Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Summative Test Week 3-5 The New Normalq2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Summative Test

Quarter 2 Week 3-4


English 5
Name:______________________________ Date: ________
Grade & Section:______________________ Score: _______

CONJUNCTIONS
A. Directions:Identify the conjunctions used in each sentence. Encircle your answer.

1. Mila is happy for she is healthy.


2. She places fruits and sandwiches in my bag.
3. On weekends we stay at home or visit my grandparents.
4. Shelo noticed this, so she started to put up a small business.
5. My father does not want pets, yet always feeds the chicken in my grandpa’s farm.

B. Read the sentences carefully. Then write the appropriate conjunctions in the blanks. Select
from the conjunctions on the box.

but or and because yet for until

6. Mia loves to dance __________ sing.


7. Cole is only two, _______ she can already tell a story.
8. “ Do you like juice _______milktea?”
9. Louie gained weight,_______ she eats chocolates and sweets very often.
10. Cori asked her teacher if she should write ____ type her poem.

IDENTIFYING POINT OF VIEW


Directions: Write the clue words in the box where they belong.

Summative Test
Quarter 2 Week 5-6
English 5
Name:______________________________ Date: ________
Lhazanza2021
Grade & Section:______________________ Score: _______
Images/Ideas That Are Explicitly Used To Influence The Viewers
Directions: Identify the different images/ideas. Write P if it’s usefor propaganda S for
stereotypes and PV for point view.

_____1. ______ 2.

_____3. ______ 4.

___ 5.

Type of Viewing Materials


B. Directions: Read and understand each statement below. Explain your answer.

What viewing material will you …..


1. use to watch your favorite cartoon?
__________________________________________________________________________
2. find mostly in the Museum of Art?
__________________________________________________________________________
3. use to present an organizer of ideas in class?
__________________________________________________________________________
4. use to store what you did in the computer class?
__________________________________________________________________________
5. use to know the latest news around?
__________________________________________________________________________

Lagumang Pagsusulit 2
Ikalawang Markahan
Filipino 5
Pangalan:______________________________ Petsa: ________
Lhazanza2021
Baitang at Seksiyon:______________________ Iskor: _______
Basahin ang kwento sa ibaba.
Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro.
“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton habang tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa,
may adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na pata at marami pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya at
nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan
ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang
gabi.
Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at
ipinaghahanda, subalit sa abot na lang ng kanilang makakaya.

Panuto: May nabasa kang mga salita na magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan sa kuwentong
iyong binasa. Piliin mo sa kuwento ang mga ito. Isulat mo sa ibaba.

1. ___________________ ________________________
2. ___________________ ________________________
3. ___________________ ________________________
4. ___________________ ________________________
5. ___________________ ________________________

PANUTO: Basahin at unawain ang ipinahihiwatig ng bawat saknong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
______ 1. May angking katapangan
Handang Ipagtanggol ang bayan;
Laban sa mga nang-aabuso,
Tayong mga Pilipino, makabayang totoo.
A. kabayanihan B. kasipagan C. katapangan D. mapagmalaki

_____ 2. Saan mang panig ng mundo,


Madaling makilala ang Pilipino
Kayumanggi ang kulay,
Wastong pag-uugali ang taglay.
A. Katangian ng mga Pilipino C. Kinalalagyan ng mga Pilipino
B. Kaugalian ng mga Pilipino D. Kulay ng balat ng mga Pilipino

______3. Tayong mga Pilipino'y may isang lahi,


Galing sa marangal na tribu at lipi;
Angkan ng mga maginoo't bayani,
Sambayanang maipagmamalaki.
A. Pagkakaisa B. Pagkamakasarili C. Pagmamalaki D. Pagsama-sama
______ 4. O bayang nalugmok sa kasawian,
Bumangon at ika'y lumaban;
Sa sipag at tiyaga'y iyong abutin,
Ang lahat ng iyong mithiin.
A. Pag-asa B. Paghihirap C. Pag- ibig D. Pagkabigo
_____ 5. Araw-araw ay maaga kang gumigising
Aklat at bag ay bitbit mo sa pagpasok
Matamang nakikinig sa gurong nagtuturo
Nang sa gayo'y magkaroon ng kinabukasang
Minimithi ng sinumang nagnanais ng kaginhawaan.
A. Pag-aaral B. Pagmamalaki C. Pakikinig D. Pangarap

Basahin ang maikling talambuhay nin Alfredo Tao.

Lhazanza2021
Naging mahirap ang buhay para Alfredo Tao mula sa edad na 12 dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama.
Naglako siya sa mga bangketa para magkaroon ng panustos sa kaniyang pamilya. Tinulungan siya ng kaniyang
mga mababait na kamag-anak na makatapos ng mataas na paaralan. Subalit hindi siya nakatapos ng kolehiyo
dahil sa iba’t-ibang sabay-sabay na trabahong pinasok niya. Subalit hindi sumuko si Alfredo sa pag-abot ng
kaniyang mga pangarap.
Isa sa mga napasukan niyang trabaho ay sa packaging sa imbakan (warehouse) ng isang kompanya.
Minsang naghatid siya sa isang imprenta, nakita niya ang potensyal ng negosyo sa packaging. Naglaan siya ng
salapi at panahon para sa printing press. Pinangalanan niya itong Solemar Commercial Press, sunod sa pangalan
ng kaniyang ina. Nagiimprenta ang kanyang kompanya ng mga plastic na pambalot ng kendi at biskwit. Sa loob
ng 20 taon ay lumago ang negosyo.
Noong 1979, nakita niya ang potensyal ng bagong negosyo sa pagkakaimbento ng doypack. Ang
doypack ay isang selyadong plastic na lalagyan na nakakatayong mag-isa. Inialok niya ang bagong produkto sa
mga gumagawa ng mga juice, subalit walang bumili. Taong 1980 nang magpasya siyang gumawa ng sariling
juice na ilalagay sa doypack at tinawag itong Zest-O. Ngayon, isa na ito sa mga pinakamatagumpay na
kumpanya na nagbebenta ng inumin.

PANUTO: Isulat ang TAMA kung tama ang pangungusap batay sa talambuhay na iyong binasa. Kung mali,
ipaliwanag kung bakit ito mali. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Hindi naging pala-asa sa mga mababait na kamag-anak si Afredo Tao.


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Kaya hindi nakatapos ng kolehiyo si Alfredo ay dahil hindi sila tinulungan ng kanilang mga kamag-anak.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Ang ideya sa kaniyang unang negosyo ay nagmula sa kaniyang nakita sa imprenta.


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Naging kuntento na si Alfredo sa negosyo niyang pag-iimprenta ng mga balat ng kendi.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Nang walang pumasin sa alok niya na gumamit ng doypack, siya na mismo ang gumawa ng juice na ilalagay sa
doypack para ibenta.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Lagumang Pagsusulit
Ikalawang Markahan- Ika-apat
Filipino 5
Lhazanza2021
Pangalan:______________________________ Petsa: ________
Baitang at Seksiyon:______________________ Iskor: _______

PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon o pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang paggamit ng
magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon o pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
________ 1.Katatapos mo lang mag-floorwax sa loob ng silid-aralan ninyo, sinabihan ka ng iyong guro na maghugas
na ng iyong mga kamay dahil malapit ng magsimula ang unang aralin sa klase ninyo. Sa hindi
inaasahang pagkakataon nakasalubong mo ang isang guro at inuutusan ka niyang dalhin mo ang sulat
sa guwardiya na
kailangan ng isang magulang na naghihintay doon. Anong magalang na pagtanggi ang maaari mong
isagot?
A. Ma’am pasensya na po, hindi ko po magagawa. Magsisimula na po kasi ang unang aralin namin sa
klase.
B. Ma’am hindi ko po magagawa, sabay alis.
C. Ma’am iba na lang utusan ninyo.
D. Ma’am saan po ba iyon?

________ 2.Araw ng Lunes maagang naghanda sa pagpasok sina Mario at Manny. Si Mario ay nasa ikalimang
baitang habang si Manny naman ay nasa ikatlong baitang. “Mario, Manny halikayo muna” ang tawag
ng kanilang Ina. Bibigyan na pala sila nito ng perang baon. Ngunit si Mario ay nakasimangot ang
mukha, dahil hindi pala parehas ang perang baon nila. Kung ikaw si Mario, anong magalang na
pananalita ang sasabihin mo sa iyong Inay?
A. Inay, ito lang po baon ko na pera.
B. Madami po kay Manny, Inay naman.
C. Hindi na lang po ako papasok ngayon.
D. Hindi po ako sumasang-ayon Inay, dahil parehas po ang binabayad namin sa pagbili sa tray sa
aming kantina.

________ 3.Nagkaroon ng botohan sa loob ng inyong klase, para sa pagpili ng


bagong opisyales sa asignaturang Filipino. Pinili ng iyong kamagaral si Marvie para maging pangulo.
Binotohan ito ng karamihan at siya ay nanalo, ngunit hindi sumasang-ayon ang iba, dahil alam nila na
ang mga bomoto kay Marvie ay magugulo katulad niya. Kung ikaw ay isa sa mga kamag-aral nila,
paano mo sasabihin ang ideya mo ng may paggalang?
A. Iba ang pananaw ko, ayoko sa kanya kasi magulo siya.
B. Wala akong gagawin na pagsunod sa binoto ninyo.
C. Naniniwala po ako na dapat nating bigyan ng pagkakataon na mamuno ang ibinoto ng karamihan.
D. Hindi ako sumasang-ayon, wala lang!

_______ 4.Inutusan ka ng iyong kamag-aral na manguha ng mangga sa likod ng inyong paaralan pagkatapos ng
klase. Ano ang iyong magalang na isasagot?
A. Pasensya ka na, hindi ko magagawa ang inuutos mo sa akin, dahil mali ang kumuha ng walang
pahintulot.
B. Iba na lang ang utusan mo, dahil hinihintay ako ni Nanay.
C. Ikaw na lang ang kumuha, para hindi ako madamay.
D. Ayoko nga! Mapagalitan pa ako.

________ 5.Pinag didebatihan sa loob ng inyong klase ang 4Ps o Programang Pantawid Pamilyang Pilipino, kung
dapat bang ituloy ito ng pamahalaan o hindi. Bilang isa sa binipesyaryo ng 4ps, ano ang magalang na
opinyon mo ukol dito?
A. Sa tingin ko, dapat wala ng 4Ps.
B. Naniniwala po ako, na dapat ipagpatuloy ang 4Ps, dahil nakatutulong po ito sa aking pag-aaral at
sa aming pamilya.
C. Hindi ako sumasang-ayon, dahil nagbubunga ito ng mali.
D. Tama kayo, maganda ang 4Ps sa ibang pamilya.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik M kung matatag na Opinyon at titik N kung neutral na opinyon.

_________1. Buong igting kong pinagmamalaki ang ating mga frontliners na handing tumulong sa mga
mamayang Pilipino.
_________2. Kumbinsido akong matatapos din ang epidemyang ito kung lahat ay desiplinado.
_________3. Sa tingin ko makabubuting manatili muna sa tahanan ang lahat ng tao para hindi kumalat ang virus.
_________4. Sa aking pananaw nararapat lamang na magtipid ngayon sa panahon ng krisis.
_________5. Sa totoo lang mas mabuti pa magnegosyo kesa umasa sa buwanang sweldo.

Lhazanza2021
Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang susunod na balita. Pakinggan nang mabuti
at magbigay ng reaksyon o opinion tungkol dito. Piliin ang lamang ang letra ng iyong sagot.

1. Bill ng MERALCO, Itataas na!

Itataas ng MERALCO ang bayad sa kuryente sa darating na buwan. Ito ay alinsunod sa pagtaas ng singil sa labas na
binibili ng pribadong ahensya sa NAPOCOR. Bagay itong ikinakabahala ng mga mamimili sa kinabibilangan ng
milyonmilyong pamilya. Labag man sa kalooban ng mga pinunong naglilingkod ng ahensya ay wala silang magagawa
dahil ito ang kahilingan ng kasalukuyang sitwasyon. A. Ang paninigarilyo ay hindi nakakabuti sa kalusugan.
A. Para sa akin’ dapat tayong kumilos ng sama-sama upang masugpo ang epidemya.
B. Sa tingin ko’ ay magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa darating na pasukan.
C. Sa aking palagay ang pagtataas ng bill ng kuryente ay hindi makatarungan lalo at my epidemya.

2. Pinoy namatay sa Pagsabog sa Beirut!

Umakyat na sa apat ang namatay na Pilipino habang nasa 31 iba pang kababayan ang nasugatan sa naganap na
dalawang pagsabog sa isang warehouse sa Beirut, Lebanon nitong Martes.
A. Buong igting kong ipinagmamalaki ang ating bansang Pilipinas.
B. Sa aking palagay’ ay mahihirapan ang mga estudyante sa gawaing ito.
C. Sa aking pananaw nalalapit na ang vaccine para masugpo ang covid-19.
D. Sa tingin ko dapat mas lalo pa mag-ingat ang ating mga OFW’s upang maiwasan ang trahedya.

3. DSWD, Handa sa SAP 3

Nasa desisyon na ng mga mambabatas kung itutuloy ng pamahalaan ang ikatlong tranche ng Social Amelioration
Program (SAP).
A. Sa tingin ko May mga taong ang gawain ay magsilbi ng kapwa.
B. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
C. a totoo lang nararapat lamang ibigay parin ang SAP 3 lalo sa panahon ngayon ng epidemya.
D. Sa aking pananaw dapat hindi pinapansin ng mga katulong sa pamayanan ang hirap at pagod sa pagganap ng
kanilang tungkulin.

4. Probe vs. Korapsyon sa PHILHEALTH iniuutos.

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y malawakang


korapsyon sa PhilHealth.

A. Kumbinsido akong dapat lamang imbestigahan ang korapsyon sa Philhealth upang mas makinabang ay
mamamayang Pilipino.
B. Para sa akin ang pagtutulungan ay mahalaga upang gumaan ang hirap na pinagdadaanan ng bawat isa.
C. Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.
D. Lubos kung pinaniniwalaan na malalampasan natin ang epidemyang ito.

5. Ekonomiya ng ‘Pinas ,lumagpak!

Lumagpak ang paglago ng ekonomiya ng bansa para sa 2nd quarter ng taong 2020.

A. Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.


B. Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
C. Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.
D. Sa tingin ko makakabangon parin ang ekonomiya ng Pilipinas kung may vaccine na ang Covid-19.

Lagumang Pagsusulit
Lhazanza2021
Linggo 1-2
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Pangalan:______________________________ Petsa: ________
Baitang at Seksiyon:______________________ Iskor: _______

Lagumang Pagsusulit
Linggo 3-4
Lhazanza2021
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-ICT Entrep 5
Pangalan:______________________________ Petsa: ________
Baitang at Seksiyon:______________________ Iskor: _______
PANUTO: Tukuyin kung anong mga negosyo ang maaaring pagkakitaan ng mga sumusunod na inilalarawan.
Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba at isulat sa puwang bago ang bilang ang titik ng iyong pinili.
___________1. Mayroong malawak na bakuran sina Sara na maaaring pagtaniman ng iba’t ibang halaman.
___________2. Gumagana pa naman ang makinang pantahi ng iyong nanay at nais mo sanang mapagkakitaan
ito.
___________3. Kinagigiliwan ng mga tao ang ina ni Tonton sapagkat napakasarap at napakabango parati ng
kanyang mga niluluto.
___________4. Kinahiligan na nina Juan at Rita ang pagluluto ng kanilang kakaining meryenda at naisip nila
na maganda rin pala itong pagkakitaan
___________5. Malayo layo pa ang tindahan mula sa bahay nina Clarisse at marami rin sa kanyang mga
kapitbahay ang nagrereklamo sa mahabang paglalakad papuntang tindahan.

Pananahi Paglalabada Tingiang tindahan


Pagluluto Paghahalaman Pagmamasahe o hilot
Garage sale Online selling Pag-aalaga ng mga hayop
Pagtitinda ng mga meryenda

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag at ekis (X) naman kung mali.

_____1. Walang negosyo ang maaaring gawin sa mga tahanan.


_____2. Ang online selling ay hindi maaaring gawin sa loob ng tahanan.
_____3. Maaaring gawing negosyo ang pag-aalaga ng mga baboy at manok.
_____4. Maibebenta pa ang mga damit at gamit na maaayos pa ngunit hindi na nagagamit.
_____5. Makatutulong ang may iba’t ibang kakayahan at kasanayan tulad ng pananahi at pagluluto upang
makapagsimula ng isang negosyo.

TALAAN NG PAGBEBENTA NG PRODUKTO

suman puto bibingka puto bumbong


6.00/piraso 6.00/piraso 15.00/piraso 15.00/piraso

PANUTO: Gumawa ng talaan tungkol sa pagbebenta ng natatanging produkto na ipinapakita ng larawan sa


itaas.. Punuan ang mga datos na kailangan.
PANINDA PRESENTASYON PARAAN NG HALAGA/ PRESYO
PAGBEBENTA
Hal. suman Nilalako/ online per piraso Php 6.00 per piraso
1.
2.
3.

Lagumang Pagsusulit
Lhazanza2021
Linggo 5-7
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-ICT Entrep 5
Pangalan:______________________________ Petsa: ________
Baitang at Seksiyon:______________________ Iskor: _______
A. Panuto: Isulat sa linya ang letrang T kung tama ang isinasaang ng pangungusap at M kung ito ay mali.
____________1. Kailangan ang e-mail address upang makapagbukas ng libreng account sa facebook.
____________2. Makipag-chat kahit kanino mo gusto.
____________3. Ang Facebook website ay isang social networking site.
____________4. Huwag ipamigay ang mga sensitibo at personal na impormasyon sa taong ‘di mo kilala.
____________5. Ang mga panuntunan ay dapat sundin upang mapanatili ang kaligtasan at maiwasan ang
anomang karahasan sa online world
____________6. Ang chat ay pakikipag-usap ng pormal o personal sa taong gusto mong kausapin.
____________7. Discussion forum ang tawag sa pagpopost ng iyong katanungan sa internet.
____________8. Ang messenger ay isang halimbawa ng website na pwedeng makipagchat.
____________9. Sa pagsali sa discussion forum, hindi kailangang online din ang mga sumasali dito upang
makasabay sa usapan.
____________10. Live o real time ang nangyayari kapag pakikipag-chat.
B. Panuto:Gumuhit ng masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang gawi at
malungkot na mukha ( ) kung hindi.
_________1. Gumawa si Covida ng isang mensahe na ibig nya ipost sa instagram tungkol sa kayang kamag-
aral dahil sa kanyang pagkainis at sobrang galit.
_________2. Nagkaroon ang grupo ng mag-aaral ng isang discussion forum. Isa sa mga ito ang nagtanong na
malayo sa pinag-uusapan.
_________3. Tiningnan muna ni Alberto ang thread ng usapan bago sya muli magpost upang maiwasan ang
pagkadoble nito.
_________4. Nagpost ng isang advertisement si Jenny sa isang chat na sinalihan nya.
_________5. Sa halos isang buwang pagsali ni Carlo sa isang discussion forum, kailanman hindi nya ginawang
magpost ng mga sensitibong mensahe.
C. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Bilugan ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.
1. Ito ang tawag sa spreadsheet ng Microsoft.
a. Word b. Excel c. Power Point d. Publisher
2. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito?
a. Formula b. Function c. Average d. Autosum
3. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?
a. (=) equal b. (+) plus c. (*) asteris d. (/) slash
4. Ito ang ginagamit kung nais i-divide ang isang cell sa isa pa.
a. (*) asteris b. (=) equal c. (/) slash d. (+) plus
5. Ito naman ang ginagamit upang mag-multiply na isang cell sa isa pa o higit pa
a. (*) asteris b. (=) equal c. (+) plus d. (/) slash
6. Ito ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso.
a. Chart b. Tools c. Diagram d. Speadsheet
7. Ito isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng
mga ito sa computer file system.
a. Word Processor c. Spread Processor
b. Processesing Tools d. Diagram
8. Word processing tool na ginagamit upang makagawa ng isang diagram o plano.
a. Smart Art b. Clip Art c. Diagram d. Graph
9. Maliban sa SmartArt ay maari ding gumamit ng _________ para gumawa ng chart?
a. shapes b. columns c. tabs d. space
10.Anong diagram ang tawag dito?

a. cycle b. Process c. List d. Hierarchy

Lhazanza2021

You might also like