DLP's 4
DLP's 4
DLP's 4
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Nagagamit ang sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahaon at panlunan.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng isang lagom tungkol sa binasang teksto
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan):
Nagagamit ang mga pang-abay na ingklitik
II. A. NILALAMAN:
Pagbabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
B. KAGAMITANG PANTURO:
BEC/PELC PAGSULAT ph. 4, Banghay Aralin sa Filipino 6, aklat mga talata/teksto
III. KAGAMITANG PANTURO:
Landas sa Pagbasa 6 pp.24-25
IV. PAMAMARAAN:
A. Balik –Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
Ano ang paglalagom?
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang paksang nabasa?
Pagwawasto sa itinakdang gawain.
B. Paghahabi ng layunin ng aralin at paglalahat :
Pagganyak: Madalas ba kayong makipag-usap sa telepono sa inyong mga kaibigan? Ano-ano ang
inyong napag-uusapan?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1:
Pagbasa sa maikling usapan ng magkaibigan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2:
1.Tungkol saan ang pinag-usapan ng magkaibigan?
2.Ano-ano ang napansin mo sa kanilang pag-uusap?
3.Ano-ano ang mga katagang nasalungguhitan sa usapan?
4.Ano-ano ang mga kahulugang ipinapahayag ng mga katagang ginamit?
5.Ano ang tawag sa mga katagang ito?
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment):
Ipagamit sa pangungusap ang mga pang-abay na ingklitik.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay:
Ibigay ang angkop na ingklitik na bumubuo sa bawat pangungusap.
1.Ikaw_______ ang dumating?
2.Umalis na ________ siya at may gagawin pa ako.
3.Darating _________ mamaya ang bisita.
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang pang-abay na ingklitik?
Ano-ano ang mga halimbawa nito.
IV. Pagtataya ng aralin:
Gamitin sa iyong sariling pangungusap ang mga sumusunod na pang-abay na ingklitik.
1.pala 4. muna
2.nga 5. naman
3.sana
V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang maikling usapan o dayalogo. Gumamit ng mga pang-abay na ingklitik.
BANGHAY SA PAGTUTURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Inihanda ni: Hyzel A. Abing
I. LAYUNIN:
A. A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalasang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling kapayapaan (inner
peace) para sa pakikitungo sa iba
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay sa pag-unlad
ng ispiritwalidad.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan):
Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
1. Napapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao
2. Pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapuwa at Diyos.
II. KAGAMITANG PANTURO:
EsP - K to 12 CG p. 87, Powerpoint presention, videoclips “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Tao”.
III. KAGAMITANG PANTURO:
Powerpointpr esention, videoclips (kapaligiran at pagrerecycle) metacards, manila paper, permanent
marker at masking
IV. PAMAMARAAN:
c. Maaaring tumawag ang guro ng ilang boluntir na magbabahagi at ipapaliwanag ang kanilang
ginawa sa harap ng klase. Tutulungan ng guro sa pagpapaliwanag ang bawat boluntir.
d. Ipadikit sa lahat ng mag-aaral ang kanilang ginawa sa isang manila paper na may guhit ng ulap
at sinag ng araw.
E. Paglalahat ng Aralin:
Tandaan:
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng diyos ayihandog natin sa ating kapuwa o ibang bagay
na kanayang nilikha. Ibig ng Diyos na ating padaluyin ang buhay sa ibang tao. Kung gayun, pananagutan
nating mahalin, igalang at pahalagahan ang ating kapuwa.
IV. Pagtataya ng Aralin:
Magbigay ng limang pamamaraan ng pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos.
V. Takdang Aralin:
(Walang Takdang Aralin)