Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Ap1 Q2 Assessment

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

PANDIBISYONG PAGTATASA SA IKALAWANG KWARTER SA


ARALING PANLIPUNAN 1

Pangalan: ______________________________________ Iskor: _________


Baitang: ______________________ Lagda ng Magulang: ____________

Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga larawan ang tinatawag na extended family?

A. B. C.

2. Laging masaya sina Elaine at Paula dahil kapiling nila sa kanilang tahanan
ang kanilang tatay at nanay. Anong uri ng pamilya ang mayroon sila?

A. extended family
B. two-parent family
C. single parent family

3. Alin sa mga larawan ang hindi nagpapakita ng isang pamilya?

A. B. C. 856y888C

4. Sila ang pangunahing katulong ng nanay at tatay sa mga gawaing-


bahay.

A. lolo at lola
B. mga anak
C. tito at tita
5. Ano ang dapat na gawin ng mga anak upang mapasaya ang pamilya?

A. Mag-aral nang mabuti ngunit makibarkada.


B. Mag-aral nang mabuti ngunit maging palaaway.
C. Mag-aral nang mabuti at sikaping magkaroon ng karangalan.

6. Paano mo ilalarawan ang isang pamilyang nagtutulungan sa mga


gawain?

A. B. C.

7. Ang mga larawan ay mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng


pamilya, maliban sa isa.

A. B. C.

8. Sila ang pangunahing nangangalaga at naghahanapbuhay sa pamilya?

A. ate
B. kuya
C. magulang

9. Alin sa mga sumusunod ang wastong halimbawa ng family tree?

A. B. C.

10. Sa isang family tree, sino-sino ang nasa bahaging ugat nito?

A. lolo at lola
B. mga anak
C. mga magulang
11. Ang nasa larawan ay isang uri ng timeline sa buhay ni
Mark Jhian. Ano ang ipinakikita ng huling larawan?

A. Noong siya ay isinilang


B. Noong siya ay naging lolo na
C. Noong siya ay nag-aaral sa elementarya

12. Alin sa mga sitwasyon ang dapat na ipagpatuloy ng pamilya?

A. pagmamano sa mga nakatatanda


B. pagsasawalang-bahala ng pagpupuri sa Diyos
C. paglimot ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda

13. Anong kuwento ng isang pamilya ang maaaring ipagmalaki?

A. Ang mga magulang na laging nag-aaway.


B. Ang buong pamilya na nagtutulong-tulong sa gawain.
C. Ang mga anak na nagdadabog kapag inuutusan ng magulang.

14. Ang mga larawan ay nagpapakita ng masayang pamilya, maliban sa


isa.

A. B. C.

15. Ang bawat pamilya ba ay may mahahalagang kuwento o pangyayari


sa kanilang buhay?

A. opo
B. hindi po
C. maaari po

16. Tuwing Linggo ang inyong pamilya ay sama-samang sumasamba,


pagkatapos ay sasama-samang namamasyal at nagsasalo-salo. Dapat
mo ba itong ipagmalaki?

A. opo
B. hindi po
C. maaari po
17. Ang mga sitwasyon ay alituntunin ng isang pamilya, maliban sa isa.

A. Pagtulong sa mga gawaing-bahay.


B. Pagkagalit kapag hindi natupad ang gusto.
C. Pag-uwi kaagad sa bahay pagkagaling sa paaralan.

18. Paano mo maipakikita ang wastong pagsunod sa mga alituntunin ng


iyong pamilya?

A. Gagawin ito ngunit napipilitan lang.


B. Tatandaan ito at palaging isasagawa.
C. Gagawin ito kahit labag sa aking kalooban.

19. Kung ikaw ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng inyong pamilya, ano
ang maaring mangyari?

A. Mapapahamak ka.
B. Ipagmamalaki ka ng iyong mga kapatid.
C. Magiging masaya ang iyong mga magulang.

20. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin ng


pamilya.

A. Si ate ay tumutulong sa paglilinis.


B. Si bunso ay nagkakalat ng mga laruan.
C. Si kuya ay iniiwan ang pinagkainan sa mesa.

21. Ang alituntunin ng bawat pamilya ay dapat _________________.

A. hindi sinusunod
B. sinusunod nang may paggalang
C. sinusunod ngunit napipilitan lang

22. Maaari bang may pagkakatulad at pagkakaiba ang mga alituntuning


ipinapatupad sa bawat pamilya?

A. opo
B. hindi po
C. maaari po
23. Mahalaga ba ang pagtupad sa alituntunin ng inyong pamilya?

A. opo
B. hindi po
C. maaari po

24. Tumutupad ka sa alituntunin ng inyong pamilya upang _______.

A. magkagulo ang lahat


B. mag-away-away ang mga miyembro
C. mapanatili ang magandang samahan ng pamilya

25. Kailan mo dapat sundin ang mga alituntunin ng inyong pamilya?

A. sa lahat ng oras
B. kapag may nakakakita lang
C. kapag may gustong ipabili sa magulang

26. Bakit ipinatutupad ang mga alituntunin sa bawat pamilya?

A. upang mag-away-away
B. upang magkaroon ng oras sa paglilibang
C. upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan

27. Sumusunod ang bawat pamilya sa mga alituntunin sa tahanan dahil


__________________.

A. nais nating mapuri ng iba


B. nais nating sumikat sa pamayanan
C. nais nating iparamdam ang pagmamahal sa ating pamilya

28. Marami ang naapektuhan ng pagbaha sa inyong barangay. Ano ang


dapat na gawin ng iyong pamilya?

A. tutulong sa mga binaha


B. pagtatawanan ang mga binaha
C. magtatago upang hindi sila makahingi ng tulong

29. Alin sa mga katangian ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-


ugnayan sa inyong kapitbahay?

A. pagiging palaaway sa kapitbahay


B. pagiging sinungaling at walang galang
C. pagiging tapat at mapagbigay sa kapwa
30. Naglunsad ng programang “Tapat Mo, Linis Mo” sa inyong barangay
dahil laganap ang sakit na dengue dulot ng laging pagbaha sa inyong
barangay. Ano ang nararapat gawin ng inyong pamilya?

A. makikilahok sa programa
B. hindi makikiisa sa panawagan
C. magtatapon ng basura sa kanal

Inihanda ni:

JAIDEE D. VITRIOLO
Master Teacher I
Dilasag Central School
Dilasag District

You might also like