Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
KABANATA 3 Metodolohiya Disenyo ng Pananaliksik Ang kalikasan ng saliksik ay deskriptibo. Sa partikular, ito ay gumagamit ng surveyquestionnaire upang makakuha ng respondente at panayam bilang paraan ng pangangalap ng datos mula sa mga respondente. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinakamabisang paraan upang mangalap ng datos dahil ito ay naglalabas ng malalalim na resulta. Limitado ang bilang ng respondente, ngunit ang uri ng disenyo ay magreresulta sa malalim at mabisang kasagutan mula sa mga respondente. Ang disenyong deskriptibo ang nakita ng mananaliksik na pinakamabisa dahil ang resulta ay bibigyan interpretasyon at inilalahad. Instrumento Ang pananaliksik na ito ay may dalawang bahagi, ang paggamit ng survey-questionnaire upang paliitin ang 40 respondente na nakuha mula sa pamamaraang random sampling para makapili ng makakapanayam sa ikalawang bahagi, ang panayam. Sa pagpapaliit ng populasyon ay mas lubusang masasala at mapipili ang mga karapat-dapat na respondente sa nasabing saliksik. Naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan ng mga paraan na ito ay makakakuha ng malalim at kasiya-siyang datos mula sa mga respondente.