Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Modyul 2 Esp8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

3P’s ng Pamilya

Pagmamahalan, Pagtutulungan, at Pananampalataya: Mahahalagang birtud na dapat


taglayin ng bawat pamilya upang mapaunlad ang mga miyembro at maipasa ang mabuting
impluwensya sa iba.
Pamilya: Hindi lamang limitado sa pamilyang nakagisnan, kasama rin dito ang mga
kaibigang nagbibigay halaga at suporta.
Pagrespeto: Ipinapakita sa salita, kilos, at paggalang sa desisyon ng bawat miyembro ng
pamilya.
Pagsuporta: Mahalaga ang pagbibigay ng suporta sa mga hilig, desisyon, at plano ng
bawat miyembro, na nagbibigay kaligayahan.
Pagbabayanihan sa gawaing-bahay: Mahalaga na nagtutulungan ang mga kasapi ng
pamilya sa mga gawaing-bahay.

Pagmamahal at Pagtutulungan: Nagdudulot ng pagkakaisa at malasakit sa loob ng tahanan.


May mga nakatalagang gawain ang bawat miyembro upang magtulungan sa mga gawaing
bahay.
Pagsasakripisyo: Isinasakripisyo ang pansariling kagustuhan para sa ikabubuti ng pamilya,
tulad ng ginagawa ng mga magulang para sa edukasyon ng mga anak.

Pananampalataya: Mahalaga sa bawat pamilya ang pagkakaroon ng pananampalataya sa


Panginoon na nagpapaunlad ng mabuting katangian at asal. Ang mga gawaing kaugnay nito ay:
 Pagpapahinga sa araw ng pagsamba
 Pagdarasal bago at pagkatapos kumain
 Sama-samang panalangin o devotional prayer
 Pagtuturo ng pagdarasal para sa mga plano at desisyon
Pagpapaunlad ng Pamilya: Iba-iba man ang pamamaraan ng pamamahala sa pamilya, ang
layunin ay mapatatag ito, makadulot ng positibong impluwensya, at mapaunlad sa kabila ng mga
hamon ng buhay.

GAWAIN: Hula-salita
Suriin ang mga pangungusap upang mabuo ang salitang naglalarawan sa mga birtud na
umiiral sa isang pamilya mula sa pinaghalong letra. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kinikilala sa Asya na ang mga Pilipino ay isa sa mga lahing may mataimtim at matatag na
pananalig sa Panginoon.
N I L A S A D A M
__________________________________________________
2. Anumang pagsubok ay kayang lagpasan kung ang pamilya ay hawak-kamay itong
haharapin.
T I P A K - G I S I B
__________________________________________
3. Tuwing humaharap sa isang sakuna ang bansa, umiiral ang pagtutulungan. Nagaabot ng
tulong at donasyon ang pamilya at iba’t ibang ahensiya upang masolusyunan ang
problema.
G A P N A H I N A Y B A B A
________________________________________
4. Nakagagalit at kung minsan ay gumuguho ang mundo natin kung nasasaktan tayo ng mga
taong mahalaga sa atin, ngunit sa kabila ng sakit ay pinipili natin na magpatawad at
bigyan sila ng ikalawang pagkakataon.
L A H A M M A G P A
_________________________________
5. Sinasabing ang isang tahanan ay matatag kung likas sa bawat kasapi ng pamilya ang
pananalangin, pagsangguni, pagpapasalamat sa Panginoon.
A Y T A N A M A N P A A P L A

PAGTATAYA:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano
ang magandang dulot ng kaugaliang ito?
A. respeto sa pamilya
B. pagiging buo ng pamilya
C. pagpapahalaga sa kaugalian
D. nagpapatibay ng samahan ng pamilya
2. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang
pinatira sa bahay ng kaniyang byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa.
Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba
3. Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi
lamang sa kanilang mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga
kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang ipinapakita ng
pamilyang Yabut?
A. mababait ang pamilya Yabut
B. umiiral sa kanila ang pagkamatulungin
C. may pantay-pantay na pakikitungo sa kapuwa
D. likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa
4. Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya? Dahil;
A. may bukas na komunikasyon ang pamilya
B. may respeto ang bawat miyembro ng pamilya
C. may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
D. pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa
5. Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang
pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang
ipinamamalas ni Ana?
A. pagtulong
B. pagmamahal
C. pakipagkapuwa
D. pananampalataya
6. Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan
pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
A. pagtanaw ng utang na loob sa ina
B. pagpapakita ng pagkamatulungin
C. pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
D. resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
7. Lumaki si Lucas na hindi niya parating nakasama ang kaniyang mga magulang
dahil sa trabaho nila. Ang lagi niyang kasama ay ang kaniyang Lola. Halos ito na
ang nagpalaki sa kaniya, kaya gagawin niya ang lahat para sa kaniya. Anong
katangian ang ipinapakita ni Lucas sa kaniyang Lola?
A. naaawa siya sa kaniyang lola.
B. pagpapakita ng pagkamatulungin
C. labis na pagmamahal para sa kaniyang lola
D. sinusuklian niya ng kabutihan ang ginawa ng lola
8. Nakasanayan ni Melba na tuwing pasko ay may handog siyang laruan sa mga
batang mahihirap. Anong damdamin ang pinapairal ni Linda tuwing pasko?
A. mapagbibigay sa mga bata
B. matulungin lalo na sa mga bata
C. ibinabalik lamang niya ang biyaya sa iba
D. labis na pagmamahal sa mga mahihirap na bata
9. Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga
taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong
katangian ang pinapairal ng doktor?
A. matulungin sa kapuwa
B. isang mabait na doktor
C. may malasakit sa mga nangangailangan
D. umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa
10.“Mas diringgin ng Panginoon kung marami ang nagdarasal sa isang pamilya
kaysa nag-iisa.” Anong kaugalian ang ipinapahiwatig ng kasabihan?
A. nakagawian na sa pamilya
B. sama-samang nagdarasal ang mag-anak
C. binigyan ng halaga ang pananampalataya
D. masidhing pananampalataya sa Panginoon

PERFORMANCE TASK: Kung Ako Ikaw (Isang Buong Papel)


Sumulat ng talatang naglalahad kung paano mo papairalin ang pagmamahalan,
pagtutulungan at paghubog ng pananampalataya sa pamilya sa sitwasyong binasa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon: Nawalan ng kulay ang tahanan ng pamilyang Marsi nang mamatay sa isang
aksidente ang bunsong anak matapos itong mahagip ng sasakyan habang tumatawid nang
magbakasyon sila sa Maynila. Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit binawian din ito ng buhay.
Labis na sinisi ng mag-asawa ang kanilang sarili sa nangyaring aksidente. Nahirapang bumangon
si Marie sa trahedyang naranasan kung kaya napabayaan nito ang asawa at panganay na anak.
Naging madalang ang pagsimba ng pamilya at nagkaroon ng sariling mundo ang kanilang anak
na unti-unti ring kinakalimutan ang pangyayari upang makapagsimulang muli.

You might also like