Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Druid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dalawang lalaking druid at isang druidesa.

Ang druid ay isang kasapi ng mga klase ng pari at maalam na mga tao sa mga lipunan ng sinaunang Seltiko bago pa sumapit ang panahon ng Kristiyanismo. Ayon sa mga alamat ng Gales at Irlanda, ang mga paring ito ng sinaunang Gaul at Britanya]] ay mga propeta at mga mangkukulam.[1] Ang mga lipunang Seltiko ay umiiral sa karamihan ng Kanlurang Europa, Gran Britanya, at Irlanda, hanggang sa mapangibabawan ang mga ito ng pamahalaan ng sinaunang Roma, at sa paglaon ng pagsapit ng Kristiyanismo. Ang mga druid ay bahagi ng mga kultura ng mga taong may tribo na tinatawag na "Keltoi" (Κέλτοι) o "Keltai" (Κέλται) a "Galatai" (Γαλάται) ng sinaunang mga Griyego at "Celtae" at "Galli" ng sinaunang mga Romano. Ang mga salitang ito ay naging "Celtic", "Gaulish", at "Galatian" sa makabagong wikang Ingles. Sa mga pamayanang pinaglilingkuran nila, ang mga druid ay nagsama-sama ng mga tungkuling pampari, arbitrador, manlulunas, manggagamot, iskloar o dalubhasa, at mahistrado. Kapwa nagsisilbi bilang mga druid ang mga lalaki at mga babae, bagaman walang maagang pruweba ng babaeng mga druid o mga druidesa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Druid - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.