Kartilya NG Katipunan
Kartilya NG Katipunan
Kartilya NG Katipunan
The Katipunan was for a long time, best remembered by school children in Gregorio F. Zaide’s history
textbook, for the so-called August 26, 1896 Cry of Balintawak—made momentous and dramatic by the
mass tearing of cedulas personal. Other historians like Teodoro Agoncillo, later challenged this claim (his
version was August 23, 1896 at Pugad Lawin), and soon, as other accounts surfaced, the date and place of
its actual occurrence became a national controversy.
But the Katipunan was not just a cry for freedom. It was a national aspiration made flesh. It caught the
passion of ordinary people, willing to stake their lives and overcome the dread of reprisals; believing that
worse fate awaited their families if they did not stand up to face their oppressors. It was a secret society that
had a formal hierarchy composed of a supreme council and local councils, and a ritual of membership often
mistaken for Masonry. Moreover, it had an ideology embodied in its Ang Kartilya ng Katipunan, authored
by Emilio Jacinto.
It was Andres Bonifacio who first formulated a code of conduct and to whom the Dekalogo ng
Katipunan was attributed. But it was not published; instead, it was said that upon reading the Kartilya
drafted by Jacinto, Bonifacio decided that it was superior to his Dekalogo, and adopted it as the official
primer of the Katipunan. Emilio Jacinto, then became the chief theoretician and adviser of Bonifacio and
later earned for him the title Brains of the Katipunan. Joining the Katipunan in 1894, he was the youngest
member and nicknamed, according to historian Dr Isagani R. Medina (1992), Emiliong Bata to distinguish
him from Emiliong Matanda, or Emilio Aguinaldo.
The Dekalogo had only ten points and dealt primarily with one’s duties to God, country, family,
neighbor, the Katipunan and himself. It spoke of honor, charity and self-sacrifice but warned of penalty to
the traitor and disobedient.
The Kartilya was longer, more literary and philosophical. It presented its concept of virtuous living as
lessons for self reflection, rather than as direct prescriptions. It asserted that it was the internal, not the
external qualifications that make human greatness. In the third statement, Jacinto defined true piety
(kabanalan) as charity, love for one another, and actions, deeds and speech guided by judicious reasons
(“talagang katuiran”, literally, true reason). Written more than a hundred years ago at a time when the idea
of nationhood was still a dream, the Kartilya reflected a vision, “bright sun of freedom in the islands,
spreading its light upon brothers and a race united.”
The Kartilya can be better appreciated in its original Tagalog form because its essence was expressed
using Tagalog syntax. It should also be appreciated within the context of the social and political
environment of that colonial era, amid local traditions, spiritual beliefs, family concepts and ethnic
diversity.
The Katipunan was founded by Andres Bonifacio and their goal was to unite and prepare the people for
an armed conflict in order to liberate the country from the tyranny of the Spaniards. The moral & civic
objective of the Katipunan revolved around the teachings of good manners, hygiene, good morals,
self-help and defense of the poor and oppressed. The Kartilya made by the Katipunan are:
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang 1. The life that is not consecrated to a lofty and
malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na reasonable purpose is a tree without a shade, if
walang lilim, kundi damong makamandag. not a poisonous weed.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa
pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang 2. To do good for personal gain and not for its
nasang gumawa ng kagalingan, ay di own sake is not virtue.
kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang
3. It is rational to be charitable and love one's
pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at
fellow creature, and to adjust one's conduct,
ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
acts and words to what is in itself reasonable.
pangungusap sa talagang Katuiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat,
4. Whether our skin be black or white, we are
lahat ng tao’y magkakapantay;
all born equal: superiority in knowledge, wealth
mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa
and beauty are to be understood, but not
yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa
superiority by nature.
pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang
puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na 5. The honorable man prefers honor to personal
kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa gain; the scoundrel, gain to honor.
puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. 6. To the honorable man, his word is sacred.
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay 10. On the thorny path of life, man is the guide
siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung of woman and the children, and if the guide
ang umaakay ay tungo sa sama, ang leads to the precipice, those whom he guides
patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din. will also go there.
11. Ang babai ay huag mong tignang isang 11. Thou must not look upon woman as a mere
bagay na libangan lamang, kundi isang plaything, but as a faithful companion who will
katuang at karamay sa mga kahirapan nitong share with thee the penalties of life; her
kabuhayan; gamitan mo ng buong (physical) weakness will increase thy interest in
pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at her and she will remind thee of the mother who
alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa bore thee and reared thee.
iyong kasangulan.
12. What thou dost not desire done unto thy
12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo,
wife, children, brothers and sisters, that do not
anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa
unto the wife, children, brothers and sisters of
asawa, anak, at kapatid ng iba.
thy neighbor.
13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa 13. Man is not worth more because he is a king,
pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng because his nose is aquiline, and his color
mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios white, not because he is a *priest, a servant of
wala sa mataas na kalagayan sa balat ng God, nor because of the high prerogative that
lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit he enjoys upon earth, but he is worth most who
laking gubat at walang nababatid kundi ang is a man of proven and real value, who does
sariling wika, yaong may magandang asal, good, keeps his words, is worthy and honest; he
may isang pangungusap, may dangal at puri; who does not oppress nor consent to being
yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong oppressed, he who loves and cherishes his
marunong magdamdam at marunong fatherland, though he be born in the wilderness
lumingap sa bayang tinubuan. and know no tongue but his own.
14. Paglaganap ng mga aral na ito at
14. When these rules of conduct shall be known
maningning na sumikat ang araw ng mahal
to all, the longed-for sun of Liberty shall rise
na Kalayaan dito sa kaabaabang
brilliant over this most unhappy portion of the
Sangkalupuan, at sabugan ng matamis
globe and its rays shall diffuse everlasting joy
niyang liwanag ang nangagkaisang
among the confederated brethren of the same
magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng
rays, the lives of those who have gone before,
walang katapusan, ang mga ginugol na
the fatigues and the well-paid sufferings will
buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y
remain. If he who desires to enter (the
labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y
Katipunan) has informed himself of all this and
mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala
believes he will be able to perform what will be
niyang matutupad ang mga tutungkulin,
his duties, he may fill out the application for
maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod
admission.
nito.
"Nang matapos ang masayang pagpapaalaman, ang Supremo at mga kasamahan, ay sumama na sa
Pamunuan ng Magdiwang. Gayon na lamang ang karingalan at kasayahang naghari sa pagsalubong na
ginawa ng mga bayang kanilang pinagdaanan. Sa hanay na may siyam na kilometro ang haba, mula sa
Noveleta, hanggang sa San Francisco Malabon, ang lahat halos ng mga bahay ay may mga palamuting
balantok na kawayang kinaskas at pinalamutihan ng sari-saring watawat, tanda ng maringal na pagsalubong
at maligayang bati sa dakilang panauhin.
Isang kilometro pa lamang ang agwat bago dumating sa kabayanan ng San Francisco de Malabon, ang
Supremo Andres Bonifacio, sinalubong agad ng isang banda ng musika at nang nasa pintuan na ng
simbahan at nirupiki ng gayon na lamang ang kampana.
Ang malalaking aranya at dambana sa loob ng simbahan ay pawang may sindi ng ilaw. At ang kurang
Tagalog na si Padre Manuel Trias, saka ang "Pallo," ay naghihintay naman sa mga panauhin sa pintuan ng
simbahan, at pagkatapos ay kumanta ng Te Deum, hanggang sa dambana na kaakbay ang mga panauhin.
Pagkatapos ng ganyang parangal sila'y itinuloy sa bahay ni Binibining Estefania Potente.
Isang paglalarawan kay Bonifacio bilang "Ang Haring Bayan". Sulat kamay mismo ni Bonifacio ang titolo
at lagda na hango sa "Acta de Tejeros"
Kinabukasan naman, ang Gabinete ng Pamahalaang Magdiwang, ang gumanap ng kanilang malaon nang
inihandang pagpaparangal sa pamamagitan ng isang kapasiyahan na pagkalooban ang dakilang panauhin,
Supremo Andres Bonifacio, ng pinakamataas na tungkulin sa taguring HARING BAYAN. Sa ganito'y
lubusan nang mabubuo ang pamunuan ng nasabing Sanggunian na dati-rati'y wala ng tungkuling ito at
pansamantala lamang nanunungkulan sa pagka Vi Rey, si Heneral Mariano Alvarez.
Ang buong Pamunuan ng kanilang Sanggunian, ay magagarang kasuotan kung nangagpupulong. Simula sa
HARING BAYAN, hanggang sa kahuli-hulihang Ministro at Capitan General, ay may mga bandang pulang
ginintuan nakasakbat sa kani-kanilang balikat. Kung minsan sa kanilang paglalakad, ay nakasuot pa rin ang
nasabing banda upang makilala ang kanilang katayuan marahil.
Lubhang masaya sila parati, palibhasa'y ang labing-dalawang bayan na kanilang nasasakupan ay di
naliligalig sa anumang laban. Sila'y naliliskub halos ay nanga sa likuran ng mga bayang maliligalig tuwina
ng Pamahalaang Magdalo.
Nang matapos ang ilang araw na parangal sa Supremo at mga kasama, dinalaw nilang lahat ang labing-
dalawang bayang nasasakupan nila bilang paghahanda sa gagawing pagpipisan ng dalawang Sangguniang
Magdiwang at Magdalo. Nangagtalumpati sila at anangaral ng pagka-makabayan at iba pang makagising-
damdaming pangungusap ukol sa kalayaan. Sabihin pa, ang galak ng mga taong bayan, kaya't gayon na
lamang karingal ang pagtanggap sa kanila at para bang isang HARING BAYAN nga ang dumating. Ang
mga daan ay pawang binalantukan, may banda ng musika at panay ang hiyawan ng "Viva Tagalog,"
magkabi-kabila. Ang mga kampana'y halos mabasag sa pagrurupiki sa mga simbahan niyang
pinatutunguhan, may mga dapit pa ng cereales at awit ng Te Deum.
Sa kabilang dako naman, sa gitna ng gayong di magkamayaw na kasayahan at paghdiriwang, ang walong
bayang nasa Pamahalaan ng Magdalo. ay laging nagigimbal araw at gabi ng paghanap sa kalaban sa mga
hanay ng Zapote, Almanza, San Nicolas, Bakood, Arumahan, Pintong Bato, at Molino sa bayan ng Bakoof,
at kasakit-sakit sabihin na sa masamang pagkakataon, ang mga kalaban ay nakalusot tuloy nang di
napapansin sa kabilang ilog ng Zapote, dahil sa puyat at pagod ng ating mga kawal.
Gayon man ang matatapang nating sandatahan sa ilalim ng mando ni Heneral Mariano Noriel at Heneral
Pio del Pilar, ay agad-agad dinaluhong ang mga kalaban, kaya't putukan at tagaang katakut-takot ang
naghari pagkatapos. Sa wakas, muli na namang nagtagumpay ang ating mga kawal, at ang Ilog Zapote ay
muling namula sa dugo ng mga kalaban. Ganyan nang ganyan ang nangyayari parati sa buong hanay ng
aming labanan."
"Hindi ko pa nasasagot ang kanilang pakay sa akin, agad-agad ay isinalaysay sa akin ang mga sumusunod
na pangyayari sa halalan:
Dalawa lamang kandidato ang napaharap, at ito'y ang Supremo Andres Bonifacio at si Heneral Emilio
Aguinaldo. Pagkatapos ng halalan ay lumabas noon din at ipinasiya ng Kapulungan sa pamamagitan ng
Supremo Andres Bonifacio, na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang siyang pinagkaisahan at pinagbotohang
maging Kataas-taasang Puno o taga-Pangulo ng Manghihimagsik.
Nagtaka sila diumano kung paano nangyari, na ang Supremo Andres Bonifacio na siyang nagpahanda ng
nasabing pag-iisa at siya pang pangulo sa nasabing pulong, ay kung bakit ako ang inihalal ng karamihan
laban sa Supremo Andres Bonifacio.
Isinunod ang tungkuling Vice-Presidente. Ang Supremo Andres Bonifacio, ay muling ikinandidato, subalit
tinalo siya ng kanya ring Ministro de Gracia y Justicia, na si Heneral Mariano Trias, at noon din ay ginawa
ang proklamasyon.
Isinunod ang tungkuling Kapitan Heneral, ay nagtunggali naman ang dating Kapitan Santiago Alvarez,
anak ni Virey Mariano Alvarez, at si Heneral Artemio Ricarte, isang Ilocano. Bagama't tumutol si Heneral
A. Ricarte sa pagkakahalal sa kanya, dahil diumano sa kawalan niya ng kaya sa gayong tungkulin, ay
iniurong din niya pagkatapos nang hindi tanggapin ng mesa. Isinunod dito ang proklamasyon sa kanya.
Sa paka-Secretario de Guerra, ang Supremo Andres Bonifacio ay muli na namang ikinandidato, at ang
nakatunggali niya ay si Heneral Emiliano Riego de Dios, na kanya ring Ministro de Fomento sa
Sangguniang Magdiwang. Natalo na naman ang Supremo, at ito ang ikatlong pagkagapi niya sa halalan.
Sa pagka-Secretario de Interior, ay muli na namang ipinasok na kandidato ang Supremo Andres Bonifacio
at ang kanyang kalaban ay ang dalawa niyang Ministro sa Magdiwang na sina Ginoong Severino de las
Alas at Ginoong Diego Mojica. Sa halalang ito'y nagtagumpay ang Supremo Andres Bonifacio, at kagaya
ng kaugalian ay ipinasiya na siya ang nahalal at dahil dito ay binati sa kanyang tagumpay.
Subali't pagkatapos na pagkatapos na maipasiya ng Asamblea ang kanyang tagumpay ay biglang tumindig
at sumalungat sa pagkahalal sa kanya si Heneral Daniel Tirona, at sinabing; "Hindi nababagay sa Supremo
Andres Bonifacio, ang tungkuling nasabi, pagka't hindi siya abogado, at ang bagay rito'y ang Abogado Jose
del Rosario, na taga Tanza."
Dito nagmula ang gulo ng Kapulungan, subalit wala namang sinumang pumangalawa kay Heneral Tirona,
kaya't wala ring kabuluhan ang nasabing pagtutol. Gayon man, sa sama yata ng loob ng Supremo kay
Heneral Daniel Tirona, ay agad-agad siyang tumindig at sinabi ang ganito: "Hindi baga bago tayo
nagpulong ay pinagkaisahan natin na sinuman ang lumabas o mahalal sa Kapulungang ito, ay ating
susundin at igagalang ng lahat?"
"Kung gayon" - patuloy niya, "Bakit nang ako ang napahalal ay may tumututol?
At sa di mapigil na sama ng loob ng Supremo, ay agad binunot ang kanyang rebolber at anyong
papuputukan si Heneral Daniel Tirona, sa gitna ng di magkamayaw na gulong naghari. Salamat na lamang
at napigil ni G. Jacinto Lumbreras at ni Heneral Artemio Ricarte, ang masamang tangka ng Supremo. Si
Heneral Tirona naman ay maliksing nakapagtago at nagsuut-suot sa kakapalan ng mga Asemblesista kaya
hindi natuloy ang pagtudla sa kanya.
Palibhasa'y hindi yata mapigilan ng Supremo ang sama ng loob, bakit maikatlo pang natalo sa halalan,
bagama't napayapa ang gusot at tahimik na ang lahat, pagdaka'y tumindig siya at sinabi sa kapulungan ang
ganito:
Sa ganyang pangyayari, ay naligalig sandali ang kapulungan, ngunit biglang tumahimik nang ang delegado
ng lalawigang Batangas, na si Koronel Santiago Rillo, na kumakatawan sa may 2,000 manghihimagsik, ay
nagtindig at isinigaw sa Supremo na huwag siyang umalis, pagka't proklamado na siya sa pagka-Secretario
de Interior, bukod sa ang mungkahi ni Heneral D. Tirona, laban sa kanya ay wala sa orden, pagka't walang
sinumang pumangalawa, at dahil dito'y walang anumang bisa. Gayon man ay di nangyaring napigilan ang
Supremo at patuloy nang umalis nang walang paalam.
Dahil sa kaguluhang nangyari, at sapagka't hindi napigilan ang Supremo, sa kaniyang pasiya na lisanin ang
kapulungan, si Santiago Rillo, delegado ng Batangas, ay tumayo at nagtanong sa madla kung sang-ayon
silang ipagpatuloy ang kapulungan, at kung pahihintulutan nilang siya na ang mangulo. Sa ganitong
katanungan ay parang iisang taong sumagot ang lahat ng "Opo."
Sa ganyang kapasiyahan, ay ipinagpatuloy ang Kapulungan at wala namang iba pang pinag-usapan maliban
sa kilalanin o pagtibayin ang tanang mga naihalal na saka humirang ng isang "Comission" upang ipabatid
kay Heneral Emilio Aguinaldo, ang pagka-hirang sa kanya ng Kapulungan ng Manghihimagsik na maging
Kataas-taasang Puno ng Himagsikan, tuloy kaunin siya sa madaling panahon upang makapanumpa sa
tungkuling iniaatang sa kanya ng bayang nanghihimagsik.
Pagkatapos nito, ay pinigil munang pansamantala ang pulong, samantalang hinihintay nang buong
kasabikan ang pagdating ng nahalal na puno ng himagsikan, si Heneral Aguinaldo."
__________________
Emilio Aguinaldo,