Daloy NG Buhay
Daloy NG Buhay
Daloy NG Buhay
“Walang tubig” ito ang linya na palaging namumutawi ng mga mag aaral.
Isa sa problemang kinakaharap ng mga mag aaral sa paaralan ng Perpetual Help
National High School ay ang kawalan ng suplay ng tubig na gagamitin sa kanilang palikuran o
pagdidilig ng mga halaman. Ang paaralan ay walang maayos na koneksiyon sa patubig na
pinapamahagi sa kanilang lugar. Napagtanto ng mga opisyal sa paaralan at ng komunidad na
kailangan nilang wakasan ang problemang ito. Ang mga opisyal at mga mamamayan ay
nagkaisa upang matulungan ang paaralan sa pagpapakabit ng bagong pasilidad sa patubig.
Marami ang nagagalak ng dahil sa balitang magkakaroon na ng patubig ang paaralan. Mga
guro, mag aaral, magulang, at mga mamamayan. Sa pagtutulungan ng mga guro, magulang, at
mga mamamayan ay naging matagumpay ang pagpapalagay ng patubig sa paaralan. “Labis
akong nagagalak sapagkat sa wakas ay nagkaroon na ng patubig ang aking pinapamahalaang
paaralan,” saad ng punong guro. Ngunit paano nga ba gumagana ang mga pasilidad ng patubig
upang makadaloy ito sa mga kabahayan at iba pang establisiyemento? At ano ang dahilan kung
kung kaya,t hindi agad nagkaroon ng pasilididad sa patubig patubig ang paaralan ng Perpetual
Help?
Ang tubig ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
Ito ay ayon sa mga pag aaral na ang katawan ng tao ay binubuo ng humigit kumulang 75% ng
tubig. Napakahalaga ng tubig lalo na sa pag inom at pag gamit nito sa iba pang bagay tulad ng
mga palikuran. Kung kaya’t lahat ng paaralan ay mayroong patubig na gagamitin sa mga
palikuran. Ang mga water facilities ay naglalaro ng mahalagang papel sa pamamahagi ng tubig
sa mga komunidad. Mayroong ilang yugtong dinadaan ang tubig bago ito mailagay sa
distribution systems ng komunidad. Unang hakbang dito ay ang pagkuha ng tubig mula sa mga
anyong tubig tulad ng mga ilog at mga lawa. Susunod ay dadaan ito sa mga proseso kung saan
ginagawang malinis ang tubig. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention(CDC), ay
may 5 yugto upang masiguro na malinis ang tubig na ibinibigay sa mga mamamayan. Ito ay ang
coagulation, flocculation, sedimentation, filtration, at disinfection. Pagkatapos ng mga
prosesong ito ay maari nang pumunta sa yugto kung saan ang naprosesong ay dumidiretso na
sa mga storage tanks sa mga komunidad at nagsisimula nang ipamahagi ang tubig sa mga
mamamayan. Kadalasang nagkakaroon ng problema sa pamamahagi ng tubig sa matataas na
lugar. Nahihirapang tumungo pataas ang tubig sapagkat mayroong gravity-ito ang natural na
kahinaan na nagpapakawala sa mga bagay papuntang ibabaw ng lupa. Tinutulak nito ang tubig
pababa na nagiging dahilan upang hindi maayos na makadaloy ng pataas ang tubig. Isang
halimbawa nito ay ang Perpetual Help National High School. Nasa mataas na bahagi ng lupa
nakapwesto ang paaralang ito kung kaya’t hindi madaling makadaloy ang tubig papunta sa mga
silid-aralan. Ngunit sa tulong ng pressure na naibibigay sa tubig na galing sa mga makina na
tumutulong upang mapadaloy ang tubig ay nakakadaloy na rin ito kahit sa matataas na lugar.
Ang siphoning machine o water pressure pump ay nagsisilbing tagahigop ng tubig galing sa
baba upang makataas ito patungo sa water tanks na pinagiimbakan ng tubig bago ito ipamahagi
sa bawat silid aralan. Ayon sa HomeServe, ang siphoning machine o water pressure pump ay
isang uri ng pump na ginagamit upang mapataas ang pressure ng supply ng tubig sa isang
bahay o gusali. Itinutulak na nito pataas ang tubig upang makadaloy na ito sa mga matataas na
lugar. Mas mataas ang water pressure, mas madali para makadaloy ang tubig sa matataas na
lugar. Kung kaya’t ang patubig ngayon sa paaralan ng sekondarya ng Perpetual Help.
Malaki ang naidulot na pagbabago ng pasilidad ng patubig sa mga mag aaral ng
Perpetual Help. Kung noon ay nahihirapan pa silang humanap ng mapagkukunan ng tubig
upang gamitin sa mga banyo, ngayon ay hindi na. Nakatulong din ito upang mas mapadali ang
paggamit ng palikuran ng mga estudyante at guro. Sila ay nakakagamit na ng banyo anumang
oras man nila gustuhin nang hindi nag iisip tungkol sa gagamiting tubig. Isang panganib din na
kapag hindi ka agad nakagamit ng banyo ay magkaroon ka ng UTI o ang tinatawag nilang
Urinary Tract Infection. Ayon sa Department of Health, ito ay isang bacterial infection sa sistema
ng pagtatalsik ng ihi na nangangailangan ng medikal na pag alalay upang magamot. Isa ito sa
mga karaniwang sakit na nakukuha sa hindi paggamit ng banyo upang ilabas ang urine ng ating
katawan. Kung kaya’t ang mga estudyante at guro ay nabawasan ang mga dahilan ng kanilang
pagkakaroon ng UTI.
Tunay ngang napakalaki ng naitulong ng bagong pasilidad sa patubig sa mga
estudyante at guro ng Perpetual Help National High School. Hindi na nila kailangan pang mag
igib ng tubig mula sa pinakamalapit gripo. Hindi na masasayang ang kanilang oras na
maghintay na mapuno ang mga dala nilang sisidlan ng tubig. Imbes na ginaagamit nila ang oras
na iyon sa pag-aaral ay nailalaan ito sa ibang bagay, at higit sa lahat ay madali na silang
makakuha ng tubig na gagamitin hindi lamang sa banyo kundi pati na rin sa mga halaman.
Kapag nadidiligan ng maayos ang mga halaman ay lumalago ito at gumaganda. Kapag
maganda din at malago ang halaman ay nakakapag absorb ng carbon dioxide- hangin na
inilalabas ng tao. Sa pamamagitan ng kaniyang pag iipon ng carbon dioxide ay nagiging presko
ang hangin sapagkat ang naipon niyang carbon dioxide ay ginagawa niyang oxygen- isang uri
ng gas na ginagamit ng tao upang mapagana ang kaniyang body systems. Gamit rin ang tubig
ay napapanatili na ang kalinisan sa mga silid-aralan.
Ang patubig na ikinabit sa Perpertual Help National High School ay ang muling bumuhay
sa unti unting namamatay na atmospera ng paaralan. Napapanatili nang muli ang kalinisan at
kaayusan ng paaralan ng dahil sa pasilidad ng patubig. Nagiging isang ligtas na lugar ang
paaralan para sa mga estudyante at guro. Malayo sa mga sakit at sa anumang masasamang
bagay na makakaapekto sa kanilang kalusugan.