Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Ailurus fulgens

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pulang Panda
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Superpamilya:
Pamilya:
Sari:
Ailurus

F. Cuvier, 1825
Espesye:
A. fulgens
Pangalang binomial
Ailurus fulgens
F. Cuvier, 1825
Mga sub-uri
  • A. fulgens fulgens
  • A. fulgens refulgens
  • A. fulgens styani
Nasasakupan ng pulang panda.

Ang pulang panda, kilala rin bilang apoy-soro (mula sa Ingles na firefox) at mas mababang panda (mula sa Ingles na lesser panda) ay isang mas nakalalamang na herbiborong mamalya. Mas natatanging nanginginain ito ng mga kawayan. Sa biyoholohiya, kilala ito bilang Ailurus fulgens, na nangangahulungang "makinang na pusa" o "pusang makintab". Ito lamang ang uring kabilang sa pamilyang Ailuridae. Mayroong dalawang kabahaging uri o sub-uri ito: ang Ailurus fulgens fulgens at ang Ailurus fulgens styani.

Karamihan sa mga inaalagaan at pinararami sa mga soong Hapones ang kabahaging uring Ailurus fulgens styani. Tinatawag silang pusang Oguma o pusang Syoukuma sa Hapon o 小熊貓 (xiǎo xìong māo) sa Tsina.

Bahagyang mas malaki ito kaysa isang domestikadong pusa (40 - 60 sm ang haba, 3 - 6 kg ang timbang). Endemiko ang pandang pula sa mga Himalaya sa Bhutan, katimugang Tsina, Pakistan, Indiya, Laos, Nepal, at Burma. Mayroon itong tinatayang populasyong mas kaunti kaysa 2,500 nasa gulang na mga indibidwal. Patuloy na bumababa ang kanilang bilang dahil sa pagliit at pagkakawatak-watak ng kanilang habitasyon o likas na tirahan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wang, X., Choudhry, A., Yonzon, P., Wozencraft, C. & Than Zaw (2008). Ailurus fulgens. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 27 Enero 2009.
  2. Kurpis, Lauren. "Endangered Species Profiles". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-26. Nakuha noong 2007-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)