Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

ESP9 Q2 LAS1-WEEK7nidalocalized

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

A

EsP 9
Kwarter 2
Sanayang Papel Blg. 7
Pakikilahok at Bolunterismo
Subject Area and Grade Level: Edukasyon sa Pagpapahaaga9
Activity Sheet No. 1
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 8 – Division of Samar

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall


subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is crafted shall
be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may among other things impose as a condition the payment of royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 8 –


Division of Samar.

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be


reproduced or transmitted in any form or by any means electroni
Development Team of Mathematics Activity Sheet
Writer: Magnolia S. Fabillar, MT-II Motiong National High School
Illustrator: _________________________

Layout Artists: _______________________


Reviewer: Glendo T. Carido EdD

Editor: _______________________________
Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division
Superintendent
Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID
Rustum D. Geonzon PhD. - EPS – English
Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate
Felixzaro R. Borata - District Head
Edwin S. Rodulfa - School Head

mechanical, without written permission from the DepEd Regional Office 8 –


Division of Samar.
EsP 9

Pangalan: __________________________ Baitang: ____ Seksyon: ______


Pangalan ng Paaralan : ______________________________Petsa:___________

I. I. Panimula

Naranasan mo bang makilahok at maging isang volunteer?


Kagaya sa panahon ng pandemya ngayon na may COVID-19.
Maraming nagdaang kalamidad, krisis, at pagsubok na ating
naranasan sa ating bansa kabilang na rito ang bayan ng Motiong.
Maaring

Mapanood natin sa iba’t ibang medya tulad ng radio, telebisyon,


at nababasa sa pahayagan. Kapag dumating ang pagsubok na ito sa
ating buhay marahil ay masasabi mong “paano na kaya tayo?” sana
naman mayroong tumulong sa kanila. Ang mga ganitong kataga ang
madalas na sasabihin ng karamihang kabataang katulad mo o ang
iba wala pa ngang pakialam ukol dito. Nakakalungkot, hindi ba?
Hindi maibsan ang kalungkutan at paghihirap ng mga taong naging
biktima nito kung walang tutulong o dadamay sa kanila. May iba pa
nga na nagsasabi:” ano ang magagawa ko, malayo ako sa kanila!” o di
kaya’y bata ko pa wala akong magagawa.” Ngunit huwag sanang
maging ganito ang iyong kaisipan sapagkat bilang kabataan malaki
ang iyong magagawa dahil ikaw ay bahagi ng lipunan.

II. Kasanayang Pampagkatuto At Koda

Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo


at lipunan sa pag-unlad ng mamamayan. (Week 7a/EsP9TT-
IIg-8.1)

1
III. PAMAMARAAN

Gawain 1

A. Suriin

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (/)


kung ito y ginagawa mo at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang
inyong sagot sa inyong sagutang papel. Kopyahin ang pormat na
ibinigay sa ibaba.

Giinagawa Hindi ko ito


ko ito ginagawa
Mga gawain

1. Ako ay lagging nakikiisa sa


gawaing pambaranggay.

2. Ako ay tumutulong sa mga


gawaing pampaaralan.

3. Hindi ko ugali maglinis ng


aming bakuran.

4. Sumasama ako sa paggawa ng


mga proyektong ipinapatupad
ng aming komunidad.

5. Naglaan ako ng oras sa


pagtulonng sa aking kapwa.

2
B. Alamin

May pagkakaiba ba ang pakikilahok at bolunterismo?

Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes


o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi mayroong
mawawala sayo. Halimbawa ang paglahok sa pulong ng kabataan sa
barangay.

Sa bolunterismo, kung hindi mo gagawin, hindi ka apektado, kundi


taong iba na hindi mo tinulungan. Mananagot ka sa iyong konsensiya
sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa.

Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng


pagmamahal sa kapuwa at lipunan. Puwede nating magawa itro
halimbawa sa ating paaralan, sa panahon ng Brigada Eskwela, sa
proyekto ng PTA.

May malakas na kakayahan ang kabataang tulad mo na makilahok sa


mga gawaing makakatulong sa kaunlaran at ikakabuti ng paaralan,
pamayanan, at panlipunan. Ang pagkukusang lumahok sa
kapakipakinabang na mga samahan lalo na ngayon sa panahon ng
pandemya ay pagpapamalas ng pagiging isang responsableng
mamamayan na handang tumugon sa mga pangangailangan ng
lipunan at bayan

Ang bukal na pakikilahok at pagsali sa mga gawain at samahan na


naglalayon na makabawas ng mga suliranin ng paaralan, pamayanan,
at panlipunan. Bilang isang responsableng estudyante ng paaralan ng
Motiong National High School mas magiging madali ang paglutas sa
anumang suliranin kung tayo ay makikilahok at magiging katuwang
sa paggawa ng anumang hakbangin para sa ikauunlad ng ating
paaralan.

3
Kahalagahan ng bolunterismo

Ang bolunterismo ay isang magandang paraan upang matulungan


ang mga kabataan na planuhin kung ano ang kanilang gusting gawin
sa buhay. Ang pag- iisip ng tamang kurso o hanapbuhay para sa
hinaharap ay nakakalito para sa isang tao na walang sapat na
karanasan o kaalaman sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Ang bolunterismo at paglilingkod ay makakatulong upang sumubok


sa mga karanasan habang gumagawa ng magandang bagay para sa
lipunan.

Sa anumang plano ng paglilingkod, may ilang mahahalagang bagay


na dapat tandaan at isagawa.

1. HUWAG SUMUKO. Huwag pansinin ang mga tao na nagsasabing


hindi dapat ituloy ang nais mong gawin sa inyong pamayanan. Kung
sa iyong palagay ang iyong
plano ay makabubuti sa
kapwa, ipagpatuloy.

2.ALAMIN ANG MAGAGAWA NG


BAWAT ISA.

4
Ang paglilingkod ay hindi usapin ng pagalingan o pasikatan. Ito ay
isang paraan upang magkasama-sama ang mga talent at kakayahan ng
bawat isa. Lahat ng tao sa pamayanan ay may magagawa sa
ikatatagumpay ng proyekto.

3. MAGSAMA NG IBA.

Dapat di mo gawin ng mag-isa ang gawain para madaling magkaroon


ng katuparan ang inaasam.

4. ALAMIN ANG LAYUNIN.

Linawin at ilagay sa isip ang


naiss gawin upang hindi
maligaw sa panahon na
nagsasagawa ng proyekto.
Maglagay ng mga palatandaan
na magsasabi sa iyo kung
mayroong positibong resulta
ang iyong ginawang paglilingkod

Mayroong mga proyekto na maaring maganda sa paningin subalit hindi


naman nakatutugon sa pangangailangan sa pamayanan. Maging
obhehiktibo at kritikal sa pagpili ng isasagawang proyekto upang
makatiyak na ang ibibigay sa pamayanan ay iyong kailangan lamang
nila

III. PAGTATAYA
GAWAIN 2
Panuto: Isulat sa Venn Diagram ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo

5
GAWAIN 3.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang inyong pagkakaunawa sa hinihingi ng


bawat kolum. Gamitin ang pormat sa ibaba. Ang unang bilang ay
magsisilbing gabay o halimbawa mo para sa inyong pagsagot.

Kahalagahan ng pakikilahok at Pagkakatulad ng pakikilahok at


bolunterismo bolunterismo
1. Hal. Pagganap ng tungkulin Pagseserbisyo sa kapwa
at paglilingkod
sa kapwa
2.

3.

6
4.

5.

V.SANGGUNIAN
K -12 Learners Material sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pp 119-128
Most Essentialompetency 2020, Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Gawain 1
Ang sagot ng mga mag-aaral ay maarinng magkakaiba-iba
Gawain 2 at 3
Pamantayan sa pagbibigay ng iskor

You might also like