Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Ap3-Q2 M1-Ang Kasaysayan NG Kinabibilangang Rehiyon-1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

3

Ang Kasaysayan ng
Kinabibilangang
Rehiyon
Modyul sa Araling Panlipunan 3
Ikalawang Markahan Modyul 1

https://www.google.com/search?
q=mountain+trees+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwjU2ZTxnu

Tagapaglinang ng Modyul
(Developer)
Kagawaran ng Edukasyon.Rehiyong Administratibo ng
Cordillera
Dibisyon ng Baguio City

Pangalan: ______________________Baitang at Seksyon:___________


Guro:__________________________ Iskor:______________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Published by the
Learning Resource Management and Development System
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Baguio City

PAUNAWA HINGGIL SA PAUNANG SIPI


COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the DepEd School Division of Baguio City-Curriculum Implementation Division (CID)
— Learning Resource Management and Development System (LRMDS). It can be
reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged.
Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a
supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial
purposes and profit.

ii
PANIMULA

Ang modyul na ito ay proyekto na para sa mga mag-aaral na nasa ikatlong


baitang sa asignaturang Araling Panlipunan 3.

Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng Kagawaran ng Edukasyon, Schools


Division of Baguio City. Layunin nitong malinang ang kasanayan ng mga bata sa
asignaturang Araling Panlipunan.

Date of Development : Oktubre, 2020


Resource Location : DepEd,Dibisyon ng Baguio City
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level :3
Learning Resource Type : Modyul
Language : Filipino
Quarter/Week : Ikalawang Markahan , Unang Linggo
Learning Competency/Code : Nasusuri ang Kasaysayan ng
Kinabibilangang Rehiyon.
(MELC) AP3KLR-lIa-b-1

iii
PASASALAMAT

Isang taos-pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng may akda sa lahat ng


nagbigay tulong sa kanya.

Kay Madam Marina Tabangcura, EPS ng Araling Panlipunan, sa kanyang


walang sawang pagtulong upang mabuo ang modyul na ito.

Sa mga bumubuo ng LRMDS ng Dibisyon ng Baguio, sa aming butihing


punongguro na si Corazon C. Amlag at sa mga kapwa ko guro sa kanilang walang
kapagurang paggabay at tiyaga sa pagbibigay-linaw ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa paggawa ng modyul na ito.

Sa aking pamilya na nagsilbi kong inspirasyon upang makamit ang aking


adhikain.

Higit sa lahat sa Poong Maykapal sa kanyang gabay at patuloy na pagbibigay


ng lakas maging pisikal at ispirituwal para ang gawaing ito ay matagumpay na
matapos.

Schools Learning Resource Management Committee


CORAZON C. AMLAG Schools Head/ Principal I JUDITH C. BASILIO
Subject/ Learning Area Specialist JENNY B. MAGBANUA Schools LR
Coordinator

Quality Assurance Team


Marina Tabangcura EPS – Araling Panlipunan
Lourdes B. Lomas-e PSDS – District
Loida C. Mangangey EPS – LRMS

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II–LRMDS
Christopher David G. Olivia Project Development Officer II – LRMDS
Pricilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS:

JULIET C. SANNAD, Ph.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO VI


Schools Division Superintendent
iv
TALAAN NG NILALAMAN

Copy Right Notice............................................................................................................................ii


Preface..................................................................................................................................................iii

Pasasalamat……………………………………………………………………….. iv
Talaan Ng Nilalaman.....................................................................................................................v
Pahina Ng Titulo..............................................................................................................................1

Suriin ………………………………………………………………………………..1
Pagyamanin
Gawain 1…………………………………………………………………………………...... 4
Isagawa............................................................................................................................................. 4
Tayahin.............................................................................................................................................. 5

Mga Kasagutan …………………………………………………………………………………………………. 6


Reperansya……………………………………………………………………………………………7
Suriin
Ang lahat ng lalawigan ay may sariling kasaysayan. Pag-aralan
natin kung paano nagsimula ang rehiyon ng Cordillera. Sa aralin nating
ito ay malalaman natin ang iba’t ibang kasaysayan ng mga lalawigan sa
Rehiyong Cordillera.
Galing sa salitang Espaňol ang pangalang Cordillera. Ang Cordillera
ay matatagpuan sa Hilagang Luzon kung saan pinagitnaan ng Rehiyon ng
Ilocos, Rehiyon at ng Lambak ng Cagayan at Rehiyon ng Gitnang Luzon.
https://www.alamy.com/mountain-scenery-the-philippine-cordilleras-luzon-the-philippines-image261467742.html

Naisabatas noong ika-18 ng Hunyo 1966 ang paghahati ng Mountain


Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan. Ang Benguet,
Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao. Nilagdaan ni Pangulong
Corazon C. Aquino noong ika-15 ng Hulyo,1987 ang Atas ng Pangulo
Blg.220 na lilikha sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera o Cordillera
Administrative Region, na kinabibilangan ng Benguet, Mountain Province,
Ifugao, Kalinga-Apayao at Abra. Ang lalawigan ng Kalinga-Apayao ay hinati
sa dalawang magkahiwalay na lalawigan noong Pebrero

1
14,1995. Upang mapabuti ang serbisyo at matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa dalawang lalawigan.

Sa lalawigan ng Benguet matatagpuan ang Lungsod ng Baguio na


tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” sa kasalukyan, kilala ang
La Trinidad, Benguet bilang “Salad Bowl of the Philippines” dahil
nanggagaling dito ang karamihan ng mga gulay. Ang malalaking pangkat-
etniko at wika ng Cordillera ay ang mga sumusunod: Ibaloy (Benguet),
Kankanaey (Mountain Province at ilang bahagi ng Benguet), Isneg
(Apayao), Tinggian (Abra), Kalanguya at Tuwali (Ifugao) at Kalinga
(Kalinga). Ang rehiyon ay sagana sa mga reserbang minahan bagaman
nakasentro ang pagmimina sa Benguet.

https://www.google.com/search?q=pictures+of+Baguio+City+black+and+white&

Ang Rehiyong Cordillera ang may pinakamalaking bilang ng mga


pangkat -etniko o Indigenous People . Ito rin ang nag-iisang rehiyon na
hindi napalilibutan ng karagatan. Malakas ang turismo sa Rehiyong
Cordillera. Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang turismo ay ang
“Hagdang-hagdang Palayan” ng Banaue, Ifugao. Ang magandang lugar
na ito ay binuo sa bundok sa pamamagitan ng mga kamay at walang
ginamit na makina na nagbigay ng mga hagdan para sa katutubo upang
makapagtanim ng palay. Itinanghal ng UNESCO (United Nations and

2
Cultural Organization) ang lugar na ito noong 1995 bilang Pamanang Lugar
sa Mundo (World Heritage Site).

https://www.google.com/search?q=Cordillera+picture

Mga likas na atraksiyon ang Yungib Sumaguing (Sagada Cave) ng


Sagada, Mountain Province at mga Yungib ng Mummies sa Benguet at
Mountain Province. Ang iba pang dinadayo ng mga turista ay ang Bundok
Data at Mt.Pulag na pinakamataas na bundok sa Luzon at ikalawa sa
pinakamataas na bundok sa buong bansa. Ang mga pistang dinadayo ng
mga turista ay ang Panagbenga o Baguio Flower Festival ng Lungsod ng
Baguio tuwing Pebrero at Adivay ng Benguet na ginaganap sa La Trinidad
tuwing Nobyembre na isang peryang agro-industriyal at ang Ullalim sa
Kalinga tuwing Pebrero 14 na pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkatatag
ng Kalinga. Kung saan dito nakilala ng husto ang batikang mambabatok na
si Apo Whang-od.
Pagyamanin
Sukatin natin ang iyong natutunan sa mga kasaysayang napag

aralan sa pamamagitan ng pagsagawa sa mga gawain .

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang Tama kung ito
ay nagsasabi ng totoo at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Ang lalawigan ng Benguet matatagpuan ang Lungsod ng


Baguio.

_____ 2. Ang pangalang Cordillera ay hango sa salitang Espaňol.

_____ 3. Ang pangunahing atraksiyon sa lalawigan ng Ifugao ay

ang “Hagdan-Hagdang Palayan”.

_____ 4. Ang Cordillera ay matatagpuan sa Hilagang Luzon kung saan


pinagitnaan ng Rehiyon ng Ilocos at Lambak ng Cagayan.

_____ 5. Matatagpuan sa Mountain Province ang La Trinidad.

Isaisip
Sa bahaging ito ng modyul, napag-aralan natin ang kasaysayan ng
Rehiyong Cordillera, ikaw naman ay magbabahagi ng iyong natutunan.

Panuto: Piliin sa ibaba ang pahayag tungkol sa mga sumusunod na


lalawigan batay sa napag-aralang kasaysayan ng kinabibilangang
rehiyon.

1. Dito pinagdiriwang ang “Ulalim Festival” tuwing Pebrero 14.

a. Ifugao
b. Abra
c. Benguet
d. Lungsod ng Baguio
e. Kaling
2. Dito matatagpuan ang “Hagdang-Hagdang Palayan”.
a. Cordillera
b. Ifugao
c. Abra
d. Benguet
e. Lungsod ng Baguio

3. Ito ay kilala sa pagdiriwang ng piyestang Adivay.

a. Cordillera
b. Ifugao
c. Abra
d. Benguet
e. Lungsod ng Baguio

4. Ang Panagbenga ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero sa_______.

a. Cordillera
b. Ifugao
c. Abra
d. Benguet
e. Lungsod ng Baguio

5. Ang pangalan nito ay nagmula sa salitang Espaňol.

a. Cordillera
b. Ifugao
c. Abra
d. Benguet
e. Lungsod ng Baguio
TAYAHIN

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat pangungusap.Ikahon ang letra


ng tamang sagot.
1. Ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay sa dahilang ito ay _______
a. kahilingan ng mga mamamayan.
b. mapabuti ang serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan
c. mapaghiwalay ang lalaki at babae.
d. Iniutos ng matatanda
5

2. Siya ang pangulong lumagda ng Atas ng Pangulo Blg.220 na

lumikha ng Cordillera Administrative Region.


a. Gloria M. Arroyo c. Corazon C. Aquino
b. Ferdinand E. Marcos d. Rodrigo Duterte
3. Kinilalang “Salad Bowl of the Philippines” ang Benguet dahil ___.

a. dito madalas kumain ng mga gulay ang mga dayuhan

b. masarap gumawa ng salad ang mga taga Benguet

c. dito nanggagaling ang maraming gulay


d. karamihan sa mga taga Benguet ay magsasaka.

4. Ang mga sumusunod ay mga atraksiyong dinadayo ng mga turista sa


Cordillera maliban sa isa, ano ito?
a. Manila Zoo c. Burnham Lake

b. Mt. Pulag d.Hagdan-Hagdang Palayan

5. Ito ay lungsod na matatagpuan sa Benguet.


a. Bontoc b. Lungsod ng Baguio

c. Lungsodng Tabuk d.. Cebu

Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang bawat
pahayag sa bawat bilang.

1. Ang Rehiyong Cordillera ay matatagpuan sa __________ Luzon .

2. Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang Atas ng Pangulo na


lumikha sa Cordillera Administrative Region noong __________.

3. Ang “Hagdan-Hagdang Palayan” ay ang pangunahing atraksiyon sa


lalawigan ng __________.

4. Ang pinakamataas na bundok sa Luzon ay ang __________.

5. Ang Lungsod ng Baguio ay tinaguriang “Summer Capital of the

Philippines” noong __________.

Susi sa Pagwawasto
SANGUNIAN
Angyatao,M.P.,et.al.,Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral Para
sa Ikatlong Baitang, Cordillera Administrative Region.

Online Resources :

https://www.google.com/search?q=mountain+trees+clipart+black+and+
white&tbm=isch&ved=2ahUKEwjU2ZTxnu

https://www.google.com/search?q=pictures+of+Baguio+City+black+and
+white&

https://www.google.com/search?q=Cordillera+picture

https://www.facebook.com/1939623159479658/posts/alam-nyo-
bapinagmulan-ng-pangalan-ng-mga-lalawigan-sa-rehiyong-
pampangasiwaan-ng/2823547844420514/

https://www.coursehero.com/file/56974123/Handouts-Region-CARdocx/

https://philippineculturaleducation.com.ph/cordillera-administrative-
region-car/

https://peraltaivan.wordpress.com/2017/05/10/the-things-i-miss-in-
baguio-city/

https://www.alamy.com/mountain-scenery-the-philippine-
cordillerasluzon-the-philippines-image261467742.

You might also like