Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Grade 9 - Filipino - Teacher's

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

1

LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)


Manual for Teachers and Parents
English, First Edition, 2023

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education, Region 1


Secretary: Sarah Z. Duterte
Undersecretary: Gina O. Gonong

Development Team
Writers:
Maricel L. Acosta Jessica R. Cadang Mary Grace B. Casita
Editha M. De Guzman Oscar R. Gamiao Jr Maricel N. Guerrero
Moises M. Lopez III Hazel Ann S. Negranza Julius P. Pajarillo
Enrico Lee E. Suarez Allan M. Utleg Ana Fe R. Velo
Jolly T. Victorio Sherryl F. William

Layout Artists
and Illustrators: Bobbit Dale M. Bulatao, San Carlos City
Santino B. De Jesus, San Carlos City
Armando S. Vinoya, San Carlos City
Ligaya P. Daguison, Pangasinan 2

Editors:
Elisa R. Ranoy, Alaminos City Zorayda S. Paguyo, Batac City
Marilou Omotoy, Batac City Edgardo P. Pescador, Candon City
Gemma M. Erfelo, Dagupan City Editha R. Mabanag, Ilocos Norte
Remilyn P. Abrogena, Ilocos Norte Maria Teresita R. Gapate, Ilocos Sur
Juanito V. Labao, Laoag City Louisito Libatique, La Union
Melchora N. Viduya, Pangasinan I Annabelle M. Parel, Pangasinan II
Vivian V. Ofanda, San Carlos City Rowena R. Abad, San Fernando City
Perlita F. Abat, San Fernando City Edmundo A. Bisquera, Urdaneta City
Felipa T. Regaspi, Vigan City

Project Proponent: Joselito D. Daguison, EPS-Filipino


Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD
Rhoda T. Razon, Assistant Regional Director
Tolentino G. Aquino, Director IV

2
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 1: SALITA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang labindalawa (12) o
higit pa mula sa dalawampung (20) salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Sabihin sa mag-aaral: Ang bahaging ito ng pagtatasa ay naglalayong masukat ang
iyong kakayahan sa pagbasa ng salita. Inaasahan ko na mabasa mo nang wasto ang
mga ito. Handa ka na ba?
2. Ibigay ang talaan ng mga babasahing salita kung handa na ang mag-aaral.
3. Ipabasa ang mga salita mula sa taas pababa.

HABANG ISINASAGAWA ANG PAGTATASA


1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Lagyan ng tsek (/) ang bawat salitang nabasa nang wasto at ekis (x) naman kung
mali. Gamitin ang nakalakip na Pormularyo ____.

MGA SALITA
pagdaloy matagumpay katrabaho matrikula
kontrabida paglalamay kantiyaw tumuloy
nadisgrasya bumitaw sinuklay pagpaplano
kompletuhin kontrabida Kristiyanismo bumitaw
eskwelahan namaste panarasi industriyalisado

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
labindalawa (12) Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
o higit pa mula mababang Antas ng Salita. MAGPATULOY SA
sa dalawampung SUSUNOD NA ANTAS.
(20) salita?

3
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS : PANGUNGUSAP

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tatlo (3) o higit pa
mula sa anim (5) na pangungusap.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang sipi ng limang pangungusap na babasahin ng mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian
sa kanyang sipi.
PANGUNGUSAP
1. Araw-araw ay nagtatampisaw ang mga kinaree sa lawa na matatagpuan sa
Himapan.
2. Nagtatampisaw sa lawa ang magkakapatid lalo na sa araw ng Panarasi.
3. Napakahirap manghuli ng kinaree ngunit naisip ng ermitanyo na may isang
dragon na makakatulong sa kanila.
4. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala ang Prinsesa at agad-agad
naakit ang Prinsipe.
5. Nagdala ang ama ng mia noi na napakatanda na at nangunguha siya ng kendi.
6. Pinatawan ng parusang ekskomunyon si Ibarra dahil sa pagtatangka sa buhay ni
Padre Damaso.
7. Upang mapasakamay ang emansipasyon, kailangang manguna sa pagbabago
ang mga lider.
8. Isang malaking bilang ng tagapanood na Afro- Asian Jews ang masiglang
sumagot kay Netanyahu pagkatapos ng botohan.
9. Sinabihan si Vizier na alisin ang mabigat na damit at turban upang hindi ito
mabigatan.
10. Ito ang pinakamalaking pagsubok sa lahat, ang konsesasyon at dominasyon
ang nagiging kasangkapan sa sosyal na pagbuo ng pangalan dahil sa sariling
interes ng bawat isa.

4
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag-
IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang apat
Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
(3) o higit pa
mababang Antas ng MAGPATULOY SA
mula sa anim (5)
Pangungusap. SUSUNOD NA ANTAS.
na
pangungusap?

5
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 3: TALATA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang 90-110 salita sa
loob ng isang minuto.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay
makapagbasa siya ng 90-110 salita.

Talata:

Ismid
Ni Maricel N. Guerrero

Huling araw ng buwan ng Disyembre na may pasok kaya’t mas maaga


ngayon si Beth kaysa dati, marami kasing ulat ang hindi napirmahan ng kaniyang
boss. Tulad ng kanyang nakagawian, nagpapaalam sa asawa at nilalapitan ang
kanyang binatilyong anak na si Jake para tapikin ang ulo nito kasabay nang
tagubiling mag-aral itong mabuti. Iisa rin ang tugon nito sa ina nang may
pagmamayabang na huwag mag-alala dahil lodi niya ito. Napansin ni Beth ang
madalas na pagsipat nang patagilid ni Jake sa ama at kasunod nito’y ang pag-ismid.
Paimpit na sutsot na lang din ang sagot ni Beth sa anak na animo’y may pinipigilang
sabihin. Pakanta-kantang tinungo ni Jake ang banyo. Dadaanan lang ang amang
nakangiti habang naghuhugas ng pinggan at pailing-iling.
Nang nasa loob na siya, lalo niyang nilakasan ang pagkanta ng “Ay ay ay
Pag-ibig” na naging trending sa Tiktok. Ang awiting iyon ay naglalarawan ng taong
maligalig tulad ng kumanta nito na lubos ang paniniwalang hindi pag-ibig ang
uunahin kundi pag-aaral para sa magandang kinabukasan. Palakas nang palakas
ang kanyang pagkanta na tila ayaw pasapawan sa malakas na buhos ng tubig.
Walang ano-ano’y bigla siyang natigilan nang narinig na may kausap sa cellphone
ang ama at naka-loudspeaker pa kaya umismid na naman ito sabay hablot sa
tuwalya at padabog na lumabas ng banyo. Ngunit ang mga paa’y animo’y nakatapak
ng rugby sa kanyang narinig na pag-uusap ng ama at ang kanyang ninong na
kararating galing Australia. Natuklasan niya sa kantiyawan ng magkumpare na kaya
pala hindi natapos ang ama sa kursong inhinyero dahil ang sana’y alawans at
pangmatrikula niya ay sa kanyang ina inilalaan. Dahan-dahang at patagilid na
dumaan si Jake sa ama at sa unang pagkakataon di na niya nagawang umismid.

6
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag-
IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang 90-110
Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
salita sa loob ng
mababang Antas ng Talata. MAGPATULOY SA
isang minuto?
SUSUNOD NA ANTAS.

7
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 4: KUWENTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing kuwento sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Itala ang mga kamalian (maling bigkas, pagkakaltas, pagpapalit, pagsisingit, pag-
uulit, paglilipat, pagbaliktad) na ginawa ng mag-aaral gamit ang talahanayan ng mga
kamalian

Talahanayan ng mga Kamalian

Kabuoang Blg. ng
Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Kamalian

Kuwento:

Huling Pagpatak
ni Mary Grace B. Casita

Tatlong taon nang nagsasama sina Marina at Aurelio. Mahal na mahal nila
ang isa’t isa. Dati silang magkababata at matalik na magkaibigan. Pagtuntong sa
hayskul ay naging magkasintahan sila hanggang sa makatapos ng kolehiyo at
magkaroon ng kaniya-kaniyang trabaho.
Si Marina ay nakatapos ng kursong narsing at nagtatrabaho sa isang ospital sa
kanilang bayan, samantalang si Aurelio ay isang matagumpay na arkitekto sa karatig-
bayan.
“Ayon sa mahiwagang bolang kristal ng tita ko, magpapakasal tayo pagkatapos ng
tatlong taon,” wika ni Aurelio habang isa-isang ipinapasok sa maleta ang ilang pirasong
damit.
. “Tatlong taon pa naman iyon,” dagdag niya habang isinasara ang maleta.
“O, ngayon?” nagtatakang tanong ni Marina.
“Eh di, magkaniya-kaniya muna tayo,” sagot ni Aurelio habang nakatitig kay

8
Marina
Hinigop ni Aurelio ang natitirang kape. Tumayo saka humarap sa lumang salamin.
Sinipat-sipat ang mukha habang bitbit ang maleta.
“Paano ‘yan, aalis na ako. Magkikita ulit tayo.”
Idinampi ni Aurelio ang labi sa pisngi ni Marina. Tila tumigil ang pag-inog ng
mundo. Mayamaya, marahang tinungo ng binata ang nakapinid na pinto.
Naiwan ang dalagang pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng mga luha. Nakisimpatya
ang kalangitan. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-iisa ay biglang may sumigaw ng kaniyang
pangalan.
“Ms. Marina Castro?”, tawag ng kartero.
Dumungaw si Marina upang pagsinuhin ang tumatawag sa kaniya.
“Ano po ba ang maipaglilingkod ko?”, sambit ni Marina.
Ibinigay ng kartero ang hawak na sobre. Hindi siya makapaniwala sa nilalaman
nito. Walang mapagsidlan ang tuwang kaniyang nararamdaman. Halos yakapin niya
ang kartero.
“Talagang itong si Aurelio,” tuwang-tuwang sabi ni Marina.
Hindi sinabi ni Aurelio kay Marina ang kaniyang planong mangibang-bansa
upang doon sundan ng kasintahan.
Habang mahigpit na hawak-hawak ang sobre ay hindi namalayan ni Marina na
pinupunas na niya ang mga luhang kaniyang pinipigilang padaluyin kasabay ng pagtila
ng ulan.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng Kuwento. MAGPATULOY SA
nang walang SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

9
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
250-300 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa sampung
katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Kuwento:

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Hindi niya namalayan na pinupunas na niya ang mga luhang kaniyang pinipigilang
padaluyin kasabay ng pagtila ng ulan. Ang nasalungguhitang salita ay
nangangahulugang_____________.
A. pagdaloy
B. pagbuhos
C. paghinto
D. pagpatak
2. “Ms. Marina Castro?”, tawag ng kartero. Ang kartero ay taong tagahatid ng
___________.
A. balikbayan box
B. bills
C. koreo
D. parcel
3. Sinuklay ang malagong buhok saka pasandal na umupo sa antigong upuan sa
tabi ng bintana. Ang ibig sabihin ng nasalungguhitang salita ay _________.
A. dati
B. lumang-luma
C. patapon
D. sira

10
4. Ano ang relasyon ni Aurelio kay Marina?
A. kababata
B. kaibigan
C. kasintahan
D. lahat ng nabanggit

5. Ilang taon nang nagsasama sa iisang bubong sina Marina at Aurelio?


A. labing-isa
B. lima
C. tatlo
D. sampu
6. Anong trabaho ang kinabibilangan ni Marina?
A. pagpipinta
B. pagtitinda
C. pagtuturo
D. narsing
7. Ano ang nilalaman ng sobreng iniabot ng kartero kay Marina?
A. gift certificate
B. plane ticket
C. resibo
D. tseke
8. Bakit hindi sinabi ni Aurelio ang tunay na dahilan ng kaniyang pag-alis?
A. Nais niyang sorpresahin ang kasintahan.
B. Baka hindi siya payagang umalis ng kasintahan.
C. Hangad niyang matiyak ang magandang kinabukasan nila.
D. Gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng MA sa pagiging arkitekto.

9. Kung ikaw si Marina, magtatampo ka ba sa agarang pag-alis ni Aurelio? Bakit?


A. Oo, dahil parang hindi niya talaga ako mahal.
B. Oo, dahil hindi hindi siya nagbigay ng magandang dahilan sa pag-alis.
C. Hindi, dahil hindi siya tapat.
D. Hindi, dahil marami namang iba.
10. Sa pangingibang-bansa, matutuloy na kaya ang pagpapakasal nila? Bakit?
A. Oo, dahil sa pangako ng lalaki.
B. Oo, dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa.
C. Hindi, dahil mayroon ng ibang minamahal ang kasintahan.
D. Hindi, dahil sa pagkakaroon na ng lamat ng kanilang relasyon.

11
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita at mababang Antas ng Kuwento MAGPATULOY SA
nasasagot nang na may Komprehensiyon. SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang lima o
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

12
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 6: LOKAL NA MATERYAL

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang
kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
2. Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang lokal
na materyal.
2. Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga
kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba:

Maling Kabuoang Blg. ng


Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas Kamalian

Teksto ng Lokal na Materyal:


Panagipon
Nina Allan M. Utleg at Mary Grace B. Casita

Sa tuwing kabilugan ng buwan ng una at huling kuwarter ng taon, ang mga


mangingisda ng Metro Gabu, Lungsod Laoag ay nagtitipon-tipon sa tabimdagat upang
ihanda ang mga kakailanganin sa "pangngilin". Ito ang pag-aalay kay San Raphael D'
Archangel, ang patrong tagapaligtas ng mga mangingisda. Siya ay madalas
inilalarawan bilang isang anghel na may hawak ng isda, sisidlan ng langis at tungkod
ng manlalakbay.
Sa isasagawang pag-aalay, papalaot ang mga mangingisda na
pangungunahan ng isang "timon" na magsisilbing gabay ng mga mangingisda.
Nakaupo ang “timon” sa pinakagitnang harapan ng bangka. Habang binabagtas ang
malawak ngunit mapanganib na dagat, pangungunahan niya ang pagdarasal sa patron
para sa kanilang kaligtasan hanggang marating ang lugar ng pag-aalay.
Ang ganitong kaugalian ay tinatawag na "kapot", ang simula ng "panagipon".
Ang “kapot” ay isang tradisyong pamana pa ng mga naunang mangingisda sa lugar
na iyon bilang sagisag ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan. Kaya

13
naman,magpahanggang ngayon ay isinasagawa pa rin ang tradisyon upang
mapanatili ang pasasalamat sa biyayang-dulot ng dagat at maipagpatuloy ang
nakagawiang tradisyon.
Samantala, pagkatapos maisagawa ang pag-aalay, magtutulungan ang mga
mangingisda sa paglalagay ng mga lambat para sa mga “ipon”. Matiyaga nilang
babantayan ang dagat sa loob ng pito hanggang siyam na araw. Sa dalampasigan nila
gugugulin ang bawat oras upang matiyak na mayroon silang makukuhang biyaya mula
sa dagat.
Sa mga nahuling “ipon” ay abot hanggang tainga ang ngiti ng mga mangingisda.
Para sa kanila ay pinakinggan ng langit ang kanilang panalangin sa tulong ng kanilang
patron. Pagkatapos mahuli ang mga ipon, babalik ang mga mangingisda sa
dalampasigan. Masayang-masaya dahil ang lahat ng kanilang agod at puyat ay tiyak
na matutumbasan ng limpak-limpak na salapi.
Bihira mang magkaroon ng panagipon, ang “kapot” nama’y panghabampanahon.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
nang walang Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

14
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 7: LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
250-300 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Teksto ng Lokal na Materyal

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 6 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Ang “kapot” ay isang tradisyong pamana pa ng mga naunang mangingisda sa


lugar na iyon bilang sagisag ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan. Ang
nasalungguhitang salita ay nangangahulugang __________.
A. pamana
B. simbolo
C. tatak
D. tradisyon

2. Siya ay madalas inilalarawan bilang isang anghel na may hawak ng isda,


sisidlan ng langis at tungkod ng manlalakbay. Batay sa pagkakagamit sa
pangungusap, ang sisidlan ay ________.
A. bag
B. basket
C. lalagyan
D. supot

3. Pagkatapos maisagawa ang pag-aalay, magtutulungan naman ang mga


mangingisda sa paglalagay ng mga lambat na magsisilbing harang sa daanan
ng mga “ipon”. Ang lambat ay ginagamit sa panghuhuli ng________.

15
A. ibon
B. isda
C. talangka
D. usa

4. Ang kinikilalang patron sa Metro Gabu, Lungsod Laoag na siyang tagapaligtas ng


mga mangingisda.
A. San Bartolomeo
B. San Juan
C. San Sebastian
D. San Raphael D' Archangel

5. Isang tradisyong pamana pa ng mga naunang mangingisda sa mga taga-Metro


Gabu bilang sagisag ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan.
A. kapot
B. panagipon
C. panngingisda
D. timon

6. Saan nagtitipon ang mga mangingisda upang ihanda ang mga kakailanganin sa
"pangngilin"?
A. daan
B. lawa
C. tabimdagat
D. Wala sa mga nabanggit

7. Sa pagsasagawa ng panagipon, anong magandang katangian ng mga taga-Metro


Gabo ang dapat pamarisan?
A. magalang
B. matiyaga
C. matapang
D. Wala sa mga nabanggit

8. Anong magandang pag-uugali pa rin nila ang dapat tularan?


A. pagtitiyaga
B. pagtutulungan
C. pagiging matapang
D. Wala sa mga nabanggit

9. Maituturing bang isang magandang kultura ang panagipon? Bakit?


A. Oo, dahil ito’y masayang gawain.
B. Oo, dahil ito’y nakamulatan na ng mga mamamayan.
C. Oo, dahil sagisag nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga
mamamayan.
E. Wala sa mga nabanggit

10. Sa palagay mo, dapat pa ba itong ipagpatuloy? Bakit?


A. Oo, dahil bahagi ito ng kanilang mayamang kultura.

16
B. Oo, dahil malaking tulong ito sa kabuhayan ng mga mamamayan.
C. Hindi, dahil tayo’y nasa modernong panahon na.
D. Wala sa mga nabanggit

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.
Nabasa ba nang HINDI OO
wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita at mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
nasasagot nang Materyal na may SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang lima o Komprehensiyon.
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

17
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 8: AKADEMIKONG TEKSTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang
mapukaw ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
2. Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.
2. Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong teksto,
ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit ang
talahanayan sa ibaba:
Kabuoang Blg. ng
Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Kamalian

Akademikong Teksto:

Buod ng Noli Me Tangere


Ni Maricel L. Acosta

Mahigit pitong taong tumira at nag-aral sa Europa bago makabalik ng Pilipinas


si Juan Crisostomo Ibarra. Naghanda ng malaking piging sa bahay ni Kapitan Tiyago
upang salubungin ang binata. Inimbitahan ang ilang maimpluwensyang panauhin sa
lipunan. Ipinahiya ni Padre Damaso ang binata at inalipusta ang alaala ng kaniyang
yumaong ama ngunit walang ginawa bagkus pinagpasensyahan lamang ang dating
kura ng San Diego at magalang na nagpaalam.
Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Ibarra at anak ni Kapitan Tiyago.
Dinalaw siya ni Ibarra. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling
balikan ang kanilang mga alaala. Muling binasa ng dalaga ang liham na ibinigay ng
binata bago tumungo sa Europa.
Pagkatapos, pinuntahan ni Ibarra si Tinyente Guevarra. Isinalaysay ng tinyente
sa binata kung paano naakusahang erehe at pilibustero ang ama. Ipinakulong si Don
Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang may
gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis sa ama nang magkasakit at kalauna’y
namatay. Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay

18
nito at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin
ang bangkay kung kaya’t itinapon na lang sa lawa. Sa kabila ng nangyari,
ipinagpatuloy pa rin niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli
na namang ipinahiya ni Padre Damaso ang binata sa pamamagitan ng pag-alipusta
sa alaala ng kaniyang ama. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi lang
siya napigilan ng kasintahan. Dahil dito, naging ekskumunikado ang binata.
Sinamantala ng kura ang pangyayaring ito at inutusan si Kapitan Tiyago na itigil ang
pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya ang kura na ipakasal si Maria Clara
kay Alfonso Linares. Sa labis na pagdaramdam, nagkasakit ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagiging
ekskomunikado ni Ibarra. Sinalakay ulit si Ibarra at pinagbintangan kung kaya’t dinakip
at ibinilanggo siya. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Nabigyan naman ng
pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap. Doon nalaman ni Ibarra na ang
kura ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol siya sa planong pagpapakasal
ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra ngunit nasundan pa sila ng mga
guwardiya sibil. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng
paglusong sa tubig. Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan
siya ng mga sibil hanggang sa magkulay-dugo ang tubig.
Nawalan ng pag-asa ang dalaga sa pag-aakalang patay na si Ibarra.
Napagdesisyunan niyang pumasok sa kumbento upang maging madre. Napilitang
pumayag si Padre Damaso sapagkat magpapakamatay si Maria Clara kung
sasalungat ang kura.
Noche Buena na nang makarating si Elias nang sugatan sa gubat ng mga
Ibarra. Doon ay natagpuan niya si Basilio na akay-akay ang malamig na bangkay ni
Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay, nasabi ni Elias ang ganito: “Mamamatay akong
hindi nakitang sumilay ang bukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makakikita,
salubungin siya…Huwag ninyong lilimutin ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!”

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.
Nabasa ba nang HINDI OO
wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng MAGPATULOY SA
nang walang Akademikong Teksto. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

19
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 9

ANTAS 9: AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY


KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang akademikong


teksto na binubuo ng 250-300 salita at masagutan ang lima o higit pa mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Akademikong Teksto

(Sumangguni sa Tekstong ginamit sa Antas 8 bilang babasahing materyal)


Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Dumalo si Crisostomo Ibarra sa piging na inihanda ni Kapitan Tiyago. Ang


nasalungguhitang salita ay nangangahulugang _________.
A. pagtitipon
B. pagdiriwang
C. pagpupulong
D. salusalo

2. Pinaratangan si Don Rafael Ibarra na erehe at pilibustero. Ang nasalungguhitang


salita ay taong sumasalungat sa _______.
A. lansangan
B. simbahan
C. pamahalaan
D. buong mundo

3. Ipinag-utos ni Padre Damaso sa sepulturero na ilipat ang bangkay ni Don Rafael.


Ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan ay tagapagbantay ng ___________.
A. sementeryo
B. simbahan
C. ospital

20
D. punerarya
4. Sino ang binatang nag-aral ng pitong taon sa Europa?
A. Basilio
B. Crisostomo
C. Don Rafael
D. Elias

5. Sino ang tumulong kay Crisostomo Ibarra upang mailayo sa kamay ng


mga guwardiya sibil?
A. Basilio
B. Elias
C. Kapitan Tiyago
D. Pilosopong Tasyo

6. Siya ang dahilan ng pagkaekskomunikado ni Crisostomo Ibarra.


A. Alfonso Linares
B. Kapitan Heneral
C. Kapitan Tiyago
D. Padre Damaso

7. Bakit gustong takasan ni Ibarra ang mga guwardiya sibil?


A. Dahil sinisingil siya
B. Dahil tinutugis siya.
C. Dahil gusto niyang makita si Maria Clara
D. Dahil hinahanap niya ang bangkay ng kaniyang ama

8. Bakit magpapatayo ng paaralan si Crisostomo Ibarra?


A. Walang maayos na paaralan sa bayan ng San Diego.
B. Sapagkat malapit nang bumagsak ang dating paaralan.
C. Dahil nais niyang ipagpatuloy ang adhikain ng ama na makapagpatayo ng
paaralan.
D. Wala sa mga nabanggit.

9. Sa pag-aakalang patay na si Crisostomo Ibarra, napagdesisyunan ni Maria


Clara na magmadre, kung ikaw ang nasa kalagayan ng dalaga, gagawin mo rin
ba ito?
A. Oo, dahil wala ng silbi ang buhay ko.
B. Oo, baka sakaling doon ako makalimot.
C. Hindi, dahil hindi sa kaniya dapat matapos ang lahat.
D. Wala sa mga nabanggit.

10. Sang-ayon ka ba sa pagtatangka ni Crisostomo Ibarra sa buhay ni Padre


Damaso dahil sa patuloy na pang-aaalipusta sa alaala ng yumaong ama? Bakit?
A. Oo, para magtanda siya.
B. Hindi, dapat ay pinairal pa rin niya ang kaniyang kahinahunan.
C. Hindi, dapat ay iginalang pa rin niya ang pagiging pari ni Padre Damaso.
D. Wala sa mga nabanggit.

21
PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.
Nabasa ba nang HINDI OO
wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. NATAMO NG MAG-AARAL
akademikong Ang mag-aaral ay nasa mas ANG PINAKAMATAAS NA
teksto na mababang Antas ng ANTAS.
binubuo ng 250- Akademikong Teksto na may
300 salita at Komprehensiyon.
masagutan ang
pito o higit pa
mula sa
sampung
katanungan?

Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang


pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong
mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo
pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang
pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at
partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming
Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa
gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda
ng mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang
pagtatasa.

22
Mga Susing Salita:

(Sumangguni sa antas na may mga tanong sa pang-unawa)

ANTAS 5 KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. C. paghinto
2. C. koreo
3. B. lumang-luma
4. D. Lahat ng nabanggit
5. A. tatlo
6. D. narsing
7. B. plane ticket
8. C. Nais niyang sorpresahin ang kasintahan
9. B. Oo, dahil siya ay hindi nagbigay ng magandang paliwanag
10. B. Oo, dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa.

ANTAS 7 LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. B. Simbolo
2. C. Lalagyan
3. B. Isda
4. D. San Raphael D’ Archangel
5. A. kapot
6. C. tabimdagat
7. B. matiyaga
8. B. pagtutulungan
9. C. Oo, dahil sagisag nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga
mamamayan.
10. A. Oo, dahil bahagi ito ng kanilang mayamang kultura.

ANTAS 9 AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. D. salusalo
2. B. simbahan
3. A. sementeryo
4. B. Crisostomo
5. B. Elias
6. CD Padre Damaso
7. B. Dahil tinutugis siya
8. C. Dahil nais niyang ipagpatuloy ang adhikain ng ama na makapagpatayo ng
paaralan.
9. C. Hindi, dahil sa kaniya dapat matapos ang lahat
10. Hindi, dapat ay pinairal pa rin niya ang kaniyang kahinahunan.

23

You might also like