Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Nagkakaisang Bansa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa
منظمة الأمم المتحدة (Arabe)
United Nations (Ingles)
Organización de las Naciones Unidas (Kastila)
Organisation des Nations unies (Pranses)
Организация Объединённых Наций (Ruso)
联合国/聯合國 (Tsino)
Watawat ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa منظمة الأمم المتحدة (Arabe) United Nations (Ingles) Organización de las Naciones Unidas (Kastila) Organisation des Nations unies (Pranses) Организация Объединённых Наций (Ruso) 联合国/聯合國 (Tsino)
Watawat
Sagisag ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa منظمة الأمم المتحدة (Arabe) United Nations (Ingles) Organización de las Naciones Unidas (Kastila) Organisation des Nations unies (Pranses) Организация Объединённых Наций (Ruso) 联合国/聯合國 (Tsino)
Sagisag
Mapa ng mga estadong kasapi ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa.
Mapa ng mga estadong kasapi ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa.
Punong-tanggapan760 United Nations Plaza, Bagong York, Estados Unidos (international territory)
Wikang opisyal
UriKatatágang intergubernamental
Katayuan193 estadong kasapi
2 estadong tagamasid
Pinuno
• Kalihim-Heneral
Portugal António Guterres
• Pangalawang Kalihim-Heneral
Niherya Amina J. Mohammed
Maldives Abdulla Shahid
Botswana Collen Vixen Kelapile
Itinatag
• UN Charter signed
26 Hunyo 1945 (79 taon na'ng nakalipas) (1945-06-26)
• Charter entered into force
24 Oktubre 1945 (79 taon na'ng nakalipas) (1945-10-24)
Websayt
un.org (General)
un.int (Permanent Missions)
Pinalitan
League of Nations

Ang Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila: Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilang mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations), at dinadaglat bilang KNB (Kastila: ONU; Ingles: UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa mundo. Ayon sa Karta nito, nilikha ito upang ipanatili ang kapayapaan at katiwasayang internasyonal, bumuo ng mga mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng mga bansa, makamit ang pandaigdigang kooperasyon upang lutasan ang mga suliranin sa mundo, at maging sentro para sa pagkakasundo ng mga aksyon ng mga bansa. Matatagpuan ang punong-tanggapan nito sa teritoryong ekstrateritoryal sa Lungsod ng Bagong York (Estados Unidos), at mayroong mga pangunahing tanggapan sa Hinebra (Suwisa), Nairobi (Kenya), at Viena (Austria).

Ang huling yugto ng mga sesyon ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ay pinagdiwang noong 10 Enero 1926 sa Central Hall Westminster sa Londres. Ang kanyang aktuwal na himpilan ay matatagpuan ngayon sa Lungsod ng New York. Ito ang sumunod sa yapak ng Liga ng mga bansa [2] (League of Nations), isang katatágan na nalikha taong 1910 noon namang Unang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan ng Tratado ng Versailles, "para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at makamit ang kapayapaan at seguridad". Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miyembro ng United Nations, maliban sa Lungsod ng Batikano, na isa lamang tagamasid, at ang Republika ng Tsina (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang katatágan ay mayroon 191 mga bansang kalahok.[1]

Isa sa mga bukod tanging nagawa ng United Nations ang pagproklama sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao noong 1948.

Ang Katatágan ng Nagkakaisang Bansa ay ang pinakaimportanteng poro para sa diplomasyang multilateral. Kasalukuyan nilang ginaganap ang Durban Review Conference sa Genegro, Switzenegger.

Punong-tanggapan ng UN sa Lungsod ng New York

Ang ideya sa likod ng United Nations ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo ng Estados Unidos na si Franklin Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations".

Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng bagong katatágan noong 25 Abril 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga pamahalaan, inimbitahan rin ang mga katatágang di-pampamahalaan. Noong Hulyo 26, nilagdaan ng kinatawan ng 50 bansang nasa kumperensiya ang Karta ng United Nations. Ang Poland, na walang kinatawan sa pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 Estado.

Ang tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng 24 Oktubre 1945, pagkatapos ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga permanenteng kasapi ng Kapulungang Panseguridad (ang Republika ng Tsina, Pransiya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika) kasama ang malaking mayoriya ng natitirang 46 na miyembro.

Sa katunayan, ang natatanging may veto sa mga desisyon ng katatágan ay itong limang permanenteng myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng Amerika, Federasyon ng Russia, Pransiya, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Republikang Bayan ng Tsina.

Ang mga tagapagtatag ng mga Nagkakaisang Bansya ay umaasa dito na maiiwasan ang mga bagong digmaan sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin natupad sa maraming pagkakataon. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak ng Berlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob ng tinatawag na Cold War ay nagpahirap sa pagkamit sa layunin nito, lalo pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto.[2]

Mga Wikang Tungkulanin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga United Nations ay may anim na wikang opisyal: Arabo, Espanyol, Ingles, Pranses, Ruso at Tsino. Halos lahat ng mga opisyal na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, at Espanyol.

Kaayusan ng Mga Nagkakaisang Bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
United Nations. Mga bansang may pinakamalaking partisipasyon sa talagugulan ng Organisasyon (2003)
Estados Unidos 22 %
Hapon 19.51 %
Alemanya 9.76 %
Pransiya 6.46 %
United Kingdom 5.53 %
Italya 5.06 %
Canada 2.55 %
Espanya 2.51 %
Brazil 2.39 %
Timog Korea 1.85 %
Netherlands 1.73%
Australia 1.62 %
Tsina 1.53 %
Switzerland 1.27 %
Rusya 1.20 %
Belgium 1.12 %
Mexico 1.08 %
Sweden 1.02 %

Ang mga organ ng mga Nagkakaisa Bansa ang mga sumusunod:

Ang Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa ay naitatag sa mga sumusunod:

Mga Programa at Organo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. UNHCR, Tanggapan ng Mataas na Lupon ng mga Bansang Nagkakaisa para sa mga Nanganganlong (United Nations High Commission for Refugees).
  2. ITC, Sentro ng Pandaigdigang Kalakalan (UNCTAD/WTO)
  3. WFP, Pandaigdigang Programa sa Pagkain.
  4. UN-Habitat, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pabahay (Human Settlements).
  5. UNDP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagunlad.
  6. UNDCP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagkontrol ng Droga.
  7. UNEP, Programa ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kapaligiran.
  8. UNCTAD, Kumperensiya ng mga Bansang Nagkakaisa tungkol sa Komersyo at Pagunlad.
  9. UNICEF, Pondo ng mga Bansang Nagkakaisa para sa mga Bata.
  10. UNIFEM, Pondo ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kababaihan.
  11. UNV, Mga Boluntaryo ng mga Bansang Nagkakaisa.

Iba pang organo ng mga Bansang Nagkakaisa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. UNHCHR, Tanggapan ng Mataas na Komisyon ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Karapatang Pantao.
  2. UNAIDS, Programa Konhunto ng mga Bansang Nagkakaisa tungkol sa HIV/AIDS.
  3. UNOPS, Tanggapan ng mga Bansang Nagkakaisa ng Serbisyo para sa mga Proyekto.
  4. UNSSC, Paaralang Superior ng Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa.
  5. UNU, Pamantasan ng mga Bansang Nagkakaisa

Mga Surian ng Pagsisiyasat at Kapasitasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. INSTRAW, Pandaigdigang Suriang Pagsisiyasat at Pagtuturo para sa Pagpapaunlad ng mga Babae
  2. UNICRI, Interrehiyonal na Suriang Pagsisiyasat ng Krimen at Katarungan ng Mga Bansang Nagkakaisa.
  3. UNIDIR, Suriang Pagsisiyasat ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagdidisarma.
  4. UNITAR, Surian ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Pagsisiyasat at Pagtuturo.
  5. UNRISD, Suriang Pagsisiyasat ng Mga Bansang Nagkakaisa para sa Panlipunang Pagpapaunlad.

Mga Komisyong Kumikilos

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Komisyon ng Agham at Teknolohiya para sa Pag-Unlad
  2. Komisyon sa Karapatang Pantao
  3. Komisyon para sa Panlipunang Pag-unlad
  4. Komisyon ng Estadistika
  5. Komisyon sa Kalagayang Panlipunan ng mga Babae
  6. Komisyon sa Populasyon at sa Pag-unlad
  7. Komisyon sa Pagsugpo sa Krimen at sa Katarungang Kriminal
  8. Komisyon sa mga Gamot Narkotiko

Mga komisyong pangrehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. CECE, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Europa.
  2. CEPA, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Aprika.
  3. CEPAL, Komisyong Ekonomiko ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Amerika Latina at sa Karibe.
  4. CESPAC, Komisyong Ekonomiko at Panlipunan ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Kanlurang Asya.
  5. CESPAP, Komisyong Ekonomiko at Panlipunan ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Asya at sa Pacipiko

Mga Katatágang Nakaugnay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. CTBTO, Katatágang Tratado para sa Komprehensibong Pagbabawal sa mga Gawaing Nukleyar.
  2. IAEA, Katatágang Pandaigdig ng Enerhiyang Atomika
  3. WTO, Katatágang ng Pandaigdigang Pangangalakal.
  4. OPAC, Katatagang para sa Pagbabawal ng mga Kimikong Armas.

Mga katatágang pantangi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. FAO, Katatágan ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura.
  2. IMF, Pandaigdigang Pondong Pananalapi.
  1. Pangkat ng Bangkong Pandaigdig
    1. IDA, Pandaigdigang Samahan sa Pagpapaunlad.
    2. IBRD, Pandaigdigang Bangko para sa Muling Pagsasaayos at Pagpapaunlad.
    3. IFC, Pandaigdigang Korporasyong Pananalapi.
    4. ICSID, Pandaigdigang Sentro para sa Pagsasaayos ng mga Pagtatalong Pampamuhunan.
  1. ICAO, Katatágang Pandaigdig ng Abyasyon Sibil
  2. ILO, Pandaigdigang Katatágan sa Paggawa.
  3. IMO, Pandaigdigang Katatágan Maritima.
  4. WMO, Katatágang Pandaigdig sa Meteorolohiya.
  5. WIPO, Katatágang Pandaigdig ng mga Pag-aaring Intelektwal.
  6. WHO, Pandaigdigang Katatágan sa Kalusugan.
  7. UNIDO, Pandaigdigang Katatágan ng Nagkakaisang Bansa para sa Pang-industriyang Pagpapaunlad.
  8. ITU, Unyong Pandaigdig ng Telekumunikasyon.
  9. UNESCO, Katatágan ng United Nations para sa Edukasyon, Agham, at Kultura.
  10. UPU, Unyong Pangkoreong Unibersal.

Kaugnay na pahina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
UN Press Release petsang 3 Hulyo 2006
  1. Juan Carlos Pereira. "Cuadernos del Mundo Actual: La ONU" (PDF) (pdf) (sa wikang Kastila). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  2. L’Office des Nations Unies à Genève. "Présentation générale de l'ONU" (PDF) (pdf) (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-12-22. Nakuha noong 2022-07-24. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

[[Kategorya:Mga laureado ng Gantimpalang Nobel]