Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Mga Bisaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga
Bisaya
Kabuuang populasyon
33,463,654
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Visayas, malalaking bahagi ng Mindanao, ang mga ibang bahagi ng Pilipinas at mga komunidad sa ibayong dagat
Wika
Cebuano, Hiligaynon, Kinaray-a, Waray,
Mga wikang Bisaya,
Tagalog, Ingles, Kastila, atbp.
Relihiyon
Kristiyanismo: 92% Romano Katoliko, 2% Aglipayano, 1% Ebangelikal, nalalabing 5% ay kabilang sa Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas, Iglesia ni Cristo, 1% Sunni Islam, Animismo, atbp.[1]
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga ibang Pilipino
Mga taga-Sulawesi

Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat-etnikong Pilipino. Pangunahin na naninirahan sa Kabisayaan, mga timugang kapuluan ng Luzon, at maraming bahagi ng Mindanao. Sila ang pinakamalaking pangkat-etniko sa paghahating heograpikal ng bansa kung ituturing bilang iisang pangkat, na bumibilang ng halos 33.5 milyon. Malawakang nakikibahagi sila ng kulturang pandagat na may malakas na tradisyon ng Romano Katoliko na pinagsamahan sa mga elemento ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga siglo ng pakikipag-ugnay at kapwa pandarayuhan lalo na sa mga dagat ng Kabisayaan, Sibuyan, Camotes, Bohol, at Sulu; at sa mga iilang liblib na lugar ay pinagsamahan sa mga sinaunang impluwensyang animistiko-politeyistiko (hal. Katutubong Katolisismo). Karamihan ng mga Bisaya ay nagsasalita ng isa o higit pang mga wikang Bisaya, ang pinakasinasalita rito ang Sebwano, kasunod ng Hiligaynon (Ilonggo) at Waray-Waray.[2]

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tumutukoy ang Kabisayaan (Sebwano: Kabisay-an) sa mga Bisaya bilang isang pangkat at ang kanilang mga tinatahanang kapuluan mula noong sinaunang panginoon. Karaniwang ginagamit ang isinaingles na salitang Visayas (mula sa isinakastilang Bisayas) upang tumukoy sa ikalawa sa mga ito.

Sa Hilagang Mindanao, tinutukoy rin ang mga Bisaya (kapwa katutubo sa Mindanao at dayuhan) ng mga Lumad bilang dumagat ("taong-dagat", na hindi dapat ipagkamali sa Dumagat Aeta). Ito ay upang mabukod ang mga Bisayang nakatira sa baybayin sa mga Lumad ng mga panloob na paltok at latian.[3]

Ang mga sumusunod na rehiyon at lalawigan sa Pilipinas ay may malaki o nangingibabaw na populasyong Bisaya:

Mga rehiyon at lalawigan na may makabuluhang populasyon ng mga Bisaya
Mimaropa at Bicol Kanlurang Kabisayaan Gitnang Kabisayaan Silangang Kabisayaan Tangway ng Zamboanga Hilagang Mindanao Rehiyon ng Caraga Rehiyon ng Davao Soccsksargen

Ayon kay H. Otley Beyer at mga ibang antropologo, ang salitang Visayan (Tagalog: Bisaya, Kastila: bisayo) ay dating tumutukoy lamang para sa mga tao ng Panay at kani-kanilang mga tirahan pasilangan ng isla ng Negros, at pahilaga sa mga maliliit na isla, na bumubuo ngayon sa lalawigan ng Romblon. Sa katunayan, noong unang bahagi ng kolonisasyong Kastila ng Pilipinas, ginamit ng mga Kastila ang salitang Bisaya para lang sa mga lugar na ito,[4] habang kilala lamang ang mga tao ng Cebu, Bohol, at kanlurang Leyte sa mahabang panahon bilang mga Pintados.[5]

Mula kaliwa pakanan: [1] Mga larawan mula sa Boxer Codex na naglalarawan ng sinaunang magkasintahang Bisaya na kadatuan o tumao (marangal na klase) ng Panay, [2] ang mga Pintados ("Ang Nakatatu"), isa pang pangalan para sa mga Bisaya ng Cebu at kanyang pumapaligid na isla ayon sa mga unang konkistador, [3] marahil isang tumaong (marangal na klase) o timawang (klase ng mandirigma) magkasintahan ng Pintados, at [4] isang maharlika ng mga Bisaya ng Panay.

Kalaunan, ang pangalang Bisaya ay pinalawig sa kanila noong mga simula ng dekada 1800 dahil, ayon sa mga isinulat ng mga unang manunulat (lalo na sa mga sulat ni Hesuita Lorenzo Hervás y Panduro na inilathala noong 1801),[6] kahit na mali, ang kanilang mga wika ay magkatulad sa Bisayang "diyalekto" ng Panay. Sa katunayan, maingat na sinuri ang palagay ng ganitong pagkakapareho ni David Zorc, na habang nakapag-uri ayon sa lingguwistika ang subpamilyang Austronesyo na tinawatag na mga wikang Bisaya, ay nakapansin ng kanilang kabuuang koneksyon bilang isang kontinuum ng diyalekto. Gayunpaman, hindi dapat ipagkamali ang mga ito bilang mga diyalekto, dahil sa kakulangan ng kapwa pagkakaintindihan.[7]

Ibinukod din ni Grabiel Ribera, kapitan ng impanterya real ng Kastila sa mga Kapuluan ng Pilipinas, ang Panay mula sa natitirang bahagi ng mga Kapuluang Pintados. Sa kanyang ulat (pinetsang 20 Marso 1579) tungkol sa kampanya upang magpatahimik sa mga katutubong nakatira sa mga ilog ng Mindanao (isang misyon na natanggap niya mula kay Dr. Francisco de Sande, Gobernador at Kapitan-Heneral ng Kapuluan), sinabi ni Ribera na ang kanyang layunin ay gawin ang mga nananahan ng pulong iyon bilang "mga kampon ni Haring Don Felipe ... tulad ng lahat ng mga katutubo sa isla ng Panay, Kapuluang Pintados, at ng mga isla ng Luzon ..."[8]

Panahong Klasikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Paglalarawan noong ika-17 siglo ng Espanyang joangan mula sa Historia de las islas e indios de Bisayas (1668) ni Francisco Ignacio Alcina[9]

Unang nakaenkwentro ang mga Bisaya ng Kanluraning Sibilasyon noong dumating si Ferdinand Magellan, isang Portuges na manggagalugad, sa pulo ng Homonhon, Silangang Samar noong 1521.[10] Naging bahagi ang Kabisayaan ng kolonyang Kastila ng Pilipinas at naging magkaugnay ang kasaysayan ng mga Bisaya sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa tatlong siglo ng pakikipag-ugnayan sa Imperyong Kastila sa pamamagitan ng Mehiko at Estados Unidos, nakikibahagi ang mga kapuluan ngayon sa isang kultura[11] na konektado sa dagat[12] na kalaunan ay nabuo mula sa paghahalo ng mga impluwensya ng katutubong Bisaya ng kapatagan, Tsinong Han, Indyano, Hispaniko, at Amerikano.

Pananakop ng mga Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtakda ang ika-16 na siglo sa pasimula ng Pagsasakristiyano ng mga Bisaya, noong binyag ni Raha Humabon at halos 800 katutubong Sebwano. Ginugunita ang Pagsasakristiyano ng mga Bisaya at Pilipino sa pangkalahatan, sa pamamagitan ng Pistang Ati-Atihan ng Aklan, Pistang Dinagyang ng Iloilo, at kapistahang Sinulog ng Santo Niño de Cebu, ang kayumangging paglalarawan ng batang Hesus na ibinigay ni Magellan sa asawa ni Raha Humabon, Hara Amihan (bininyagan bilang si Reyna Juana). Pagsapit ng ika-17 siglo, nakilahok na ang mga Bisaya sa mga relihiyosong misyon. Noong 1672, kapwa pinaslang si Pedro Calungsod, isang binatilyong katutubong Bisayang katekista, at Diego Luis de San Vitores, isang Kastilang prayle, sa Guam noong kanilang misyon upang ipangaral ang Kristiyanismo sa mga Chamorro.[13]

Mga tagaigib ng tubig sa Iloilo, s. 1899

Sa katapusan ng ika-19 na siglo, humina ang Imperryong Kastila pagkatapos ng mga serye ng digmaan laban sa kanyang mga Amerikanong kolonya. Pinaunlad ng pagbugso ng mga makabagaong ideya mula sa kabihasnan salamat sa liberisasyon ng kalakal ng Espanyang Bourbon ang medyo mas malaking populasyon ng nakiririwasa na tinatawag na mga Ilustrado o "mga Naliwanagan." Kalaunan, naging insentibo ito para sa bagong henerasyon ng mga edukadong tagapangitain sa pulitika upang tuparin ang kanilang mga pangarap ng kalayaan mula sa tatlong siglo ng pamamahalang kolonyal. Bisaya ang mga iilang kilalang pinuno ng Himagsikang Pilipino sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Kabilang sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda si Graciano López Jaena, ang Ilonggo na nagtatag ng La Solidaridad (Ang Pagkakaisa), isang propagandistang publikasyon. Sa Bisayang teatro ng Himagsikan, namuno si Pantaleón Villegas (mas kilala bilang si León Kilat) ang himagsikang Sebwano sas Labanan ng Tres de Abril (Abril 3). Ang isa sa kanyang mga kahalili, si Arcadio Maxilom, ay isang tanyag na heneral sa pagsasakalayaan ng Cebu.[14] Kaagahan sa 1897, nakipaglaban ang Aklan sa mga Kastila, na sina Francisco Castillo at Candido Iban ang nasa timon. Kapwa silang pinatay pagkatapos ng nabigong pagsalakay.[15] Namuno sina Martin Delgado at Juan Araneta sa himagsikan sa kapitbahay na Iloilo. Nang may tulong ni Aniceto Lacson, pinalaya ang Negros Occidental habang pinalay ang Negros Oriental ni Diego de la Viña. Tatawagin ang ikalawa bilang Himagsikang Negros o ang Cinco de Noviembre.[16] Namuno ang mga kilusan sa Capiz ni Esteban Contreras nang may tulong ni Alejandro Balgos, Santiago Bellosillo at mga iba pang Ilustrado.[17][18] Samantala, pinangunahan ni Leandro Locsin Fullon ang pagsasakalayaan ng Antique.[19] Karamihan ng mga rebolusyonaryo ang magpapatuloy sa laban ng kalayaan hanggang Digmaang Pilipino–Amerikano. Nagkaroon din ng di-ganoong narinig at panandaliang paghihimagsik na tinatawag na Himagsikang Igbaong na naganap sa Igbaong, Antique na hinantong nina Maximo at Gregorio Palmero. Gayunpaman, naganyak itong paghihimagsik ng sekularismo dahil humiyaw sila para sa mas sinkretikong anyo ng relihiyon batay sa mga Bisayang tradisyong animista at Kristiyanismo.[20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Central Visayas: Three in Every Five Households had Electricity (Results from the 2000 Census of Population and Housing, NSO)". National Statistics Office, Republic of the Philippines. Hulyo 15, 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2012. Nakuha noong Setyembre 4, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lifshey, A. (2012), The Magellan Fallacy: Globalization and the Emergence of Asian and African Literature in Spanish, Ann Arbor, MI: University of Michigan Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Oona Paredes (2016). "Rivers of Memory and Oceans of Difference in the Lumad World of Mindanao". TRaNS: Trans-Regional and -National Studies of Southeast Asia. 4 (Special Issue 2 (Water in Southeast Asia)): 329–349. doi:10.1017/trn.2015.28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. G. Nye Steiger, H. Otley Beyer, Conrado Benitez, A History of the Orient, Oxford: 1929, Ginn and Company, pp. 122–123.
  5. "... and because I know them better, I shall start with the island of Cebu and those adjacent to it, the Pintados. Thus I may speak more at length on matters pertaining to this island of Luzon and its neighboring islands..." BLAIR, Emma Helen & ROBERTSON, James Alexander, eds. (1903). The Philippine Islands, 1493–1803, Volume 05 of 55 (1582–1583), p. 35.
  6. Cf. Maria Fuentes Gutierez, Las lenguas de Filipinas en la obra de Lorenzo Hervas y Panduro (1735-1809) in Historia cultural de la lengua española en Filipinas: ayer y hoy, Isaac Donoso Jimenez,ed., Madrid: 2012, Editorial Verbum, pp. 163-164.
  7. Zorc, David Paul. The Bisayan Dialects of the Philippines: Subgrouping and Reconstruction. Canberra, Australia: Dept. of Linguistics, Research School of Pacific Studies, Australian National University, 1977.
  8. Cf. BLAIR, Emma Helen & ROBERTSON, James Alexander, eds. (1911). The Philippine Islands, 1493–1803. Volume 04 of 55 (1493–1803). Historical introduction and additional notes by Edward Gaylord BOURNE. Cleveland, Ohio: Arthur H. Clark Company. ISBN 978-0-554-25959-8. OCLC 769945704. "Explorations by early navigators, descriptions of the islands and their peoples, their history and records of the catholic missions, as related in contemporaneous books and manuscripts, showing the political, economic, commercial and religious conditions of those islands from their earliest relations with European nations to the beginning of the nineteenth century.", pp. 257–260.
  9. Francisco Ignacio Alcina (1668). Historia de las islas e indios de Bisayas.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bernad, Miguel (2002). "Butuan or Limasawa? The site of the first mass in the Philippines: A reexamination of the evidence". 3 (6). Budhi: 133–166. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2014. Nakuha noong 17 Abril 2014. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Cebu Daily News (2009-02-26). "One Visayas is here!". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 16, 2009. Nakuha noong 2013-12-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Nath Hermosa (2011-08-24). "A Visayan reading of a Luzon artifact". Nakuha noong 2013-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Medina, A.; Pulumbarit V. (18 Oktubre 2012). "A primer: Life and works of Blessed Pedro Calungsod". Nakuha noong 18 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. The War against the Americans: Resistance and Collahoration in Cebu RB Mojares – 1999 – Quezon City: Ateneo de Manila University Press
  15. Panubilon (12 Hunyo 2003). "Aklan". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2012. Nakuha noong 8 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Go Dumaguete! (2009). "A brief history of Negros Occidental". Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2012. Nakuha noong 8 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Clavel, Leothiny (1995). "Philippine Revolution in Capiz". Diliman Review. 43 (3–4): 27–28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Funtecha, H. F. (15 Mayo 2009). "The great triumvirate of Capiz". The News Today. Nakuha noong 8 Setyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. [1] Naka-arkibo March 21, 2013, sa Wayback Machine.
  20. Funtecha, Henry (16 Mayo 2007). "The Babaylan-led revolt in Igbaong, Antique". The News Today. Nakuha noong 8 Setyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)