Linyang Musashino
Linyang Musashino 武蔵野線 | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Lokasyon | Tokyo, Prepektura ng Kanagawa, Saitama at Chiba | ||
Hangganan | Fuchū-Hommachi Nishi-Funabashi | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1973 | ||
May-ari | JR East | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East, JR Freight | ||
Ginagamit na tren | Seryeng 205, Seryeng 209-500 EMU | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 100.6 km (62.5 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DK overhead catenary | ||
|
Ang Linyang Musashino (武蔵野線 Musashino-sen) ay isang linyang daangbakal na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Iniuugnay nito ang Estasyon ng Tsurumi sa Yokohama sa Estasyon ng Nishi-Funabashi sa Prepektura ng Chiba. May haba itong 100.6 km sa palibot ng gitnang Tokyo. Limitado ang bahaging may habang 71.8 km sa pagitan ng Fuchū-Hommachi at Nishi-Funabashi sa mga pasahero samantalang ang "Katimugang Linyang Musashino" na sa pagitan ng Tsurumi hanggang Fuchū-Hommachi ay ginagamit para sa mga kargamentong tren. Bahagi ang linyang ito sa "Tokyo Mega Loop" (東京メガループ) sa palibot ng Tokyo, na binubuo ng Linyang Keiyo, Linyang Musashino, Linyang Nambu, at Linyang Yokohama.[1]
Serbisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga lokal na tren ang kadalasang gumagamit ng Linyang Musashino. Tumutuloy naman ang ibang tren sa Linyang Keiyō na lumalagpas simula Nishi-Funabashi hanggang Tokyo, Minami-Funabashi o Kaihin-Makuhari.
Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinokonsidera na ang Estasyon ng Tsurumi ang pinagmulan ng Linyang Musashino; tinutukoy ang mga tren na papuntang Nishi-Funabashi na "pababa" (下り kudari), samantalang tinutukoy naman ang mga tren na papuntang Fuchū-Hommachi na "pataas" (上り nobori). Sa patuloy na pagtawag sa mga tren, naging resuta nito na ang mga tren papuntang Tokyo ay tinatawag at ibinibilang sa "pababang" tren habang nasa Linya ng Musashino; samantalang, tinataag na "pataas" ay ang mga tren na pumupunta sa Linyang Keiyō.
Nagsisimula sa Estasyon ng Fuchū-Hommachi ang mga pampasaherong tren.
Pampasaherong tren
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katimugang Linya ng Musashino (pangkargada)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangalan | Wikang Hapon | Layo (km) | Paglipat | Lokasyon | ||
---|---|---|---|---|---|---|
Sa pagitan ng estasyon |
Kabuuan | |||||
Tsurumi | 鶴見 | - | 0.0 | Linya ng Tōkaidō, Linyang Keihin Tohoku, Linyang Tsurumi, Linyang Pangkargada ng Tokaido, Linyang Pangkargada ng Takashima | Tsurumi-ku, Yokohama | Kanagawa |
Shin-Tsurumi Yard | 新鶴見信号場 | 3.9 | 3.9 | Linya ng Hinkaku, Linyang Nambu (para sa Shitte) | ||
Kajigaya Freight Terminal | 梶ヶ谷貨物ターミナル駅 | 8.8 | 12.7 | Miyamae-ku, Kawasaki | ||
Fuchū-Hommachi | 府中本町 | 16.1 | 28.8 | Linyang Musashino (papuntang Nishi-Kokubunji), Linyang Nambu | Fuchū | Tokyo |
Mga ginagamit na tren
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang binubuo ang Linyang Musashino ng seryeng 205 (seryeng 205-0 at seryeng 205-5000) at seryeng 209-500 na may waluhang bagon.[2] Ginawa ang seryeng 205-0 para sa Linyang Musashino na ginamit noong Disyembre 1, 1991,[1] at mayroon itong anim na demotor na bagon kada walong bagong serye.[2]
-
Seryeng 205-0 EMU, Hunyo 2006
-
Seryeng 205-5000 EMU, Hulyo 2014
-
Seryeng 209-500 EMU, Agosto 2011
Dating ginamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng 101-1000 EMU na may anim na bagon (Abril 1, 1973 - Oktobre 26, 1986)[1]
- Seryeng 103 EMU na may anim na bagon, na naging waluhang bagon kinalaunan (Hunyo 1980 hanggang Disyembre 8, 2005)[1]
- Seryeng 201 EMU na may anim na bagon (mula Marso 3, 1986)[1]
-
Seryeng 101 EMU
-
Seryeng 103 EMU, Mayo 2002
-
Seryeng 165 EMU (kanan), Agosto 2001
-
Seryeng 115-300 EMU, Marso 2004
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Saka, Masayuki (Agosto 2014). "東京メガループ 車両・路線の沿革と現況". Tetsudō Daiya Jōhō Magazine (sa wikang Hapones). Japan: Kōtsū Shimbun. 43 (364): p.28-39.
{{cite journal}}
:|page=
has extra text (tulong); Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 首都圏鉄道完全ガイド 主要JR路線編. Japan: Futabasha. 6 Disyembre 2013. p. 87-97. ISBN 978-4-575-45414-7.
{{cite book}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga estasyon sa Linyang Musashino (JR East) (sa Hapones)