Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa direksyon na

Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 46


Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay
patungo sa mabuti at tamang direksyon.

Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na


magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay. Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa
pansariling pagtataya.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong
PPMB sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian.
Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino
ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang
mahalaga sa iyo, at paano mo isasakatuparan ang iyong mga
pagpapasiya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangan na maging


maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga.
Kung saan nakatuon ang iyong lakas,oras, at panahon. Ang iyong mga
pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal
na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon,


laging isaisip na ang layunin ng pagggawa ng personal na misyon sa
buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao.ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksyon sa landas ng
iyong tatahakin.

Sa pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras.


Ito ay kailangan mong pagnilayan,paglaanan ng sapat na panahon. Kailangan
mong ialaya ang iyong sarili sa ginagawa nito. Sa oras na ito ay mabuo mo,
ito ang magiging saligan ng iyong buhay.

Gawain 3: Tanong ng Buhay

Panuto: Tulungan mong makarating Si Maria sa taas ng hagdan upang


makuha ang tropiyo sa pamamagitan ng pagsagot ng bawat
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bakit mahalaga na magka-


roon ng direksyon ang
buhay ng tao?
Ano ang iyong personal na
motto sa buhay?

Ano-ano ang pinapahalagahan


mo sa buhay?

Ano ang limang katangian ang


maglalarawan sa iyo?

5
Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 7
Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
Rubrik Para sa Gawain 3
Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Di-gaanong Kabuuang
(10) (8) (6) Mahusay(4) Puntos
Nilalaman Naglalaman Naglalaman Naglalama Kulang sa
ng ng tumpak n ng pagpapakit
komprehensi na kalidad tumpak na a ng
bong, ng paglalaraw kahusayan
tumpak at pagsaysay an ng sa akmang
kalidad na ng impormasy pagsaysay
pagkuha ng impormasyo on ng
impormasyon n impormasy
on.
Malikhain Napakaganda Maganda at Maganda Hindi
at malinaw malinaw ang malinaw
ang ang pagkasulat ang
pagkasulat pagkasulat pagkasulat

Tayahin ang iyong Pag-unawa

1. Ano ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay?Ipaliwanag?
2. Ano-anong pansariling pagtataya ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa mo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Ipaliwanag
ang bawat isa.

Pagninilay:

1. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga hakbang sa paggawa ng Personal


na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Ang rubriks sa Gawain 3 ang batayan sa pagbibigay ng puntos sa iyong
sagot.

Sanggunian

Adrienne, Carol. (1998) The Purpose of Your Life Experiential Guide: The
Proven Program to Help You Find Your Reason for Being. New York:
Morrow, William, & Co., Inc.
Covey, S.(1998). The 7 habits of Highly Effective People. New York: Fireside

Manunulat: Ria Lalene S. Tabamo 68


Paaralan: Doña Rosario National High School
Division: Agusan del Norte
Email add: rialalene.tabamo@deped.gov.ph
rialalene.tabamo@deped.gov.ph Email add:
Agusan del Norte Division:
Doña Rosario National High School Paaralan:
9 Ria Lalene S. Tabamo Manunulat:
7
Gawain 3.
Ang mga sagot ay iba-iba
base sa opinion at ideya ng
mga mag-aaral.
Gawain 2. Gawain 1. Balik Tanaw
Ang mga sagot ay iba-iba Ang mga sagot ay iba-iba 1. C
base sa opinion at ideya ng base sa opinion at ideya ng 2. D
mga mag-aaral. mga mag-aaral. 3. D
4. B
5. A
Susi sa Pagwawasto

You might also like