Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Anguidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Anguidae
Anguis fragilis
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Infraorden:
Pamilya:
Anguidae
Genera

Anguis
Ophisaurus (glass lizards)
Pseudopus
Celestus
Diploglossus
Dopasia[1]
Ophiodes
Abronia
Barisia
Coloptychon
Elgaria
Gerrhonotus
Mesaspis

Ang Anguidae ay isang malaki at dibersong pamilya ng mga butiki na katutubo sa hilagaang hemispero. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga mabagal na uod, mga butiking salamin, at mga buwayang butiki. Ang Anguidae ay nahahati sa tatlong mga subpamilya at naglalaman ng 94 espesye sa walong henera. Ang mga ito ay may matitigas na osteoderm sa ilalim ng mga kaliskis nito at marami sa mga espesye nito ay may nabawasan o walang mga biyas o hita na nagbibigay sa mga ito ng isang hitsurang mukhang ahas. Gayunpaman, ang ilang mga espesye nito ay may buong mga hita. [2] Ang mga anguid ay karniboroso at insektiboroso at tumitira sa isang malawak na sanklay ng iba ibang mga habitat. Ito ay kinabibilangan ng mga espesyeng parehong mga nangingitlog at nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga espesye nito ay panlupain bagaman ang ilan ay umaakyat sa mga puno. [2] Ang mga anguid ay may isang relatibong mahusay na fossil rekord. Ang pinakamatandang alam na anguid ang Odaxosaurus na lumitaw sa Huling Campanian ng Canada na tinatayang mga 75 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga anguid ay relatibong karaniwang bilang mga fossil sa Huling Kretaseyoso at Paleohene ng kanluraning Hilagang Amerika. Ang Odaxosaurus at iba pang mga Huling Kretaseyosong anguid ay nagpapakita ng maraming mga katangian na matatagpuan sa mga nabubuhay na anguid tulad ng tulad ng pait na mga ngipin at mga platong armor sa balat na nagmumungkahi ng isang mahabang kasaysayang ebolusyonaryo para sa pangkat na ito. Ang mga anguid ay partikular na diberso sa panahong Paleoseno at Eoseno sa Hilagang Amerika. Ang ilang espesye gaya ng Glyptosaurus ay lumago sa isang malaking sukat at nag-ebolb ng isang mataas na espesyalisadong dumudurog na ngipin. Ang matagal na panahong fossil rekord para sa Anguidae sa Hilagang Amerika ay nagmumungknahing ang pangkat na ito ay malamang nag-ebolb sa Hilagang Amerika sa panahong Kretaseyoso bago ang pagkalat nito sa Europa sa panahong Paleohene.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Helodermoides tuberculatus fossil

Pamilyang ANGUIDAE

  • Subpamilyang Anguinae
    • Henus Anguis - Slow worms (2 species)
    • Henus Ophisaurus - Glass lizards (13 species)
    • Henus Pseudopus - Scheltopusik (1 species)
  • Subfamily Diploglossinae
  • Subfamily Gerrhonotinae - Alligator lizards
    • Henus Gerrhonotus (4 species) - Alligator lizards
    • Henus Abronia (27 species) - Arboreal alligator lizards

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. * Nguyen, T.Q. et al. 2011: Review of the Henus Dopasia Gray, 1853 (Squamata: Anguidae) in the Indochina subregion. Zootaxa, 2894: 58–68. Preview
  2. 2.0 2.1 Bauer, Aaron M. (1998). Cogger, H.G. & Zweifel, R.G. (pat.). Encyclopedia of Reptiles and Amphibians. San Diego: Academic Press. pp. 152–155. ISBN 0-12-178560-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)