Apyo
Apyo | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Apiales |
Pamilya: | Apiaceae |
Sari: | Apium |
Espesye: | A. graveolens
|
Pangalang binomial | |
Apium graveolens |
- Para sa ibang gamit, tingnan ang kintsay (paglilinaw).
Ang apyo (Kastila: apio, Ingles: celery) ay isang uri ng gulay.[1] Tinatawag din itong kintsay (Ingles: Chinese celery).[2] Sa agham, kilala ito bilang Apium graveolens, isang uri ng halamang nasa pamilyang Apiaceae. Daan-daantaon nang itinatanim, inaalagaan, at pinararami ang halamang ito, hindi katulad ng ibang mga halamang naging domestikado o alaga lamang sa tahanan nitong mga huling 200 hanggang 300 mga taon.[3] Tinatawag din itong seleri.[1]
Bilang halamang-gamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang tanyag at pangkaraniwang gulay, isa ring mahalagang halamang-gamot o yerba ang apyo o kintsay. Sa silanganing medisina, nilalarawan itong mapait na matabang ang lasa, isang katangiang nagiging sanhi ng pagiging may tubig o mamasamasa at nakapagpapalamig kaya't mainam sa pagtitimbang ng mga lutuing maaanghang at mainit sa panlasa. Isang halamang may bahagyang pagka-estimulante o nakapagpapasigla, nakabubusog, at nakapagpapabalik ng lakas sa mahinang katawan. Sa mga nakaraang panahon, itinatanim at pinatutubo ang apyo bilang gulay tuwing panahon ng tag-lamig at mga unang araw ng tag-sibol dahil na rin sa katangiang pang-alis ng mga dumi sa katawan. Isa itong tonikong nakapaglilinis makaraan ang tila pagtigil at paglungkot ng panahon kapag tag-lamig. Sa Pransiya, malawakang ginagamit ang katas ng mga buto ng apyo bilang pantanggal ng lamang ihi ng katawan. Ilan sa mga katangian nito ang pagiging panlaban sa rayuma, pampakalma (sedatibo), nakapagpapataas ng bilang ng mga nilalabas na asidong uriko, nakapagpapababa ng antas ng presyon ng dugo, panlaban sa mga tumutubong halamang-singaw, at karminatibo (pamawi ng kabag o hangin sa tiyan, pampadighay, at pampautot).[4]
Mainam ang mga buto ng apyo sa mga taong may sakit na piyo, tinatawag na gout o sa Ingles (ang gawt), isang uri ng karamdaman ng mga kalalakihan na kinakikitaan ng atake ng artritis o rayuma. Nagagawa ito ng apyo sapagkat nakapagpapaihi ito (diyuretiko), na nakakatulong sa pagtatanggal ng mga dumi o lason sa katawan, katulad ng mga namumuong mga kristalinang asidong uriko sa mga ugpungan ng mga buto o kasukasuan. Bagaman madalang nang gawin sa pangkasalukuyang gawi, mainam ding pampaihi ang mga ugat at iniinom para tanggalin ang mga tinatawag na mga namumuong batong urinaryo sa may daanan ng ihi ng katawan. Bagaman mapait nga, pampasigla rin ito ng tiyan at bituka. Mabisa itong pampasigla ng atay. Bagaman mas mahina kesa sa ibang bahagi ng halaman, nakapagpapasigla ng daloy ng gatas mula sa suso ng babaeng bagong panganak.[4]
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz) | |
---|---|
Enerhiya | 12 kcal (50 kJ) |
2.97 g (including fibre) | |
Asukal | 1.4 g |
Dietary fiber | 1.83 g |
0.17 g | |
0.69g | |
Bitamina | |
Bitamina A | (3%) 22 μg |
Thiamine (B1) | (2%) 0.021 mg |
Riboflavin (B2) | (5%) 0.057 mg |
Niacin (B3) | (2%) 0.32 mg |
Bitamina B6 | (6%) 0.074 mg |
Folate (B9) | (9%) 36 μg |
Bitamina C | (4%) 3.1 mg |
Bitamina E | (2%) 0.27 mg |
Bitamina K | (28%) 29.3 μg |
Mineral | |
Kalsiyo | (4%) 40 mg |
Bakal | (2%) 0.2 mg |
Magnesyo | (3%) 11 mg |
Posporo | (3%) 24 mg |
Potasyo | (6%) 260 mg |
Sodyo | (5%) 80 mg |
Sinc | (1%) 0.13 mg |
Iba pa | |
Tubig | 95 g |
Ang mga bahagdan ay pagtataya gamit ang US recommendations sa matanda. |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ English, Leo James (1977). "Kintsay". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Daniel Zohary at Maria Hopf, Domestication of plants in the Old World, ikatlong edisyon (Palimbagan ng Pamantasang Oxford, 2000), p.202.
- ↑ 4.0 4.1 Ody, Penelope (1993). "Apium graveolens, celery". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Gulay at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.