Tornilyo
Itsura
Ang tornilyo ay isang matulis na piraso ng reskadong metal na kawangis ng pako. Hindi katulad ng isang pako, mayroon itong pilipit na ukit hanggang sa dulong matulis. Dinidiin ang isang tornilyo sa isang kahoy at iniikot ng pamihit-tornilyo at magkakaroon ng mga ukit ang kahoy. Iniiwasan nito na malaglag ang tornilyo, na katulad ng isang pako. Nahahati ang mga tornilyo sa tornilyong kahoy, tornilyong makina at tornilyong sariling-natatapik.
May mga reskado ang mga tornilyong makina na tinatambal sa tuwerka na may babaeng reskado. Maaaring yari ang tornilyo sa bakal, asero, tanso, tansong dilaw, at iba pa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.