Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Q1 Pre Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang Markahan

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Pre-Test
1.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pamilya na nagsagawa ng papel na pampolitikal maliban sa:
A. Ang Pamilya J na tumitiyak sa mga batas at ang mga institusyong panlipunan
B. Ang Pamilya K na nangunguna sa pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa kaniyang mga
tungkulin
C. Ang Pamilya L na magiliw na tumatanggap lalo sa mga panauhin
D. Ang Pamilya M na nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya

2. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa at pagbabantay sa batas ng pamilya?


A. Kung magtutulungan ang bawat isa at mababantayan ang pagpapatupad sa batas ng pamilya, ang
bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting
kapaligiran nang may birtud ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan.
B. Ang pakikipag-bayanihan at pagbabantay sa batas ng pamilya ay nagtuturo ng pagwawaksi sa
pagiging makasarili at pagsasakripisyo para sa mas ikabubuti ng nakararami.
C. Kung magtutulungan ang bawat isa at mababantayan ang pagpapatupad sa batas ng pamilya,
maisasakatuparan ang layuin ng ating pamahalaan at lubs na mapagyayaman ang bansa.
D. Mahalaga ang pag-tulong sa kapwa at pagbabantay sa batas ng pamilya sapagkat ito ay mas
maglalapit sa atin sa Diyos at sa Kanyang mas malaking plano para sa sansinukob.

3.Maayos na tirahan / Malinis na tubig / Murang kuryente o elektrisidad. Ito ay ang karapatan ____
A. sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
B. lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang
seguridad
C. ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan
D. mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa
mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa

4. Matagal nang suliranin ng Brgy. Ramon Cruz ang pagbaha sa kanilang lugar. Napansin ni Maine, isang
residente ng baranggay, na ang pagabaha ay maaring dulot ng plastik, pakete ng tsitsirya, pinagtusukan ng
banana-cue, putik, at iba apng pinaghalo-halong basura na bumabara sa estero. Alin sa mga sumusunod ang
maaring gawin ni Maine upang makatulong sa baranggay?
A. Hintayin ang pagtugon sa suliranin ng Brgy. Ramon Cruz ng mga opisyal ng baranggay at tumulong
dito.
B. Makilahok sa peryodikong pagtitipong organisado ng baranggay upang mailahad ang obserbasyon at
magbigay ng kaukulang kalutasan.
C. Gumawa ng kampanya para sa kalinisan, boluntaryong maglinis ng baranggay at kaisa ng mga opisyal
ng baranggay, mag-hikayat ng bayanihan sa loob ng baranggay.
D. Gumawa ng mga karatulang nagbabawal ng pagtatapon ng basura sa mga piling lugar.

5. Si Ginoong Lance Dimapera ay naatasang mamuno sa nalalapit na Brigada Eskwela ng Paaralang Teknikal
ng Cavite. Sa kasamaang –palad, walang kaukulang badyet na nakalaan para programang ito. Bilang isang
mag-aaral ng Paaralang Teknikal ng Cavite, paano makatutulong sa brigada kahit pa walang maibigay na
salapi ang iyong pamilya?
A. Mag boluntaryo ang pamilya, at manghikayat sa iba, na tumulong sa paglilinis at pagkukumpuni sa
paaralan.
B. Magbigay ng mga kagamitan tulad ng pintura, gamit sa paglilinis, materyales na pangkumpuni, at iba
pang kayang ibigay ng pamilya.
C. Magbigay ng solicitation letter sa mga kapit-bahay na naglalayong mangalap ng pondo para sa
brigada.
D. Tama ang A at B

6. Karapatan ng pamilya na mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas,
laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
alinsunod sa pagsusulong ng karapatang ito?
A. Pagmamatyag at pagsususmbong sa kinauukulan ng mga ilegal na gawaing nangyayari sa sariling
komunidad.
B. Pakikipagusap sa mga ka-baranggay tungkol nao-obserbahang mga illegal na gawain sa komunidad.
C. Pagsasatupad ng malawakang curfew sa komunidad.
D. Pagsasawata ng mga tanod sa mga nagkakasiyahan at nagiinuman sa tabi ng kalsada.
7. Anim na taong gulang pa lamang si Jerome ay mahusay na itong bumasa at sumulat dahil bata pa lamang
ito ay tinuturuan na ito ng kanyang ina. Bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro
ng mga anak?

A.Obligasyon ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak


B.Ang mga magulang ang makakapagturo sa mga anak simula pagkabata
C. Magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang maging matalino ang mga anak.
D.Tanging ang mga magulang lamang ang nakapagbibigay ng maayos na edukasyon

8. Napipilitan lamang sumama sa pagsimba si Allan dahil natatakot siyang mapagalitan ng kanyang ina. Paano
mapapalago ang pananampalataya ni Allan?

A. Maglaan ng isang araw kada buwan para sa pag-aaral ng salita ng Diyos.


B. Magkaroon ng malawak na pang-unawa at gawing sentro ang Diyos sa pagsasama ng pamilya.
C.Gamitin ang mga teleseryeng napapanood upang maging halimbawa sa pagpapaliwanag ng
pananampalataya.
D.Gawing motibasyon ang pagbibigay ng premyo or regalo upang makumbinsing sumama sa
pagsimba ang mga anak.

9. Nahihirapan si Karla sa pagpili ng Strand na kukunin para sa kanyang Senior High School kaya naman
naisipan nyang magtanong sa kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang inaasahang paggabay o
payo ang dapat ibigay ng kanyang mga magulang?
A. Sabihin kay Karla kung anong strand ang nais nilang ipakuha para dito
B. Sabihan si Karla na gumaya na lamang sa kanyang mga kaibigan upang mas kasama siya
C. Bigyan si Karla ng panahon na mag isip kung ano talaga ang kanyang nais
D. Pag-aralan at ipaliwanag ang mga strand upang maunawaan at makapagpasya si Karla kung ano
ang nababagay para sa kanya.

10. Tuwing gabi, palagiang sinisiguro ng mga magulang ni Crisostomo na nababahagi nila sa bawat isa ang
kanilang mga ginawa sa buong araw at mga problema na kanilang naranasan gayundin din ang mga
magagandang pangyayari dahil mahalaga ito sa kanila. Ano ang masasabi mo sa uri ng komunikasyon ng
mayroon ang kanilang pamilya? Ang kanilang pamilya ay
A. may mahigpit na patakaran na dapat sundin
B. bukas at laging handang makinig sa bawat isa
C. pinapahalagahan ang pangalan bawat isa
D. may responsibilidad sa bawat isa kaya dapat lamang gawin ito

11. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:


A. Buo at matatag
B. Palaging alam ang tama at mali
C. Magkakapareho ang paraan ng pagsamba sa Diyos
D.Hindi magkakaroon ng alitan kailanman

12. Ito dahilan ng Diyos sa paglikha ng pamilya.


A. Upang pagmulan ng pagmamahalan ng tao
B. Makabahagi niya sa paglikha ng tao
C. Maging tagapangalaga ng pangangailang materyal ng tao
D. Upang mapuno ang daigdig na Kanyang nilikha

13. Ang anak na nagkamali ay kayang patawarin ng kanyang mga magulang. Ito ay halimbawa ng
A. Batas ng malayang pagbibigay
B. Prinsipyo ng etika
C. Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
D. Prinsipyo ng personal na ugnayan

14. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa. “Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag metatag ang pamilya, metatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan
15. Ang pagtutulungan ay natural sa pamilya sapagkat
A. kalikayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
B. wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
C. kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
D. natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta sa bawat isa

16. Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay ng
A. paggabay
B. luho
C. edukasyon
D. kanilang mga pangangailangan

17. Maituturing na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ng pamilya ngunit hindi rin
makatutulong kung
A. laging nariyan ang mga magulang upang tugunan ang pangangailangan ng anak
B. papagalitan ng mga magulang ang mga anak
C. labis na kukunsintihin ng mga magulang ang mga anak
D. laging iniiwan mag-isa sa bahay ng mga magulang ang mga anak

18. Ang pagdarasal gamit ang rosary ay nagpapakita ng anong pag-uugali?


A. Maka-Diyos
B. Mapagbigay
C. Pakikiisa
D. Pakikisalamuha

19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain sa pakikipagkomunikasyon.


A. Maging masigla sa pakikipag-usap.
B. Bigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang kausap.
C. Humingi ng paumanhin kung nakasakit ng damdamin.
D. Ipagluto ng masarap na ulam ang kakausapin upang mabawasan ang kaniyang galit o tampo.

20. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
A. Si Rencie at Raychiel na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para
sa kanilang mga anak.
B. Si Rick at Marlene na pinag-aral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak
ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
C. Si Michael at Joana na namumuhay sa kanilang mga gawain, pangangailangan at gumagabay sa
kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa hinaharap.
D. Si Dennis at Nelia na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa
kanilang pamilya.

21.Ang nararapat na pakikitungo sa kapwa ay ______________.


A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
C. pagtrato sa kaniya ng may paggalang at dignidad
D. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa

22.Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ___.


A. Kakayahan ng taong umunawa
B. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. Pagtulong at pakikiramnay sa kapwa

23. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga
sa gawaing ispiritwal maliban sa:
A. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
B. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya.
C. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
D. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.

24.Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple? Ito ay upang ________
A. maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
B. masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
C. hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
D. maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano
ang mayroon siya
25. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa :
A. Pagtitiwala
B. Pagkakaisa
C. Pagtataglay ng karunungan
D. Pagtuturo ng magulang ng pagpapahalaga

26. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino kaysa sa ibang tao.
D. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.

27. Naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at pagmamalasakit
sa isa’t-isa sa pamamagitan ng
A. Senyas
B. Motibasyon
C. Persepsyon
D. Komunikasyon

28. Ano ang tawag sa sining ng pakikinig?


A. Diyalogo
B. Feedback
C. Monologo
D. Damdamin

29 .Ang mga sumusunod ay gawain ng pamilya na nagpapakita ng paggampan sa papel na panlipunan at


papel na pampulitikal, maliban sa:
A. Paggalang sa iyong kaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng iyong paniniwala at relihiyon.
B. Pakikibahagi sa programa ng barangay
C. Pagmamalasakit sa kapitbahay
D. Pagsasawalang bahala sa paglabag sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya

30. Ano ang kabutihang dulot ng pakikilahok sa lipunan at politikal bilang kabataan?
A. Naisusulong ang pansariling interes at kapakanan
B. Nagkakaroon ng pagkakataong makilala at magkaroon ng koneksyon
C. Nagkakaroon ng pagkakataong makapamuhay sa pinakamabuting kapaligiran
D. Naipapahayag ang debosyon sa pamilya

You might also like