Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Gantimpalang Nobel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Alfred Nobel, pinagmulan ng Gantimpalang Nobel.

Ang Gantimpalang Nobel (Nobel Prize) ay iginagawad taon-taon sa mga mahuhusay na nilalang na nakapag-ambag ng kanilang mga katalinuhan at talento sa larangan ng agham, pisika, kimika, medisina, panitikan, kapayapaan at nitong huli, sa agham pangkabuhayan o agham ekonomiko.

Ang lahat ng mga laureado o mga nagantimpalaan ay tumatanggap ng gintong medalya, diploma at perang premyo mula sa Nobel Foundation na nakabase sa Estocolmo, Suwesya.

Mga Laureado sa Pisika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula taong 1901 hanggang sa kasalukuyan ay 183 na tao na ang nabigyan ng gantimpalang ito.

Nitong 2008, tatlong Hapones ang mga laureado para sa kanilang pagkakadiskubre ng mga agarang pagkakabitak-bitak ng pantay-ayos (symmetry). Eto ay sina Yoichiro Nambu ng Enrico Fermi Institute ng Pamantasan ng Chicago, Illinois, Estados Unidos. Makoto Kobayashi ng Samahan ng Pananaliksik sa Mataas na Enerhiyang Akselerador (KEK) sa Tsukuba, Hapon at si Toshihide Masukawa ng Yukawa Institute para sa Teoretikal na Pisika sa Pamantasan ng Kyoto sa Kyoto, Hapon.

Sa 10 milyong Swedish kronors (o sa halagang $1.25 Milyon), halos limang milyong kronor ang napunta kay Nambu, at iyong natira ay pinaghatian nina Kobayashi at Masukawa.

Mga Laureado sa Kimika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula noong taong 1901, umabot na sa 153 na katao ang nabigyan ng gantimpalang ito.

Nitong 2008, tatlong katao ang naghati-hati sa naturang premyo para sa kanilang pagkakadiskubre at pagpapaunlad ng luntiang flourescent na protina. Ito ay sina Osamu Shimomura ng Paaralang Medikal ng Pamantasan ng Boston sa Massachusetts, si Martin Chalfie ng Pamantasan ng Columbia sa Bagong York, at si Roger Tsien ng Howard Hughes Medical Institute sa Pamantasan ng California sa San Diego. Ang tatlong ito ay lahat Amerikano. Pinaghatian nila ng pantay-pantay ang 10 milyong kronor na premyo.

Mga Laureado sa Medisina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula taong 1901, umabot na sa 192 na katao ang nabigyan ng naturang premyo.

Nitong 2008, tatlong tao ang pinarangalan ng gantimpalang Nobel sa Medisina. Ito ay si Harald zur Hausen ng Sentro ng Pananaliksik ng Kanser sa Alemanya para sa kanyang pagkakadiskubre ng mga human papilloma virus na nagiging sanhi ng kanser sa obaryo. At ang dalawa pa ay sina Francoise Barre-Sinoussi ng Yunit ng Pamamahala ng mga Impeksiyong Retroviral na nasa ilalim ng Departamento ng Virolohiya sa Institut Pasteur at si Luc Montagnier ng Pandaigdigang Pundasyon para sa Pananaliksik at Pagpigil ng AIDS. Si Barre-Sinoussi at Montagnier ang nakadiskubre ng human immunodeficiency virus.

Sa 10 milyong kronor, si Hausen ay nakatanggap ng limang milyong kronor, samantalang naghati sa limang milyong kronor sina Barre-Sinoussi at Montagnier.

Mga Laureado sa Panitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula noong 1901, umabot na sa 105 na katao ang nakatanggap ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan.

Nakuha ni Rabindranath Tagore ang gantimpala noong 1913.

Nitong 2008 ginawaran si Jean-Marie Gustave Le Clezio na taga Pransiya at Mauritius ng Gantimpalang Nobel. Ayon sa mga hurado si Le Clezio ay isang awtor (manunulat) ng bagong paglisan, malatulang pakikipagsapalaran, makamundong pagnanasa, at manlalakbay ng sankatauhan sa ilalim at lampas ng naghaharing sibilisasyon.

Mga Laureado sa Pangkapayapaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula noong taong 1901, umabot na sa 96 na katao at 20 samahan na ang nagawaran ng Gantimpalang Nobel.

Nitong 2008, si Martti Ahtisaari na taga-Finland ang binigyan ng mga hurado ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan. Ayon sa mga hurado si Ahtisaari ay napili sa gantimpala dahil sa 'kanyang mahalagang pagpupunyagi sa loob ng tatlong dekada at sa iba't ibang lupalop para ayusin ang mga sigalot'

Mga Laureado sa Agham-Pangkabuhayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi kasama sa orihinal na gantimpala ang Gantimpalang Nobel para sa Agham Pangkabuhayan. Sa totoo lang sinimulan lamang maggawad ng ganitong gantimpala noong taong 1969 na pinangunahan ng Sverige Riksbank bilang pag-alala kay Alfred Nobel ang unang bumuo ng Gantimpala. Magmula 1969 hanggang sa kasalukuyan halos 62 pa lamang na katao ang nabigyan ng ganitong gantimpala.

Nitong 2008, si Paul Krugman ng Pamantasang Princeton, sa Bagong Jersey ang nakatanggap ng gantimpala dahil sa kanyang analisis ng mga padron ng pakikipagkalakalan at lugar ng mga may kaganapang pangekonomiya.

[baguhin | baguhin ang wikitext]