Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Filipino 9 JHS-Module

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

This learning module (LM) is developed for the purpose of Alternative Learning Modality of Pandan
Bay Institute, Inc. intended for blended or distance learning modalities. The parts of this module are
patterned from the Learning Module Exemplar of the Private Education Assistance Committee (PEAC).
Other stages and contents are adopted from the module of the Department of Education (DepEd), the
Teaching Guide for Senior High School of the Commission on Higher Education (CHED), and several
textbooks, websites and other references listed in the bibliography.
Teachers are trained to unpack the standards and competencies from the K to 12 Curriculum Guide
to determine and verify the most essential learning competencies (MELCs) provided by the DepEd. Hence,
teachers are encouraged to produce their own learning module in consideration of the attainment of the
school’s vision, mission, goal and objectives.

Technical Working Committee

Writer/Compiler: Pepe T. Casabuena, LPT


Reviewers: Ma. Roda A. Madarico, LPT Josephine T. Pelayo, LPT
Joselle C. Sardina, LPT Alexander Paul M. Antoy, LPT
Rebecca C. Yturzaita, LPT Remie Joy A. Jontilano, LPT
Johndai-Ann L. Adrimesin, LPT
Layout: Mark Anthony T. Riomalos, LPT Alexander Paul M. Antoy, LPT
Printing Staff: Flowen Niña M. Anecito Jennifer A. Biadora, LPT

Chairperson: Edgar C. Mationg, FIC, MAT

“I urge you to continue your studies that


have so steadfastly begun, and to work
primarily to become men and women of
virtue and prayer, men and women of God.
What used would all the knowledge in the
world be to you? It would be useless for
you, useless for others too, because it is the
spirit of zeal and piety that blesses our
undertakings and any knowledge that does
not animate it, is forever sterile” (1851)

- Venerable Jean Marie de la Mennais

iii
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

FILIPINO 9
Kwarter 1 Modyul sa Pagkatuto: Mga Akdang Pampanitikan sa
Timog-Silangang Asya

PAMANTAYAN SA ANTAS NG GRADO


Pagkatapos ng ikasiyam na baitang, naipamalas ng mag-aaral ng mag-aaral ng -
kakayayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano
upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan sa Timog Silangang Asya.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing portfolio ng mga Akdang
pampanitikan sa Timog Silangang Asya.

SAKLAW NG MODYUL
Aralin 1: Maikling Kuwento: “Ang Ama”
Aralin 2: Nobela: “Takipsilim sa Jakarta”
Aralin 3: Tula: “Ang Pamana”
Aralin 4: Sanaysay: “Tatlong Mukha ng Kasamaan”

iv
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

PANIMULA
Ang Timog-Silangang Asya

Ang Timog-Silangang Asya (TSA)


ay binubuo ng labing-isang bansa (minsan
ito ay nag-iiba-iba) kabilang ang Pilipinas
kaya't nararapat lamang na makilala
natinang rehiyong ito. Kasama sa rehiyong
ito ang mga bansang Brunei, Cambodia,
Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar
(Burma), Singapore, Thailand, Vietnam, at
East Timor Ang mga bansang ito ay
magkakasama sa dalampasigan ng
Karagatang Pasipiko, Dagat- Timog Tsina,
at Karagatang Pasipiko.
Dahil sa heograpiyang kontinenteng ito, ang mga bansa rito ay naimpluwensiyahan ng
sibilisasyon ng mga Tsino, Indian, Hapones, at Arabe. Gayundin natuon ang pansin at
hangarin ng mga Kanluranin sa Timog Silangang-Asya kung kaya't nagkaroon ng pamanang
Hispana-Amerikano ang Pilipinas; ang Indonesia, ng pamanang Olandes, ang Indo-China, ng
pamanang Pranses, at ang Burma at Malaysia, ng pamanang Ingles. Mapapansing halos
lahat ng bansa sa TSA ay nasakop ng mga tagakanluran maliban sa bansang Thailand.
Karamihan ng mga uri ng panitikang lumaganap sa rehiyon ay karamihang pasalindila
o yaong naipasa sa pamamagitan ng pagkukuwento lamang. Halimbawa, ang mga panitikang
Pilipino, Burmese, Malaya, at Indonesian ay binubuo ng mga alamat, pabula, at mga
kuwentong-bayan na karaniwang nagbibigay-aral tungkol sa relihiyon, tradisyon, pilosopiya,
at iba pang paniniwala ng mga ninuno. Gayumpaman, may mga nakasulat ding panitikang
tulad ng epiko at mga kuwento mula sa
Hindu at Islam sa mga bansang ito.
Ang mga bansa sa TSA ay maraming
pagkakaiba sa pangyayari at kasaysayan ng
mga bansa sa rehiyon. Sa kabila nito ay
naiuugnay ng panitikan ang mga tao at
nagkakaisa sila bilang magkakalahi na
nagtataglay ng magkakahawig na tradisyon,
ugali, pagkatao, mga gawi at maging ng
aspirasyong politikal, panlipunan, at
pangkabuhayan.

v
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Aralin
1 Maikling Kwento: “Ang Ama”

Inaasahang Kasanayan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kakayahan:
1. naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan;
2. nasusuri ang maikling kuwento batay sa:
- paksa
- mga tauhan
- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor; at
3. nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsunod-sunurin ng mga pangyayari at
nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

PAGTUKLAS

GAWAIN 1: Simulan Natin


PANUTO: Batid nating lahat ang di-matatawarang halaga ng
ama sa ating buhay, dahil sa pagiging haligi nila sa ating tahanan,
at dahil sa pagiging maaasahan nila sa panahon ng bagabag,
marapat lamang na mabatid natin ang iba’t ibang anggulo ng
kanilang pagkatao.Sila ang padre de pamilya - ang ating mga ama.
Simulan natin ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagpuno ng
graphic organizer. Kunan ng larawan ang naging sagot at ipasa sa akin sa messenger.

Mga
Katangian
ng Aking
Ama

1
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

PAGLINANG

Kung iyong napagtagumapayan ang Gawain 1: Simulan Natin, halina’t simulang


basahin ang maikling kuwento na may pamagat na “Ang Ama” mula sa Singapore ni
Catherine Lim na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.

Ang Ama
Ni Catherine Lim
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,
para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na
kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang
parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at
malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at
isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang
maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos
anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa
mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng

2
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na
ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain
ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing
lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa
sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na
supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-
dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na
gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo
sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig
ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay
na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang
ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa  at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at
palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay
mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng
mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang
nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang
oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang
pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya
angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan
naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote
ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam
nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang
bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa
kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at
hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito.
Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na
naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang
bata sapamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang
umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang
kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata
ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay
3
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng
abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno
ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait
na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at
mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang
makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay
sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at
laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na
bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong
anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga
alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y
lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong
siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang
perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad
ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa
alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya
ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa
bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may
mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga
bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May
supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang
laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon
tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay
kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay
na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik;
masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na
hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi
dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-
iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis
na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya
pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa

4
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay,


perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang
hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang
mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan
ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang
nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
Gramatika
Ang transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap. Sa
tulong ng mga ito, naiaayos ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa tamang pagkasunod-
sunod. Ang mga halimbawa ng transitional devices ay ang mga sumusunod: subalit,
datapuwat, ngunit, samantala, saka, kaya, dahil sa, sa wakas, sa lahat ng ito, at kung gayon.
Narito ang tiyak na gamit ng bawat isa:

1. subalit – ginagamit lamang kung ang datapuwat at ngunit ay ginamit


na sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
a. Datapuwat mahirap lamang siya, marami naman siyang kaibigan.
b. Di ka man niya madalas nakikita, subalit madalas naman niya
itong naipadadama.
c. Marami pa tayong dapat matutuhan, ngunit kapos ang ating oras.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Halimbawa:
a. Siya ay maganda saka mabait pa.
b. Nakangiti ang lahat, samantalang ikaw ay nakasimangot.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Halimbawa:
a. Nagpamalas siya ng katapatan kaya siya ginantimpalaan.
b. Wala siyang nakakaaway dahil sa kaniyang kapakumbabahan.
4. sa wakas, sa lahat ng ito – ginagamit na panapos
Halimbawa:
a. Sa wakas, nagbalik din ang alibughang anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga mag-aaral na kailangang pahalagahan
ang edukasyon.
5. kung gayon – ginagamit na panlinaw
5
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Halimbawa:
Hindi madaling makamtan ang tagumpay, kung gayon
kailangan nating magsikap sa lahat ng pagkakataon.
Tandaan ang gamit ng bawat transitional device o mga pang-ugnay para sa higit
na pag-unawa’t pagkatuto.

Ngayon ay natapos mo ng basahin ang Maikling Kwento, sigurado akong


marami kang napulot na aral tungkol sa paksang iyong binasa. Sa pagkakataong
ito, masusubok ang iyong galing sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa
akdang binasa.

GAWAIN 2: SAGUTIN NATIN


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Kopyahin at sagutin ang mga tanong at
isulat sa isang buong papel. Limitahan ang iyong sagot sa limang pangungusap. (5 puntos
bawat tanong)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong? Isulat ang sagot sa nakaalang espasyo.
1. Ilarawan ang pamilya ng ama sa akda?
2. Bakit natatakot ang mga anak sa kanilang ama?
3. Ilahad ang mga paghihirap na dinadanas ng mga anak sa kanilang ama.
4. Ano ang pangyayari ng nagpabago sa ama?
5. Sa iyong palagay, tuluyan na kaya ang pagbabagong magaganap sa ama?
Pangatwiran.

6
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Ngayon ay napagtagumpayan mo ng sagutin ang mga tanong na may


kaugnayan sa maikling kwentong binasa. Sa pagkakataong ito, masusukat ang
iyong galing sa paghahambing ng ilang piling pangyayari sa napanood na
telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

GAWAIN 3: 2 Column Comparison


Panuto: Ihambing ang mga pang-aabusong naranasan ng mga anak sa pang-
aabusong naranasan din ng isang tauhan sa napili mong telenobela. Gumuhit ng manghad
gaya ng nasa ibaba sa isang buong papel para sa iyong kasagutan. 20 puntos
Mga Pang-aabusong naranasan ng mga Mga Pang-aabusong naranasan ng
anak sa kamay ng ama tauhang si _______________ sa
telenobelang_______________

PAGPAPALALIM

GAWAIN 4: Pagbuo ng Talahanayan


PANUTO: Balikan ang akdang “Ang Ama.” Sumulat ng isang
pagsusuri sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na mga
tanong. Gumuhit ng manghad gaya ng nasa ibaba sa isang buong
papel para sa iyong kasagutan. 20 puntos

1. Ano ang paksa o tema ng akda

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang


nagtulak sa manunulat para sumulat ng
akdang may ganitong tema. Sino o
anong uri ng mambabasa kaya ang nais
niyang maabot ng kaniyang akda at bakit
7
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

ninanais niya na mabasa nila ito.

3. Sino-sino ang mga tauhan? Ano ang


pananaw o reaksiyon mo sa bawat
tauhang ipinakilala ng manunulat?

4. Ano ang aral na taglay nito?

5. Anong pagbabago ang maaaring


mangyari sa iyong pananaw lalo na sa
anggulo ng pagiging ama pagkatapos
mong pagnilayan ang aral na taglay
nito?

PAGLILIPAT

GAWAIN 5:
PANUTO: Bumuo ng isang Story Analysis Written Output mula sa
akdang binasa at paggamit ng mga pang-ugnay sa pagbuo nito na
magiging bahagi ng iyong portfolio para sa Book Fair. Isulat ito sa Short
Bondpaper. 20 Puntos.

STORY ANALYSIS WRITTEN


OUTPUT

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
8
___________________________________________________________________________
“Make Jesus Christ Known and Loved”
___________________________________________________________________________
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Aralin
2 Nobela: “Takipsilim sa Jakarta”
Inaasahang Kasanayan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kakayahan:
1. nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela;
2. nasusuri isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili sa binasang
nobela; at
3. naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.

PAGTUKLAS

GAWAIN 1: Pagtugon sa Mapaghamong mga Tanong


Panuto: Handa mo bang pagbayaran ang
pagkakasalang di mo naman sinasadyang ginawa? Ano
ang kahalagahan ng pagpapatawad sa sinumang di ninais
makagawa ng kapahamakan? Sa kabilang banda, ano ang
iyong gagawin kung ikaw at ng iyong pamilya ay biktima ng
matinding kahirapan?
Batay sa mga nabanggit na mga tanong sa itaas, anong matalinong pasya ang iyong
isasagawa? Isulat sa nakalaang patlang ang idinidikta ng iyong puso’t isipan. Kunan
ng larawan ang iyong sagot at ipasa sa messenger.
1. Handa mo bang pagbayaran ang pagkakasalang di mo naman sinasadyang
ginawa? Pangatuwiranan.
9
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

2. Ano ang kahalagahan ng pagpapatawad sa sinumang di ninais makagawa ng


kapahamakan?

3. Ano ang iyong gagawin kung ikaw at ng iyong pamilya ay biktima ng


matinding kahirapan?

Kung iyong napagtagumapayan ang Gawain 1: Pagtugon sa Mapaghamong


mga Tanong ay maaari na tayong dumako sa susunod na gawain. Halina’t simulan
nating basahin ang nobelang Takipsilim sa Jakarta.

PAGLINANG

Ating linangin ngayon ang iyong kabatiran hinggil sa mga pagkakasalang nagawa na di
naman sinasadya. Kasabay nito, ilalantad ng tekstong babasahin ang agwat ng mga
mayayaman at mahihirap na tao sa lipunan sa pamamagitan ng
susunod na gawain.Ang tunguhin mo sa bahaging ito ng modyul ay
malinang ang iyong kabatiran at pagpapahalaga sa akdang
pampanitikan ng Timog- Silangang Asya, partikular na ang isang

10
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

nobela mula sa Indonesia. Makikita mo rin sana ang koneksyon ng akdang ito sa’yong
sariling buhay bilang isang Asyano at sa lipunang Pilipino.

TAKIPSILIM SA DYAKARTA
Ni Monchar Lubis
(Indonesia)
(salin sa Filipino ni Aurora E. Batnag)

Sa harap ng restawran, maraming nakaparadang bagong kotse sa bangketa. Nang


dapit-hapong iyon, punumpuno ang restawran. Dumating ang isang cadillac na pulampula
ang kulay, naghahanap ng mapaparadahan. Ngunit okupado na ang mga paradahan sa
bangketa, kaya sa wakas, pumarada ito na ang dalawang gulong sa kaliwa ay nakasampa sa
aspaltong gilid ng kalsada.
Si Raden Kaslan ang nagmamaneho, kasama ang kaniyang asawa, si Fatima. Kung
pagmamasadan ang cadillac, ang magarang damit ni Fatima, ang kaniyang kulay-gintong
step-in, ang buhok na kaaayos sa parlor, makikita ang yaman at luho ng dalawa. Pati na rin
ang pagkakangiti ni Fatma kay Raden Kasalan.
Sa maaliwalas na dapit-hapong iyon, sina Raden at Fatima na kakikitaan ng yaman at
rangya ay bumaba sa kanilang magarang kotse na kumikinang sa sikat ng papalubog na
araw na nakaparada na bahagyang nakaharang sa lansangan.
Naupo sila sa hardin, sa harap ng restawran, sa isang mesang nakahiwalay sa
karamihan, at nang makaupo na ay nag-usap tungkol sa mga mamahalin at maluluhong
bagay.
Mula sa loud speaker sa likod ng bar ng restawran, may maririnig na masiglang
musika; sa mga mesa, kumakain ang mga tao, umiinom, nag-uusap, at naghahalakhakan.
Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista
sa menu at sa tapat ng pangalan ng mga putahe at inumin; pagkaraan, binalikan nito ang
usapan
tungkol sa mamahalin at maluhong mga ideya, na tinugon ni Fatma ng maluhong ngiti.
Kaaya-aya ang dapit-hapong iyon, maaliwalas ang kapaligiran. Matatanaw ang
dumudilim ng asul na langit at malalanghap ang sariwang hangin.
Isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa
harap ng restawran, sakay ang natutulog na kutsero, si Pak Idjo. Maraming taon nang
nasanay ang kabayo sa paghila sa kalesa sa malaking syudad, kahit tulog ang kutsero, na
madalas mangyari kung mainit ang sikat ng araw – at sa araw na ito, wala pang pasahero si
Pak Idjo buong maghapon, hanggang sa makatulog na siya sa gutom. Patuloy na hinihila ng
kabayo ang kalesa kahit tulog ang kutsero, at kusang humihinto kapag may pumaparang
pasahero, at nagigising ang kutsero sa biglang paghinto. O kaya, kapag pinatigil ng pulis-
trapiko ang mga sasakyan, titigil din ang matandang kabayo, na nakadikit na halos ang busal
sa gilid ng katabing kotse o trak.
Sa ganitong paraan hinila ng kabayo ang kalesang namamasyal sa lansangan sa
maaliwalas na dapit-hapong iyon. Mula sa bakod ng bahay sa kabila ng restawran, isang
malaking asong nanghahabol ng pusa ang biglang tumalon habang malakas na tumatahol.
11
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Nagulat ang kabayo, umalma sa aso’t pusa, at biglang nadapa. Tumapat sa punag cadillac
ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinaitim na tanso ay sumira
sa chromium at pintura, samantalang ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa ay
tumama sa bintana kaya nabasag ang salamin.
Naalimpungatan ang natutulog na si Pak Idjo. Bumaba siya at tinulungang makatayo
ang matandang kabayo, at pagkaraa’y tumayo na lamang doon, nakatanga habang hinihimas
ang tuhod at ulo ng kabayo. Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-
iinuman at nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo si Raden Kaslan at dali-daling
sumugod sa kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng
kaniyang kotse, at ang nabasag na salamin.
“Hoy, tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo’ng kotse ko, aaminin mo o
hindi? Babayaran mo ito!” Sigaw ni Raden Kaslan na galit na galit.
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay
walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit nga siyang talaga.
Parang nakasabit na lamang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang
katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kaniyang namumula at naguluhang
mata.
Magsasalita na sana siya, pero lumabas sa kaniyang nangangatog na mga labi ang
boses niyang nanginginig sa takot at sa pagdurusa. Patuloy lamang ang mga kamay niya sa
paghimas sa ulo ng kabayo.
Galit na galit na pinagmasadan siya ni Raden Kaslan bago ito nagbaling ng tingin kay
Fatima, na mamahalin at marangya ang ayos, saka tuminging muli sa nawasak na kotse, at
lalo pang tumindi ang kaniyang galit.
“Ipapupulis kita! Idedemanda kita! Babayaran mong lahat ang nawasak na ito. Tingnan
mo!” at padarag na itinuro ang chromium sa pinto ng kotse sabay turo sa bahaging nabakbak
ang pintura at ito pa at sinipa ang isang pirasong basag na salamin. “Babayaran mong lahat
ito, di kukulangin sa isa, dalawang libong rupiah,” inangilan ni Raden Kaslan si Pak Idjo, na
halos himatayin nang marinig ang isa-dalawang libong rupiah, pero saglit lamang at
nagkaboses din ito. Paiyak itong nagsabing:“Alam ko pong ako’ng me kasalanan, Tuan, pero
patayin n’yo man ako, wala akong ibabayad. Pobre po ako. Mabuti pa ngang patayin n’yo na
lang ako!” at patuloy ang kamay niya sa paghimas sa ulo ng kaniyang matandang kabayo.
Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak Idjo, parang humingi ng tawad sa kaniyang
pagkakasala. Nang marinig ang sinabi ni Pak Idjo, lalong nagalit si Raden Kaslan. Tumalikod
itong walang kibo saka bumalik sa restawran at doon tumelepono sa pulis-trapiko.
Maraming nag-uusyoso sa kalye; patuloy si pak Idjo sa paghimas sa ulo ng kabayo; at
nang bumalik si Raden Kaslan, sinabi nito, “Huwag kang tatakas. Tumawag ako ng pulis.”
Siya, kasama ang kaniyang kabayo, ay libong beses na namatay at hunarap na sa lahat ng
apoy sa impyerno, hanggang sa dumating ang mga pulis sakay ng kanilang umaangil na
motorsiklo, tulad ng tunog ng mga baril na pumapatay.
Nang sandaling iyon, nagbalik sa isip ng matanda ang kaniyang nayon, ang tunog ng
baril at ang lumulusob na mga tulisan na siyang dahilang kung bakit napilitan silang tumakas
at magkanlong sa syudad.
Samantala, bumalik na sa kani-kanilang mesa ang mga parokyano ng restawran, at
itinuloy nila ang kainan, inuman at tawanan. Pang-araw-araw lamang na pangyayari ang
banggaan. Pagdating ng mga pulis, bahala na ang mga itong mag-aayos ng gulo.
Sinalubong ni Raden Kaslan ang mga pulis, nagpakilala siya sabay turo sa kutsero, at
nagsabing, “Siya, siya ang may kasalanan. Sa gilid nakaparada ang kotse ko, at ang kalahati

12
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

nga ay nasa bangketa na, pero binangga pa rin niya.”


Daang ulit nang nakapag-ayos ng banggaan ang bata pang pulis, pang- araw-araw na
lamang sa kaniya ang ganitong pangyayari, na madali namang ayusin. Maliwanag naman
kung sino ang may kasalanan “Dapat akong bayaran,” ulit ni Raden Kaslan.
Nang marinig ito, biglang nagsalita si Pak Idjo, sabay iyak, “Patayin n’yo na lang ako,
Tuan,” sabi nitong nakayuko sa harap ng pulis at magkasalikop ang kamay, “Mahirap lang
ako, wala akong ibabayad.”
“Inaamin n’yo bang kasalanan n’yo, Bapak?”
“Inaaamin ko, Tuan. Patayin n’yo na lang ako, Tuan. Wala akong ibabayad.Mahirap lang
ako.”
“Bakit mo binangga ang kotse kong nakaparada sa gilid ng kalye?” galit na galit na sabi
ni Raden Kaslan.
“Nakatulog po ako, Tuan,” nanginginig na tugon ng kutsero. “Nakatulog! Ano’ng klase
kang kutsero? Nakatulog!” Nakaiinis talaga ang sagot ni Pak Idjo.
“Kung gusto mong matulog, sa bahay ka matulog, huwag sa kalsada, at kung makaaksidente
ka? Bakit ka natulog?” ang kaniyang angil.“Me sakit po ako, Tuan,” tugon ni Pak Idjo na lalo
pang nanginig.“Ha!” pang-uyam ni Raden Kaslan. ‘nakatulog, may sakit. May sakit ka pala,
bakit lumabas ka pa? Sa bahay ka na lang sana! Uminom ka ng gamot! Makaaksidente ka
pa! Pa’no kung makasagasa ka ng munting bata at makapatay, aber?”
Lalong nanginig si pak Idjo. Sinabi niya, “Pero nagugutom ako, Tuan, at ang aking
asawa at mga anak ay nagugutom, Tuan. Kahapon pa kami hindi kumakain, Tuan.”Saglit
na nawalan ng kibo si Raden Kaslan, bago sumigaw, “Sinungaling!Ano’ng sakit mo?”
Umiiyak at nanginig na binuksan ni Pak Idjo ang kaniyang damit at ipinakita ang kaniyang
likod.“Hayan, Tuan, tingnan n’yo,” at itinuro ang mga pigsa na sinlaki ng kamao, mapupula at
namamaga; pagkaraan, itinaas niya ang kaniyang sarong at ipinakita ang isang malaking
pigsa sa hita. Mapula at namamaga ang buong hita – nakakikilabot tingnan.
Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda pagkaraan nito. Nanginginig ang bawat
himaymay ng kaniyang katawan, nangatog at kaniyang mga ngipin at patuloy ang pagtulo ng
kaniyang mga luha.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis sa kaniya, kay Raden Kaslan, at kay Fatima, na
mukhang napakarangya. Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang isang kamay at
nagsalitang parang mawawalan ng bait.
“Ano’ng gagawin mo sa ganitong kaso, inspector? Sino’ng magbabayad sa akin?
Sino’ng may kasalanan? Sino’ng may kasalanan?” ulit niya.
Patuloy na nanginginig at giniginaw si Pak Idjo. Patuloy niyang hinihimas- himas ang ulo ng
kaniyang matanda at payat na kabayo, at habang hinihintay ang sagot sa tanong ni Raden
Kaslan, parang pahaba nang pahaba ang anino ng kutsero at ng kaniyang kabayo at ang
kabayo ay namatay at muling nabuhay ng daan-daang beses.
Muling minura ni Raden Kaslan si Pak Idjo hanggang sa maisip niya sa wakas na
imposible talagang mabayaran siya ng matanda at pobreng kutserong ito.
“Hayaan n’yo na nga,” sabi ni Raden Kaslan sa pulis, “Tena.”Inakbayan niya si Fatima
pabalik sa restawran. Tuluyan nang nasira ang kasiyahan niyan nang gabing iyon.
“Ang buwisit na ‘yon,” bulong ni Raden Kaslan, “Bagong-bago ang kotse.Kabibili
lang.”

13
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

GRAMATIKA
Pag-unawa sa Pang-abay na Pamanahon
Linangin ang iyong kaalaman sa mga salitang nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay, partikular na ang pang-abay na
pamanahon. Narito ang impormasyong iyong kinakailangan.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
● Uri ng pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, o gaganapin ang
kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa: kahapon, kanina, bukas, sa susunod na buwan, tuwing Martes, at


maraming pang iba.

KAHULUGAN AT MGA TUNGGALIAN SA NOBELA


Nobela – Ito ay mahabang salaysay sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao na
nahahati sa mga kabanata at sumasakop ng mahabang panahon.

Tunggalian sa Nobela
1. Pisikal (tao laban sa kalikasan) – ang tungaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa
mga element at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, lamig, bagyo, lindol,
pagsabog ng bulkan at iba pa.
2. Panlipunan ( tao laban sa kapwa tao) – Ang tao ay laban sa kapwa tao o tao laban
sa lipunan kaniyang ginagalawan. Ibig sabihin, ang kaniyang problema o kasawian ay
dulot ng iba o ng bagay na may kaugnayan sa lipunan gaya ng diskrimisnasyon o iba
pang bagay na tila di makatarungang nagaganap sa lipunan.

3. Panloob o Sikolohikal tao laban sa sarili) – Ito ay tunggalian ng tao laban sa


kaniyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw
ng iisang tao.

Ngayon ay tapos mo ng basahin ang nobela, sigurado akong marami kang


napulot na aral tungkol sa paksang iyong binasa. Sa pagkakataong ito,
masusubok ang iyong galing sa pagsagot ng gawain.

GAWAIN 2: Pagpuno ng Talahanayan


Panuto: Hanapin at sipiin sa nobelang binasa ang bahaging nagpapakita ng
pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at kagandahang nangyari sa akda. Gumuhit ng
manghad sa isang buong papel kagaya ng nasa ibaba para sa iyong kasagutan saka
magbigay ng maikling paliwanag kung bakit ito ang iyong naging sagot.
Pinakamataas na katotothanan sa Akda Paliwanag

14
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Kabutihang nakita sa akda Paliwanag

Kagandahang nakita sa akda Paliwanag

PAGPAPALALIM

GAWAIN 3: Data Retrieval


PANUTO: Buoin ang talahanayan sa mga pangyayaring
nagpapakita ng tunggalian sa binasang nobela. Gumuhit sa isang
buong papel kagaya ng nasa ibaba para sa iyong kasagutan. 15 puntos

Patunay na Naganap ang Tunggalian

Tauhan Laban
sa Ibang Tauhan

M
G
A

T
U Tauhan Laban
N sa Sarili
G
G
A
L
I
A
N

Tauhan Laban 15
sa Kalikasan
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

16
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

PAGLILIPAT
GAWAIN 4:
PANUTO: Bumuo ng isang Video Analysis Written Output mula sa
bidyung napanood na magiging bahagi ng iyong portfolio para sa Book
Fair. Isulat ito sa Short Bondpaper. Alalahanin na ang nabuong Video
analysis ay may katumbas na dalawampung (20) puntos.

VIDEO ANALYSIS WRITTEN OUTPUT

17
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Aralin
3 Tula: “Ang Pamana”
Inaasahang Kasanayan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kakayahan:
1. natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasing kahulugang pahayag sa ilang taludturan;
at
2. naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
rehiyong Asya.

PAGTUKLAS

GAWAIN 1: Pagbibigay-Reaksyon sa Natatanging Tanong


Alin sa mga sumusunod ang nais mong hilingin sa’yong ina
kung sakaling ika’y pinamimili niya: magandang bahay, magarang
sasakyan, mamahaling alahas, malawak ng sakahan, malaking
halaga ng salapi sa bangko? At bakit ito ang iyong napili? Simulan
natin ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa
susunod na gawain.
Batay sa nabanggit na mga tanong sa itaas, alin nga ba sa mga ito ang iyong pipiliin? Ilahad
sa loob ng hugis ulap ang mga dahilan ng iyong pagpili. Kunan ng larawan ang iyong sagot
at ipasa sa messenger.

18
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Kung iyong napagtagumapayan ang Gawain 1: Pagbibigay-Reaksiyon sa


Natatanging Tanong ay maaari na tayong dumako sa susunod na gawain. Halina’t
simulan nating basahin ang tulang Ang Pamana.

PAGLINANG

Masasalamin sa iyong mga naging tugon sa gawaing iyong


lubos na pinahahalagahan sa’yong buhay.
Ngayon, ating linangin ang iba pang saloobin na taglay mo
namakaaapekto sa pagpili ng mga bagay na iyong pahahalagahan sa
pamamagitan ng susunod na bahagi.

ANG PAMANA
Jose Corazon de Jesuas

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
19
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming


Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

GRAMATIKA
Wastong Gamit ng mga Salitang Naglalarawan

Pang-uri – Ito ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

Antas ng Pang-uri
Lantay – Isa o mahigit pang pangngalan o panghalip ay nagtataglay ng iisang
katangian
Pahambing – Dalawang panghalip o pangngalan o dalawang pangkat na
pinaghahambing.
Pasukdol – Ang pangngalan o panghalip na pinag-uusapan ay inihahambing sa
dalawa o mahigit pang pangngalan o panghalip.

TULA
Ang tula ay akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang na anyong
panpanitikan, natatangi sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang
malikhaing pagtingin sa isang paksa.
Mga Elemento ng Tula
 Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig o syllable ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong.
 Saknong – ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na dalawa o
maraming linya o taludtod.
 Tugma – sinasabing mat tugma ang isang tula kung ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
 Kariktan – kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang salita ang isang
tula upang mapukaw ang damdamin at kaisipan ng mga mambabasa.
 Talinhaga – ito ay isang sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may
tinatagong kahulugan.
GAWAIN 2: Pagsagot ng mga Tanong

Panuto: Batay sa Tulang inyong nabasa na Ang Pamana, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Limitahan ang iyong sagot sa dalawang pangungusap at isulat
20
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

ito sa kalahating papel. Limang puntos bawat bilang.


1. Ilarawan ang ina ng may-akda?
2. Sang-ayon ka ba sa paghahati ng ina sa mga kasangkapan para sa mga anak?
3. Kung ikaw ang anak, tatanggapin mo ba ang pamana ng iyong ina gayong buhay pa
siya? Pangatuwiranan.
4. Anong mensahe ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?

PAGPAPALALIM

GAWAIN 3: Text Analysis


PANUTO: Bilugan ang magkasingkahulugang pahayag o salita sa
taludturang nakatala sa bawat bilanh at ipaliwanag ang ibig sabihin ng
mga ito. Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan gayahin ang
nasa ibaba. 15 puntos

1. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan


Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
Paliwanag:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

2. Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,


Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Paliwanag:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
3. Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Paliwanag:
_____________________________________________________________________

21
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

PAGLILIPAT

22
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

GAWAIN 4: Tutulaan Kita, Aking Sinisintang Ina


Panuto: Lumikha ng tula para sa iyong ina na naglalaman ng pasasalamat,
paghingi ng patawad, at mga pangako sa ina.Isulat ito sa Short Bondpaper. Naglalaman
dapat ang tula ng mga salitang naglalarawan (pang-uri). Sundin ang pormat ng tula sa
ibaba:
 Apat na saknong na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong.
 Malayang bumuo ng sariling pamagat. 20 Puntos.

Aralin Sanaysay: “Tatlong Mukha ng


4 Kasamaan”
23
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Inaasahang Kasanayan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kakayahan:
1. nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng
nagsasalita; at
2. naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng
kabataang Asyano gamit ang mga pang-ugnay.

PAGTUKLAS
GAWAIN 1: Pagpuno ng Talahanayan
Ang buhay ay maiksi, ayon sa Santiago 4:14, “ ang buhay ay parang usok lamang,
sandaling lumilitaw at agad nawawala.
PANUTO: Sumulat ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagagandang
nagawa mo sa loob ng maikling panahon pa lamang ng iyong buhay. Isulat ito sa mga kahon
sa ibaba. Pagkatapos kunan ng larawan at ipasa sa messenger. 10 puntos

Ako si _________________ taong


gulang

Pinakamagandang nagawa ko sa Pinakamagandang nagawa ko sa


aking buhay aking buhay

Pinakamagandang nagawa ko sa aking buhay

Kung iyo ng napagtagumapayan ang Gawain 1: Pagpuno ng Talahanayan ay


maaari na tayong dumako sa susunod na gawain. Halina’t simulan nating basahin ang
sanaysay na may pamagat na Tatlong Mukha ng Kasamaan.

PAGLINANG 24
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

Tatlong Mukha ng Kasamaan


Sinulat ni U Nu
Isinalin ni Gng Salvacion M. Delas Alas

May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: kasakiman, galit/poot, at


kamangmangan sa batas ng sandaigdigan. Ang mga bagay na ito ay batas ng kalikasan,
kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista.
Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang
pagtanda, karamdaman,at kamatayan.
Nag-aangkin din ang isang nilalang ng limang katangian mula sa kanyang pagsilang.
Ang kakayahang magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga
sa musika at awitin, magpahalaga sa pagkaing kanyang naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang
halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong
mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas.
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala, sapagkat
walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa
kanyang libingan, kay? l?mang, may iba't ibang pananaw ang mga tao sa materyal na
yamang angkin nila habang sil? ay nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahitsil?ang
pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong bahagi sa
paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang
kapasiyahan dahil sa kasakiman.
Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang
kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan. Sa batas
na makatao ay sinasabi na ang lahat ng yamang materyal ay dapat gamitin ng sinumang tao
sa kanilang pangangailangan. Ngunit nang makilala ng tao ang kanyang pagkamakasarili,
ginamit ang materyal na yaman sa sariling kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng
maraming bagay na:
1. Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap at mayaman.
2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan, sapagkat kalimitan ang
isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya
pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging
napagsasamantalahan, samantalang sila ay nagkakamal ngyaman. Bunga ng ganitong
pamamaraan ang mahihirap ay natutongmagnakaw, pumatay, at ang kababaihan ay
nagbebenta. ng sariling katawan.
4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay
maagang namamatay. Ito ay ang Karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan
sa pagkain, at kakulangan sa buhay na isa sa pangunahing kailangan ng tao. Totoo, ang
paniniwalang ito ni Buddha, sapagkat abala ang mayayaman sa kanilang pagbubuhay hari,
dahil sa pagsasamantala nila sa maliliit. Ganito ba ang batas na makatao, samantalang
ang nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng malilit, silang mga biktima ay laging api.
Dahil sa apat na dahilan ay hindi maiiwasan ng maliliit na magkaroon ng karamdaman.
5. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang
makapagpapaunlad sa kanilang buhay? Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay
siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.
6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay
25
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

mangmang? Anong kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?

Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig aynagmulanang matuklasan ng tao


kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan. May
natatandaan ba kayong alamat na ikinuwento sa inyo ng mga Lolo at Lola ninyo?
Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na may pangalang Padaythabin
(punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao).
Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay
nakukuha sa naturang puno, kaya walang suliranin ang mga mamamayan sa pagkain, damit,
at tahanan. Dahil sa bagay na iyon mistulang nasa paraiso ang mga tao, sapagkat ang
punong Padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman.
Inabuso nila ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.
Mula noon, maraming tao ang nagutom, dahil sa pagkawala ng mahiwagang puno.
Nakilala ng mga tao ang krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw.
Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa kayamanang likas sa
ating bansa, sa ating paligid, at ilalim ng lupain. Kung ang bawat likas na yaman ng ating
bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga nakararaming mamamayang nangangailangan
siguro'y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang kasamaan ng
sangkatauhan.
Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang dahilan, nakilala ng mga
tao ang kasakiman. Ang maraming mahihirap ay nangangarap na yumaman. Ang maraming
mayayaman, patuloy at patuloy pa ring nangangarap na magkamal nang katakot-takot na
yaman na walang katapusan.
Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng
materyal na bagay, kahit para silang lintang sumisipsip ng dugo sa kanilang
pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung bakit may mayayaman
sa kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit silang
mamumuhay sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong mukha ng kasamaan ay
mistulang basahan ang saplot sa kanilang katawan.

GRAMATIKA
PANG-UGNAY
PANG-UGNAY- Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang salita, ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay at
pangungusap.

PANGATNIG – Ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o


sugnay na pinagsusunod sa pangungusap.
-at,pati,saka,o,ni,maging,ngunit,Subalit,kung, nang, bago,upang, kapag,dahil, sapagkat,
palibhasa,kaya,kung gayon

PANG-ANGKOP - Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


Na - ginagamit ang salitang ito kapag nagtatapos sa katinig.
Ng - ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa patinig at N.

26
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

PANG-UKOL - Tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap tulad ng ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, tungkol sa/kay, hinggil sa/kay,
alinsunod sa/kay

PAGPAPALALIM

GAWAIN 2: Double Journal Entry


PANUTO: Basahin ang alamat ng “Padaythabin” na ginamit ni U Nu
upang ilarawan ang sanhi at epekto ng pagsama ng daigdig. Gamit
ang Double Journal Entry ay suriin ito maipahayag ang sarili mong
ideya o pam=nanaw tungkol dito. Pagkatapos ay makipag-partner sa
isa mong kamag-aral upang pag-usapan ninyo ang inyong mga
naging sagot. Gumuhit ng talahanayan sa isang buong papel
kagaya ng na sa ibaba. 15 puntos.

Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay


nakukuha sa puno ng Padaythabin. Kaya walang suliranin ang mga mamayan sa
pagkain, damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon mistulang nasa paraiso ang mga tao,
sapagkat ang punong padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga tao
ang kasakiman. Inabuso nila ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.
Mula noon, maraning tao ang nagutom, dahil sa pagkawala ng mahiwagang puno.
Nakilala ng mga tao ang krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw.

Ang Aking Sariling Ideya Tungkol sa Ang Ideya ng Aking Kamag-aral Tungkol sa
Mensahe ng Alamat Mensahe ng Alamat

PAGLILIPAT

27
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

GAWAIN 3: Pagsulat ng Sanaysay


Panuto: Sumulat ng Sanaysay tungkol sa mga DAPAT at HINDI DAPAT na
katangian ng mga Kabataang Asyano gamit ang mga pang-ugnay. Isulat ito sa short
bondpaper. 20 Puntos.

PERFORMANCE TASK
Ang Pandan Bay Institute Inc. ay maglulunsad ng isang Book Fair na naglalayong ipalaganap
ang mga Akdang Pampanitikan ng Timog Silangang Asya. Ikaw, bilang mag-aaral sa ika-
siyam na baitang ay inaatasang gumawa ng isang malikhaing portfolio tungkol sa mga
Akdang pampinitikan sa Timog Silangang Asya. Ang iyong likha ay magiging bahagi sa Fair
at ito ay maaaring mabasa ng mga taga Pandan at karatig bayan na dadalo sa book fair na
itatampok sa Buwan ng Wika. Ito ay tatayahin sa sumusunod na pamantayan na makikita sa
ibaba.

RUBRIKS

Binigyan ng Tuon 5 puntos 3 - 4 puntos 1 - 2 punto


Natatangi Katamtamang Nangangailangan
Kagalingan ng Tulong

Pagiging Orihinal at Ang kabuuan ng Natapos ang portfolio Natapos ang portfolio
Pagkamalikhain portfolio ay nagpakita subalit hindi gaanong subalit kapos ang
ng lubusang orihinal at hindi paggamit ng
orihinalidad at gaanong malikhain. pagkamalikhain at
pagkamalikhain. walang orihinalidad.
Pagsisikap at Kinakitaan ng lubusang Kinakitaan ng Kinakitaan ng kaunting
Pagtitiyaga pagsusumikap, lampas pagsusumikap ang pagsusumikap ang
pa sa natapos na portfolio natapos na portfolio.
kinakailangan, ang subalit may ilang mga
natapos  na portfolio. kulang na detalye.
Kasanayan sa Mahusay at maganda Natapos ang portfolio Natapos ang portfolio
pagbubuo ang nabuong portfolio. subalit may mga subalit lubhang magulo
depektong nakita. at hindi maunawaan.
Saloobin at Masigasig na gumawa Masigasig na gumawa Walang sigasig sa
responsibilidad upang matupad ang subalit kinakailangan paggawa at kailangan
layunin ng pangkat. pa ng tulong buhat sa pang paalalahanan
iba. nang malimit.

28
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Filipino 9 Unang Kwarter

MGA SANGGUNIAN

MGA AKLAT:
BAISA-JULIAN, et.al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing
House, INC.

PEAC Module

WEBSITES:
Mga Panitikan ng Timog-Silangang Asya
https://0701.static.prezi.com/preview/
v2/6zeeevk3g4wtxqi623z5fxfh4x6jc3sachvcdoaizecfr3dnitcq_3_0.png

Ang Ama
https://i.ytimg.com/vi/-xQiTscAbfI/maxresdefault.jpg

29
“Make Jesus Christ Known and Loved”

You might also like